Chapter 2-Israel

3.8K 103 3
                                    

Inis na inihagis ko ang duffle bag ko sa kotse na nakahanda para sa amin pagbaba namin sa eroplano. Ang hassle lang ay diretso na agad kami sa misyon wala ng pahipahinga pa. I am now stuck here in Israel with Sky. I lost the Russian mission at wala akong nagawa!

"Seriously Katarina? Gagawin mo talaga akong driver?"reklamo ni Sky. Sa backseat kasi ako umupo at hindi sa tabi niya.

"Mag-drive ka na lang at wag ka ng mag-reklamo dyan."matalim ko siyang tiningnan sa rearview mirror sa unahan.

"Damn,I should bear with your ungodly attitude till the mission ends."naiiling niyang wika hindi ko na lang siya pinansin.

I am looking outside the window. We are going to the ceremony held in the name of the Prime Minister of Israel outside his palace. We are going to annihilate him no matter how many battalion of guards he have. He is one of the most corrupt Prime Minister in the world and someone wants him dead.

And I am the one who will going to take him down. I grinned at the thought. Though I am pissed losing the Russian mission this will still be very exciting. My blood were rushing.

Nakalatag na ang plano. We will hide in plain sight. I will shot the Prime Minister na walang makakapansin sa harap mismo ng madaming tao. Sky will be my back up.

Sky park the car at the palace. Madami ng mga tao sa venue. We have to disguise,I have to act like a guy. Sky already wore the tux of a bodyguard kaya lumabas na siya ng kotse. Pagkalabas niya ay nagbihis na din ako ng uniform ng mga bodyguards. Loose pants and a black long sleeve tux underneath a white collared polo shirt. Good thing na may cap ang mga guards maitatago ko ang mahaba kong buhok na kulay tsokolate. Pinalitan ko iyong rubber shoes ko ng black leather shoes. Noong sa tingin ko ay ayos na ang suot ko ay hinagip ko na ang baril ko at isinuksok sa suot kong tux bago lumabas ng sasakyan.

Sky nodded at me. Naintindihan ko na ang ibig niyang sabihin. Kailangan na naming simulan ang plano. May earpiece kami parehas para makausap namin ang isa't-isa. Umalis na kami sa parking. Sky will look out for me. Kapag napatay ko na ang Prime MInister siya na ang bahala sa sasakyan namin para sa pagtakas. Kung may aberya man na mangyari back up ko siya. That's just a piece of cake. I bet that will bore him big time.

Humalo na ako sa karamihan. Nasa ground lang ng palace ang ceremony at walang entablado. Nakita ko na ang target sa gitna ng karamihan. May hawak itong mikropono at nagsasalita. I could shot him from where I am standing and I am pretty sure that I will not miss.

I looked around studying the venue. Lots of bodyguards were wandering around. I am looking at the possibility of being cornered and collared. Kung patatamaan ko isa-isa ang mga bodyguard ay mas makakakuha ng atensyon and the possibility of being apprehended will be thinner. It is better to stick with the plan.

One,two--five. Limang bodyguards ang nakita ko hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. They are all armed. The two men in black were standing under the tree. The other two were rooted their feet near the Prime Minister. The fifth man were in the middle of the crowd and the rest were post afar.

Inalis ko ang paningin ko doon sa bodyguard na nakahalo sa karamihan nang mapabalik muli ang tingin ko sa kanya..

He looks familiar. His hideous face,his height and built.

Lumakad ako palapit sa kanya para makasiguro.

"Katarina,lumalayo ka sa target.."dinig ko ang boses ni Sky na ang tinutukoy ay ang Prime Minister. Wala sa loob na tinanggal ko ang earpiece at isinuot sa bulsa ko.

Tuluyan na akong lumapit sa bodyguard na nakakuha ng atensyon ko. I can clearly see his features at close range. Tumanda lang ito at lumaki ang katawan but still have the same awful face twenty years ago.

Marine:The She-Devil Reincarnate(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon