CHAPTER 7
>Majie’s POV<
Pinahid ko ang iilang luhang pumatak sa aking mga mata pagkatapos kong magdasal dito sa isang simbahan. Iilan lang ang tao sa loob kaya walang pakielaman kung humagulgol pa ako dito. Sa ilang araw na lumilipas na wala pa ring balita sa kapatid ko na si Lenie ay paulit ulit akong dumudulong sa panginoon upang iligtas ang aking kapatid at huwag hayaang mawala sa akin ng tuluyan. Na sana’y makabalik siya ng buo at nasa matino pang pag-iisip.
Mula sa pagkakaluhod ko ay marahan akong tumayo upang dumiretso sa sindihan ng kandila. Magkakasunod kong sinindihan ang tatlong kandila na hawak ko at tahimik muling nagdasal na sana sa pagpunta ko ngayon sa presinto ay may balita na kay Lenie. Napamulat na lang ako ng may isang bata ang yumakap sa binti ko, at sa pagyuko ko.
“hala !!” nasambit ko nang makita ang isang batang lalaki na sobrang puti at may yellow-brown na mga mata na nakatingala sa akin, tingin ko ay isang taon at kalahati hanggang dalawang taon ang edad ng bata. Mas lalo pa itong naging cute ng ngumiti ito sa akin kung saan naging mas matambok ang medyo pink nitong mga pisngi tas may isa lang itong dimple sa kaliwa pisngi.
“a-ay sorry miss, nilapag ko lang kasi siya para makapagsindi ako ng kandila” isang boses ng lalaki ang muling nagpatingala sa akin. Hindi ko napansin na may katabi na pala akong lalaki dito sa sindihan ng kandila. Maraha niyang hinila mula sa akin ang bata at binuhat ito.
“a-anak mo ??” tanong ko sa kanya sa hindi makapaniwalang tono habang nakaturo ako sa bata. Hindi sa nang-aasar ako pero parang ang bata ng itsura niya para magkaanak. Sasabihin ko na ang totoo, ang gwapo niya. Bumagay yung kapal ng kilay niya sa itim na itim niyang mga mata tapos ang ganda ng ilong niya at yung labi, dinaeg ang labi ko sa nipis. Nahiya naman ako bigla sa morena kong balat ng mapagtanto ko kung gaano sila kaputi nung bata.
“Oo” sagot nito sabay ngiti, napangiti na din ako ng pilit kasi naman nakakatulala yung iisa niyang dimple ang lalim.
“amerikana ba ang ina ?? y-yung mata kasi niya hindi itim gaya ng iyo” tanong ko sa kanya, may kasama pang pagmwestra. Tumango naman ang lalaki habang nakangiti.
“his mother is a canadian” anito. Patango tango naman ako.
“galing mong pumili ng bubuntisin ahh ang ganda tuloy ng naging bunga, nasaan ang ina ?? iniwanan mo o iniwanan ka ??” tanong ko sa kanya, umiiral na naman pagiging prangka ko at madaldal. Nakangisi pa ako ng itanong ko yan, ngunit nawala yung ngisi ko ng mapansin kong hindi na nakangiti yung lalaking may buhat sa bata. Bagkus ay masama ang tingin nito sa akin. Anong ginawa ko ??
“hindi ko gusto yang tabas ng dila mo” anito sa seryosong boses. Napataas tuloy ako ng isang kilay, anong mali sa sinabi ko ?? hindi naman ako nagmura diba ??
BINABASA MO ANG
Angel with a Shotgun
RandomIsang alagad ng diyos at isang mamamatay taong isinumpa na ang mundo. Sa pagkrus ng kanilang mga landas, kaninong buhay ang babaguhin nino..kaninong paniniwala ang mapapalitan..at sa kabila ng kanilang pag kakaiba, isang pagkakamali ang naganap. Is...