Kenna Hearth Silvestre Atlancia
Hindi pa sumisikat ang araw pero nandito na agad ako sa kampo na ginawa para sa unang pangkat ng mga kawal.
Kung hindi ko lang talaga mahal ang pinsan ko na si Aya hindi ako papayag sa inuutos nito.
Nasa harapan ko na ang lahat ng mga kawal na basang basa ng tubig, nagpakawal ako ng malaki na alon para magising sila.
Kita ko ang panginginig ng mga nasa harapan ko. Walang gana na tinignan ko sila habang nakaupo ako at inabutan ng tsaa ng dama na kasama ko.
"Alam niyo na ang mangyayari sa inyo kapag hindi kayo maaga gumising para mag handa, sinabihan ko na kayo una palang parusa agad sa hindi sumusunod sa utos ko"sabay ngiti ko ang nakita ko na mas lalo sila nanginig sa takot pero nakikita ko pa rin sa mga mata nila ang paghanga sa akin.
Wala ng bago sa mga nakikita kong pag bibigay nila ng tingin na may paghanga sa akin.
Sino ba naman ang hindi hahanga sa taglay kong kagandahan kung namana ko ang itsura ng aking mama na si Heria Atlancia ang reyna ng Atlancia.
Hindi rin matatangi ang taglay na karisma na namana ko sa aking ina na si Fiona Silvestre Atlancia.
"Simulan na ang pag takbo"utos ko sabay tayo at nataranta sila ng naglabas ako ng latigo.
Kahit basang basa pa sila at nilalamig ay mabilis na kumilos ang mga kawal, kung ipapakita ko sa kanila ang pagiging mabait ko ay alam ko na hindi nila ako susundin.
Maraming nagsabi na namana ko sa aking ina ang pagiging masungit lalo na sa mga hindi marunong makinig o sumunod.
Ilang oras din ay dumating na ang mga kawal, natuyo na ang kanilang mga kasuotan ng sila ay tumakbo.
"Simula palang ng ating pag sasanay ang ginawa niyong pagtakbo. Alam ko na karamihan sa inyo ay mahina at madali mapagod dahil sa unang humawak sa inyo. Masyado naging pabaya at naging maluwag sa inyo, kaya asahan niyo na mas lalo pang magiging mahirap ang kakaharapin niyo"sabay ngisi sa kanila at nakita ko na napalunok sila.
Tinignan ko ang punong dama na kasama ko at tinanguhan ko ito, mabilis na lumabas ito at ilang minuto lang may mga kasama na ito.
May dalang pagkain at mabilis na binigay sa mga kawal, hindi naman ako gaanong kasama para hindi sila pakainin bago pahirapan.
Nakita ko ang pag ngiti ng mga kawal at lumabas muna din ako ng kampo namin.
Kasalukuyan na nandito kami sa isang malawak na kagubatan na sakop ng Distrikto 10 ng Arcavia.
Napangiti ako ng maramdaman ko ang sariwang hangin dito, sa totoo lang malaki ang pagkakaiba ng Atlancia at Arcavia.
Kung ang Arcavia ay makikita pa din ang mga simpleng pamamaraan nila lalong lalo na sa pamumuhay.
Hindi rin masyado makikitaan ng pagiging moderno ang Arcavia dahil ang nakagisnan na nila ay ang mga dating pamamaraan at mga sinaunang batas na pinairal ng mga unang namuno.
Pero hindi rin mawawala ang karamihan sa mga sasakyan na pang lupa, pang dagat at pang himpapawid.
Ang mga sasakyan o transport na ginagamit ng mga mamamayan dito ay galing sa Atlancia, inangkat ito ni Tita Antonette dahil hindi maaari na gumamit sila ng mga kabayo o iba pang hayop dahil mas lumalawak na din ang sibilisasyon ng Arcavia.
Ang Atlancia naman ay makikitaan ng mga pagiging moderno dahil lahat ay halos makina ang mga gumagana.
Mas malaki at malawak ang Atlancia dahil sa mga naunang namuno o humawak nito at pinalawak nila ang kalupaan at mga sakop para mas maging malakas at maging isang malakas na sentro ito.
BINABASA MO ANG
Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]
FantasyHeiress Series #2 Story of Aishelle Yesha Autumn Blanc Arcavia and the Goddess of Creation Serene Lianne Luna Heaven. Date Started: May 15,2020 Date Finished: October 17,2020