Chapter 3

57 10 11
                                    

Chapter 3

I was supposed to enjoy my food but here I am worrying about how am I going to approach him after what I've done.

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko dahil sa nabasa ko, napansin kong kanina pa tingin ng tingin sa akin si Lola.

"Ayos ka lang ba, hija?" tanong ni Lola pagkatapos uminom ng tubig mula sa kanyang baso.

"O-okay lang po ako, Lola..." nag-aalinlang kong sagot sa kanya bago dahan-dahang inabot ang tinidor at pinilit na ibalik ang konsentrasyon sa pagkain.

Hindi pa nga ako nagugustuhan pabalik ay lalo na akong nawalan ng pag-asa. I closed my eyes and tried to remove the bad vibes. I sighed once again as if it can help.

Ngunit kasabay ng pagmulat ng mata ko ay ang pagpitik ni Darth sa noo ko na agad namang nakapagpangiwi sa akin. Napansin kong wala room si Lolo at Lola kaya may pagkakataon akong kurutin ang lalaking 'to.

"W-what is your problem?" I asked while glaring at him.

"Tulala ka, kanina pa. Nakanganga ka pa, pasalamat ka hindi pumasok 'yung langaw sa bibig mo," sabi niya sabay subo ng chicken pesto na nasa plato niya.

Inirapan ko na lamang siya at pasimpleng kinurot ng mariin sa tagiliran na agad niyang idinaing.

Akmang gaganti siya sa pamamagitan ng pagtusok sa akin gamit ang tinidor ngunit mabilis ko 'yong nasalag ng kutasara. Nang-aasar na ngumiti pa ako sa kanya kaya't lalong napikon hanggang sa para na kaming naglalaban gamit ang kutsara at tinidor.

Papalag pa sana ulit siya ngunit napatigil kami ng marinig ang pagtikhim ni Lolo na sinundan ng halakhak ni Lola. Napaismid naman si Darth ng ma-realize kung anong kalokohan ang nangyari.

"Para kayong mga bata, hindi pa din kayo nagbabago," sambit ni Lola.

Ngumiti na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain. Bandang ala sais ng matapos kaming kumain. I volunteered to wash the dishes habang si Darth ay sinamahan si Lolo sa terrace. Nang matapos akong magligpit ay saktong pababa na rin si Lolo at Lola kasama si Darth.

Nanatili pa kami sandali bago nagdesisyong nagpaalam at bumiyahe na pauwi.

Tinatahak na namin ang daan pauwi nang biglang pumasok muli sa aking isip ang text ni Haiden. Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko mula sa akin bulsa at binuksan ang text ni Haiden.



Alli:

I'm sorry, Haiden. I forgot about it and I need to go to my grandparents house that time. Sorry.

I sighed after sending that message to him. Hanggang sa dumating sa bahay ay kung ano-ano pa rin ang iniisip ko. Bukas, bukas dapat makausap ko si Haiden. Gusto kong mag-sorry.

Pagpasok ko sa bahay ay naabutan ko si Manang na nanonood ng TV sa sala. Nagsabi lang si Manang na tawaginbko siya kung may Kailangan ako na sinagot ko ng isang tango bago tuluyang tumaas patungo sa aking kwarto.

I took off my shoes as well as my uniform and move to take a shower. I was in the middle of cleaning my body when I realized how heavy and hectic our schedule would be tomorrow.

Few minutes passed and I found myself sitting on the bath tub, silence consumed me once again. I stayed there for almost an hour while drowning myself into deep thoughts.

It was already nine in the evening when I finished blow drying my hair and fixing my clothes. I was sitting on my bed when my phone beeped. Someone texted, itinaas ko ang paa ko sa kama bago binuksan ang text.

09*********

Its Franz, save my number.

Then realization hit me, kailangan ko pa nga palang maghanap ng topics para sa research. I immediately open my laptop and go straight to Google scholar.


His Best Angle (Angle Duology Book 1) | ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon