PLAYLIST

2.5K 106 6
                                    

Naisip ko ito habang nagrereview ako para sa prelims exam namin habang nakikinig ng mga kanta ng bagong album ni Taylor, "1989" at nagbababasa ng mga one shot sa phone ko. HAHAH Multi-tasking, isn't it?

 COPYRIGHT © 2015 by lovelySharian

Nasa clasroom ako habang nakikinig sa phone ko ng mga kjanta ni Taylor sa kanyang bagong album, ang 1989. Wala kasi yung prof namin. May ewan atang inaasikaso kaya eto tunganga ang karamihan sa amin sa pagtambay dito sa loob.

Kinalabit ako ni Donie, katabi ko sa upuan. Nilingon ko sya sabay alis ng isang earphone sa tenga. "Bakit?"

"Hihiramin daw ni Brian yung phone mo. May ibu-bluetooth ata."

Nilingon ko ang sinasabi nya. Nasa likuran ng room kasama ang mga kaibigan nya habang nag-iingay sila. Nagkakatuwaan ata.

Tumayo ako at lumapit sa kany. Natahimik naman ang mga maiingay na kasama nya ng makalapit ako at patingin-tingin kay Brian.

"Hi, Marienne." bati nila sa akin.

"Hello." Tumingin ako kay Brian na nakatingin din pala sa akin. "Hihiramin mo raw yung phone ko. Sa susunod kung may kailangan ka, ikaw na mismo ang lumapit. Pahihiramin naman kita, eh."

Pagkabigay ko nung phone, naupo na ulit ako sa upuan ko at nakipagkwentuhan kila Donie at Joie.

Siya nga pala, Si Brian Gomez ang pinakasikat na lalaki sa campus namin. Bakit? Well... given na gwapo siya, matalino (President's Lister with an average of 1.10. Oh, san ka pa?), mabait, at higit sa lahat, maporma. Yes. Siya ang walking fashion ng mga kalalakihan sa school. Lahat ng tao rito eh gusto ang fashion sense niya at pilit syang ginagaya.

Pero kahit yung mga ganyan na katangian niya ay given na, wala po akong gusto sa kanya. Yes inaamin ko na nagagwapuhyan ako sa kanya, nababaitan, idol ko sa katalinuhan, at humahanga sa porma niya pero wala ng hihigit pa dun. I mean, hindi ako nakakaramdam ng "butterflies in my stomach" at "uncontrollable heartbeat". Wala ring "kilig". O, sasabihin nyo kakaiba na naman?

"Salamat."

Tumingin ako sa nagsalita. Si Brian pala. Ibinabalik na yunmg phone ko. "You're welcome."

Nakinig ulit ako ng music habang sumasabay-sabay ng mahina sa "Out of The Woods" ni idol Taylor Swift =) [Pasearch na lang sa YT. Maganda siya, pramis.]

After several music, bigla na lang naiba yung naririnig ko. Teka, nagtatagalog ba si Taylor? At boses lalaki na ba sya? Teka... parang...

Brian?

"Alam kong wala kang gusto sa akin. Sinabi yan sa akin ng mga kaibigan mo. Oo, alam kong nasa'kin na ang lahat sabi nga ng iba, pero bakit hindi mo ako magustuhan? Naisip ko na may mali siguro sa akin. Pero nakalimutan ko. Iba ka nga pala. Hindi mo ibinabase sa panlabas na anyo ng isang tao kung anong mararamdaman mo para sa kanya. Kaya eto ako, natotorpe. Wala, eh. Kung may gusto ka man lang sana sa akin, eh di sana naglakas loob na ako na magtapat at manligaw saiyo. Kaya lang, naunahan ako ng katorpehan ko kasi alam kong wala ka ngang gusto sa akin.

"Pero naisip ko, paano kung maiba ang kalabasan kaysa sa iniisip ko? Paano kung mahuli na ang lahat at may mauna na sa akin? Di habang buhay akong mag-iisip ng 'what-ifs' na yan. Para mang bakla ang ginagawa ko ngayon... ayos lang. Basta masabi ko lang sayo ang nararamdaman ko. Hindi ko na kayang itago lang ito. Haaay... kung ano man ang mangyari pagkatapos ng pagtatapat kong ito... ayos lang sa akin. Tanggap ko. Pero sana bigyan mo ako ng pagkakataon na patunayanh sayo na mahal kita. Marienne Martinez... woooh! Can... can I court you?

"Ahm... Hahahah Nahihiya na tuloy ako sayo. Ahm... itong kantang ipeplay eh ang gusto ko sanang sabihin sayo."

Pagkatapos nun, nagplay ang kantang "Classmate". [play video on the side]

Nabigla ako sa narinig ko. Kung hindi pa ako tinapik sa balikat ni Joie at sinabing may naghahanap sa akin, malamang tulala pa rin ako hanggang ngayon.

Lumabas ako at nakita ko si Kuya Jerome, ang CDO Governor ng college namin. May ipapagawa na naman siya sa aking report bilang ako ang vice gov. O di ba? Mapagkakatiwalaan din naman ako.

Papasok na sana ulit ako sa room kaya lang may naisip akong gawin sa CR. Pagkatapos kong mag-CR bumalik ako sa room. Dumaan ako sa back door kung nasaan nakatambay sina Brian. Lumapoit ako sa kanya at natahimik na naman sila. Now I kno kung bakit ganun na lang ang tingin nila kay Brian kapag malapit lang ako.

"Peram ng phone." sabi ko.

Ibinigay naman niya yung phone niya at may blinutooth ako. Pagkatapos, yung earphones naman niya ang hiniram ko. Inilagay ko yung earplugs sa tenga niya at pinindot yung play ng ipinasa ko. Lumapit na ako kina Donie at niyaya silang umalis. Pagkaayos namin ng gamit, saka kami lumabasa pero hindi pa kami nakakalayo ng...

"YES! YES! YES!"

"Uy, ano yun? Sumigaw ba si Brian?" tanong ni Donie.

"Oo ata. Boses niya yun, di ba? Ano bang nangyayari sa taong yun at parang nanalo sa lotto?" si Joie naman yan.

"Ewan. Baka nga nanalo talaga." sagot naman ni Donie.\

Napangiti na lang ako sa naging reaction niya sa isinagot ko sa kanya. Kung inilagay niya sa playlist ko ang confession niya, inilagay ko rin sa playlist niya ang sagot ko.

Playlist (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon