-4 years later-
["okay,I'll see tomorrow i love you"]
sambit ni vince sa kabilang linya."i love you,bye"ani ko at pinatay na ang tawag.
oo, tama kayo ng iniisip.boyfriend ko na si vince, sa apat na taong nakalipas,lagi siyang nad'yan para damayan ako. actually lahat ng malalapit saakin,pamilya ko at mga kaibigan ko.pero siya ang lagi kong nakakasama.kaya nung nanligaw siya binigyan ko siya ng chance.at hindi nagtagal ay sinagot ko na din siya.
apat na taon na ang nakalipas at kahit mahirap ay tinanggap ko na din.halos isang taon din akong nagmukmok at naapektuhan nito ang mental health ko.pero buti nalang andiyan si vince,siya ang nagpapangiti at nagpapatawa saakin nung mga panahon na 'yon.kahit hindi kasing sigla at kagaya kung paano ako pasayahin ni liam no'n.at least tinatry niya pa rin.
sa loob ng apat na taon,ang daming nagbago,ang daming nangyari.bumalik na sa dati ang lahat,nawala na ang kumakalat na sakit na sea flu,pero yun nga lang marami ang namayapa at nawalan ng mahal sa buhay.
nakabalik na rin kami sa pag-aaral at ngayon ay 4th year college na ako,last year nalang ay gagraduate na ako. business management ang course ko at yun din ang gusto nila daddy para sa kumpanya namin dahil ako din daw ang mag mamanage non. medicine kasi ang kinuha ni ate,at ngayon ay nag-aaral pa rin siya.2 years pa ay gagraduate na rin.ang talino niya no,hindi nga lang halata.lol
first anniversary na namin ni vince bukas.at ngayon pupunta ako sa sementeryo para dalawin si liam dahil wala rin naman akong gagawin ngayon.
sumakay na ako sa kotse ko.marunong na rin akong magdrive at my license na rin dahil nasa legal age naman na ako.huminto muna ako sa bilihan ng bulaklak at bumili nito.
taon taon ko siyang dinadalaw dito.
ayos lang din naman kay vince 'yon at naiintindihan naman niya ako.nilapag ko yung bulaklak doon at nagsindi ng kandila.umupo ako sa may Bermuda grass,tinignan ko ang lapida niya at hinawakan iyon.
'Liam Hades O. Carson'
'born:September 28,1999
died:March 20,2016'"ang tagal mo ng wala liam,ang dami ng nagbago. 1 anniversary na namin ni vince bukas,sinubukan kong buksan yung puso ko para magmahal ulit"natawa naman ako sa.sinabi ko."ang oa ko,hindi naman naging tayo.sorry ah,nahulog ako sa'yo e..."kahit pa ulit-ulit kong sabihin sakanya 'to,hindi ako nagsasawa.
taon taon sinasabi ko yung mga nangyayari sa buhay ko.alam kong naririnig niya ako.
"namimiss na kita liam,ang daya mo naman..aamin na ako sa'yo noon e"pinunasan ko yung mga luhang tumulo sa pisngi ko.hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako.
napatigil ako nang may maramdaman akong nakatingin saakin.tumingin ako sa paligid at hindi nga ako nagkamali,may isang lalaki na hindi kalayuan sa kinaroroonan ko.naka itim na sumbrero, itim na shirt at itim din na pants ito.hindi ko nakikita yung mukha niya dahil naka shades din siya.
bigla akong kinabahan.baka may masamang gawin saakin 'yon. ilang minuto din akong nakipagtitigan sakanya at biglang humangin ng malakas kasabay nito ay tumunog yung cellphone ko sa bag.
nagsitayuan ang mga balahibo ko at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.nang makabalik sa katinuan ay dali-dali kong kinuha yung cellphone ko at sinagot yung tawag.
"h-hello abi"sagot ko sa tawag.
["marisse,busy ka ba today?"]
"hindi naman,bakit?"
["aayain sana kitang magshopping e hihi"]
"sure"
[okay,text ko nalang sa'yo kung anong oras,bye"]
pagkapatay ko ng tawag ay tumingin ulit ako sa kinatatayuan nung lalaki kanina at nagulat dahil wala na ito.
dali dali naman akong tumayo at nagdasal muna bago umalis sa lugar na iyon.
ano bang nangyari?sino kaya yung lalaki na 'yon,kilala niya kaya ako?
oh hindi kaya---multo 'yon?hay nako marisse 'wag ka nga mag-isip ng ganyan,hindi iyon totoo okay.tinawagan ko ulit si abi at sinabi ko na pupunta nalang muna ako sa bahay nila ngayon.kaysa naman kasi umuwi pa ulit ako,sayang sa gas.buti sakanila eh malapit lang dito.
pagkarating ko doon ay nag doorbell ako at bumungad naman saakin yung yaya nila.
"si abi ho?"tanong ko.
"nasa itaas po siya ma'am.puntahan niyo nalang daw po"sagot nito at tumango naman ako.
dahil nga bestfriend ko itong si abi,alam ko na kung saan ang kwarto niya.madalas din kasi akong pumunta dito.
hindi iyon naka lock kaya hindi na ako kumatok at binuksan ko nalang 'yon basta. alam naman niya na pupunta ako eh.
"abi?"tawag ko dahil wala siya do'n.napatingin naman ako sa pintuan ng cr niya at lumabas siya doon,bagong ligo.
"oh,bakit ganyan ang mukha mo?bakit parang namumutla ka?"tanong niya.kumunot naman ang noo ko at tumingin sa salamin sa may vanity table niya.
oo nga no..nag make-up naman ako pero namumuti ang mukha ko.siguro dahil sa takot at gulat ko kanina.malapit lang kasi talaga ang bahay nila abi doon eh.kaya hindi pa siguro naaalis.
"wala to.galing lang ako sa sementeryo kanina-"
"ano?!galing kang sementeryo,bakit hindi ka nagpagpag?baka mamaya may kaluluwa na palang nakasunod sa'yo."gulat na tanong niya.
"gaga,ang arte mo.galing akong sementeryo hindi sa burol"ani ko at inirapan siya.bumalik naman ako sa pagkakaupo sa kama niya.
"whatever"mataray na sambit niya habang nag aayos ng sarili.
"dinalaw mo ulit si liam mo sis?"maya maya ay nagtanong nanaman siya.
"oo,bakit?"kailangan pa talagang may 'mo'?
"hindi ka pa rin ba nakakamove-on diyan?ang tagal na niyang wala oh"
"masama bang dumalaw?taon taon ko namang ginagawa 'yon ah."sagot ko.
"wala nga,pero baka nagseselos na si vince dahil diyan"
"paano naman siya magseselos eh patay na yung tao?tsaka wala namang problema sakanya 'yon no"ito talagang babaeng 'to kung ano ano ang iniisip.
"sabagay,may point ka"ani niya at pinagpatuloy na niya ang ginagawa.
ilang minuto rin akong nagantay at sa wakas ay natapos na rin siya.mag ma- mall lang naman kami pero kung makapag-ayos akala mo may sasalihang pageant.
pagkarating namin sa mall ay bumili na kami ng kung ano ano at pagkatapos no'n ay napagpasyahan naming kumain muna sa fastfood dito rin sa loob.
"ang dami mong pinamili ah"sambit ko habang kumakain kami.
"syempre,ngayon nalang ulit ako makakapagmall dahil busy na sa school kaya sinulit ko na"nakangiting sagot niya.
kahit kailan talaga 'to eh..ang hilig bumili ng mga gamit,hindi naman niya nagagamit...sana gets niyo.
kung ako naman ang tatanungin ayaw ko bumili ng masyadong marami,gusto ko kung ano lang yung kailangan ko yun nalang muna.kahit malaki ang binibigay na allowance ni daddy saakin ay gusto ko pa ring gumastosng malaki kapag sariling pera ko na.
nagkwentuhan pa kami ng kung ano tungkol sa school at walang kwentang bagay.napahinto naman ako dahil may nararamdaman nanaman akong mga matang nakatingin saakin.
pasimple akong tumingin sa paligid at nanlaki ang mga mata ko dahil nakita ko nanaman yung lalaki sa sementeryo kanina! nando'n siya sa may table sa gilid nakapwesto at nakaharap 'yon sa gawi ko.
sino ba 'yon?sinusundan niya ba ako?
"huy marisse,ano na?"bumalik ako sa katinuan nang mgsalita si abi,tinignan ko siya at nakitang nakatayo na pala siya at nakahanda ng umalis.
"kanina pa kita tinatawag at aalis na tayo"patuloy niya. dali dali naman akong tumayo at hindin na nagsalita.pagtingin ko sa pwesto ng lalaki kanina at wala nanaman siya!
natatakot na ako ha,kanina pa iyon.
"sorry sis,may iniisip lang "pag dadahilan ko kay abi.at pagkatapos non umalis na kami.~♥~
BINABASA MO ANG
Love with sacrifice(ON-GOING)
Fiksi Remajasinabi ko sa sarili ko na maghihintay ako hanggang sa ibigay na ng tadhana ang nakalaan para sa'kin. -Marisse Anne Entria buong buhay ko kontrolado ako ng daddy ko sa lahat ng mga desisyon ko sa buhay.pero para sa taong mahal ko,hindi ko hahayaang p...