Lumiere.Time na ngayon ng MAPEH at isang subject nalang pagtapos nito ay uwian na.
Malapit nang matapos ang oras ng MAPEH pero heto ako ngayon at papasimula pa lang magpinta. Nakailang ulit na kasi ako pero lahat panget.
Binabagabag pa rin ako hanggang ngayon ng napag-usapan namin kanina ni Ma'am. Ymir. Hindi na nga ako masyadong naka-focus sa ibang mga subject.
I sighed.
"Oh hindi ka pa rin tapos, Miere?" Umiling ako sa tanong ni Earthel na katabi ko lang din magpinta. Buti pa sya malapit ng matapos.
Nanlalamig na rin ang kamay ko sa kaba. Kaba na baka hindi ko matapos. Nafru-frustrate na rin ako sa puntong parang gusto ko nalang punitin yung bondpaper at itapon lahat ng mga poster paint at baliin yung paint brush.
"Kanina ka pa bumubuntong hininga dyan, gusto mo tulungan nalang kita? Malapit na mag-time. Maya-maya lang dadating na si Ma'am. Buenaventura." Tukoy nya sa teacher namin sa TLE. Subject na kasunod ng MAPEH.
"Suggest ka nga ng iba pang puwedeng i-paint." Buntong hininga ko. Napahilot ako sa sintindo ko sa inis.
"Galaxy nalang kaya? Tapos design-an mo nalang." Napatango-tango naman ako at sinunod ang sinabi nya.
Nakahinga na ako ng maluwag nang matapos ko ito. Nagpaint ako ng puno na maraming sanga na black pero walang dahon. Tapos ang background ay galaxy at winisik-wisikan ko ng white paint para magmukhang stars. Nilagyan ko ng pangalan at ng grade & section yung likod ng bondpaper.
Saktong pagtapos ko ay ipinapasa na lahat ng paintings. Pinuri pa ako ng mga kaklase ko nang makita ang gawa ko. Minadali ko nga lang 'yan 'e pa'nong naging maganda 'yan?
■
Uwian na ngayon at agad akong umalis na ng classroom at dumiretso palabas ng school. Ang sabi kanina nina Mel at Riri ay hindi nila ako masasabayan sa pag-uwi ngayon dahil may aasikasuhin pa sila kaya naman heto ako ngayon, mag-isa.
I was stopped in my tracks when I saw Ma'am. Ymir with the other teachers. Kasama nya sina Mrs. Sarmiento, Ms. Buenaventura, at isa pang babaeng teacher. Pero parang ngayon ko lang sya nakita dito sa school.
Somehow her figure reminds me of her.
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at lilipat sana sa kabilang parte ng kalsada nang may nakabangga ako pader. Napahawak naman ako sa ulo ko at napadaing.
"Sorry." Sabi ko nang ma-realize kong tao pala ang nakabangga ko. Aalis na sana ako sa harapan nya ng hawakan nito ang braso ko.
Nilingon ko naman sya at nangunot ang noo ko nang matanto ko kung sino ang nakabangga ko.
"Ikaw na naman?!" Inis kong sigaw. Nagulat sya sa biglaan kong pagsigaw. Pati yung ibang tao ay napatingin sa amin.
Malas ko talaga kahit kailan.
Sya yung kapreng maputi at na akala mo'y binudburan ng harina na sinigawan kahapon lang din.
"Ano na namang kailangan mo, lalake?" Masungit kong tanong
"Wala naman, nakita lang kasi kitang mag-isang naglalakad kaya nilapitan kita kaya lang mukhang hindi mo ako nakita at nabunggo mo pa ako." Nakapamulsa sya habang hawak-hawak ang braso ko.

BINABASA MO ANG
Lumière
RandomAm I a mere mistake? A mistake that shouldve not been made? Started: August 8, 2020 Ended: ----- Genre: TeenFic, Drama, Romance?