Fancy POV
Ilang linggo narin ang nakalipas simula ng may nagbigay sakin nuong mga chocolates and bouquet of flowers. Akala ko ay titigil na iyon pero hanggang ngayon ay nakakatanggap parin ako tuwing umaga. Lagi nalang ako nitong sinusurpresa dahil sa iba't ibang bagay na nilalagay niya sa upuan ko. Isa sa mga bagay na binigay nya na hindi ko makalimutan ay iyong Panda na halos kasing laki ko na. Hirap na hirap ako sa pagbitbit pauwi nuon, akala mo naman ay malaking tao ako para makayang bitbitin iyon gamit lang ang isang kamay. Tapos yung mga kapit bahay pa namin na parang cctv na nakatutok palagi sa akin. Para tuloy akong artista kapag uuwi na sa bahay. Si mama naman na dapat pagalitan ako dahil sa mga inuuwi ko ay tawa lang palagi ang tugon. Sabi pa nya na okay lang daw sakanya ang pag uuwi ko ng mga ito kaysa daw yung mismong nagbigay ang iuwi ko. Nakakaloko!
Ngayon umaga ay inagahan ko talaga ang pagpunta sa school para makita kung sino talaga yung naglalagay ng mga gift na yun sa aking upuan. Sa sobrang aga ako pa lang yata except sa guard ang nandito sa school. Hindi ko ngalang sigurado kung wala pa bang mga teacher.
Napataas ang kilay ko pagdaan sa harapan ng office nila Sir Matthew. It's open kaya posibleng nandito na sya. Sinilip ko sa bintana para siguraduhin pero nagulat ako ng walang makitang tao. Siguro ay lumabas pa si Sir. Nagkibit balikat nalang ako at nagpatuloy papuntang room. Lahat kami may susi sa room kaya okay lang kung sino mauna. Nakakapagod din kasi maghintay kung isa lang ang magdadala nuon.
Pagdating ko sa pinto nagtakang tinitigan ko ang doorknob, mukhang may mas nauna pa sa akin. It's 5:09 pa kaya ang aga din ng isang to. Binuksan ko na iyon ng tuluyan at pumasok.
"AY SUNGIT!" nagulantang na sigaw ko. Halos habol hininga ako dahil sa gulat ng may biglang humarang sa akin. Akala ko multo my gosh! Nanghihinang napakapit ako sa pintuan.
"So I'm masungit?" Nanunuyang tugon nya.
"Ha? Hi-hindi po Sir ah! Nagulat lang po ako! " mabilis na sambit ko. Muntik na akong atakihin dahil sa gulat. Walang hiya tong si Sir eh.
"Tsk. So early yata." Hala bakla? Talagang nagtataas ng kilay?! Conyo pa!
"Ha?! Nako napaaga lang po ng gising. Hihihi" hilaw kong tawa. Sinilip ko ang upuan upang makita kung may nakalagay na naman duon ngunit sa lapad ng dibdib nitong masungit naming sir hindi ko makita!
"Hmm. By the way I open your room so I can get my flash drive in your adviser's desk. Don't worry I already Informed her." At tuluyan na syang lumabas galing pinto.
Nakahinga ako ng maluwag dahil duon. Kahit buwan na simula ng dumating sya ay hindi parin matahimik itong puso ko. Oo alam kung it's more than crush, siguro ay like na yung nararamdaman ko sa kanya pero hindi kami pwede eh. Hindi naman to wattpad world na posible ang imposible. Kahit sino ang tanungin ay mali ang nararamdaman kong ito para sa kanya.
Huminga na lang ako ng malalim ay nagpatuloy sa upuan ko. Mula sa pinto ay wala akong maaninag kaya binilisan ko ang paglakad. Siguro ay nauna akong dumating sa admirer na yun kaya wala pa syang nalalagay.
Ng tuluyan akong makalapit ay napakurap talaga ako ng marami ng makitang may maliit nabox sa upuan ko. Agad kong nilapag ang bag ko at binuksan iyon.
"My Gosh! Oh my!" Ilang beses ako napalunok ng makita ang laman nuon. It's a ring. A silver infinity ring. Binasa ko ang nakaatouch na maliit na paper duon.
"Hope you will wear this ring. This is the last thing I want to give to you. Please take care that."
Tinitigan ko ng mabuti ang singsing. It's a beautiful ring, sa curious ko kung kasya ba saakin iyon ay sinukat ko and I'm surprise that it's fit. Hindi ko alam pero feel ko talaga ang pagsuot nuon kaya sinuot ko na lamang. Wala naman sigurong magtataka. Tsaka parang sinasabi ng isip ko na dapat ko talagang suotin ito.
"Uy Fancy ikaw palang? Aga mo yata ah!" Gulat na napalingon ako kay Kris. Sa dami ng iniisip ko ay hindi ko na namalayan na nandito na pala sya.
"Ah oo napaaga lang." Ani ko.
"Himala yata at walang nakalagay dyan sa upuan mo? Napagod na admirer mo sa kabibigay?" Biro nya pa.
"Hahaha siguro. Who knows" tugon ko. Wala sa sariling tinitigan ko si Kris. Imposible naman kasi na sya iyon eh. Imposible talaga dahil alam kong si Mika talaga ang gusto nya. Sigurado ako duon.
"Uy sino nagbigay nyang Fan?" Napatingin ako sa ring. Hala ano sasagot ko?
"Ah si Mama. Bakit?" Sinungaling kana self!
"I'm not sure pero para kasing may nakita din akong katulad nyan kahapon eh. Hindi ko ngalang matandaan kung sino yun basta dito lang yun sa room eh."
"Talaga?" Gulat kong tanong. Sino? Classmates namin?
"Mukhang same yung singsing namin. Destiny! hahaha" biro ko. Sino kaya. ibig sabihin ay nandito lang talaga sya sa malapit."Well baka nga. Hahaha"
I silently lean on my chair after that conversation. I'm still thinking kung sino ba talaga ang dapat kung paghinalaan about sa admirer thing na ito. Mahirap kasi manuro lalo na kung wala namang nagpapakita ng malisya. Bumuntong hininga ako at tumayo na rin dahil sa bagot. Masyado pang maaga kaya boring, wala parin sila Nissy. Baka mamaya pa talaga sila. Hindi na ako pinansin ni Kris dahil mukhang busy sa paglalaro ng ml. Nang tuluyan akong makalabas sa room ay napagpasyahan kong tumambay muna dito sa labas. Buti nalang at may upuan dito. Pagka umupo duon ay pumikit ako para damhin ang sariwang hangin lalo na ang katahimikan na bumabalot sa paligid.
"Come on Vishan. I really don't know! Why don't you call Him? Or maybe Kirsha knows. " napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon.
"Nah I don't know what happen to you and him but please calm down okay? " mukhang focus sya masyado sa katawag at hindi nya napansin na nakatingin ako sa kanya. Sino kaya nakatawag nya? Girlfriend? Of course! Pero baka naman friend lang?- namay girl? Wag kang mag selos self! Bawal yan!
"Yes! Of course He wouldn't. Yeah sorry too. Bye Take care, I love you too" Iloveyou daw? Ouch ha! Hindi panga kami pero selos na ako pano pa kaya pag naging kami na?! Pero imposible yata iyon!
Nang maibaba nya ang kangyang phone ay huli na para makaiwas ng tingin dahil agad nya nahuli iyon. Patay!"Kanina kapa dyan?" Tanong nya.
"Hmm Medyo po Sir" nahihiyang sagot ko. Hindi ko alam pero parang nakakahiya yata iyon ginawa ko na nakinig sa usapan nila ng girlfriend nya. Pero I love you daw! Kainis!
"What did you hear?"
"Ha?! I love you Sir!" Sa kaba ko ay patay mali yata nasagot ko.
"What? Oh I love you too" nanlaki ang mata ko ng marinig ang sagot nya. Whattt theee-
"Ha? Naku! Ma-mali yata ang pagkakaintindi mo sir! Hehehe joke lang pp yun!" at nag peace sign ako. Nanlaki ang mata ko ng biglang nandilim ang mukha nya. Hala! May mali b sa nasabi ko?
"Tsk Nevermind. I'll go inside." Napanganga ako ng biglaan syang pumasok sa kanilang office. Nagalit bayun? Anyare? Hindi man lang hinintay ang sagot ko!
Nakakahurt iyon ah! Tinalikuran ba naman ng lab of my layp ko!Napanguso nalang ako dahil sa moodswing nya. Sungit talaga! Wala naman akong ginawang masama tapos magsusungit naman bigla! Bakit ba hindi ako natuturn off sa kanya? No choice naba ako at sya talaga ang napili ang pusong lihaw na to? Nakakainis rin kasi eh! Alam ko naman na ang layo na ng agwat namin tapos talagang hindi kami compatible tapos iyong malanding puso ko na imbis pag aaral ang atupagin ay sya pa ang hinahanap hanap! Hindi nga kasi kami nakatadhana eh! Hindi kami pwede!
YOU ARE READING
My Teacher, My Lover!
SonstigesHow hard to fall in love with you Teacher? Can you take all the consequences for loving him? Can you take the pain that he can cause you? BUT.. It is really possible that your Teacher will fall for you?