five | Ikaw na bata ka!

22 3 10
                                    

A/N: This chapter is dedicated to eslairis na nabitin daw sa chapter 4. Pero bibitinin ulit kita dito


Lumiere.





Putanginang mata 'yan. Nakakainis na ah. Hindi ako makapag-focus sa binabasa ko. Pinaka-ayaw ko pa naman sa lahat ay ang tinititigan ako, nakakairita bwiset.

Nilingon ko sya kasabay ng pagpikit nya ng mata nya at nagkunwareng tulog.

Nakahiga si Rhysand sa kabilang sofa, kaharap ng sofa-ng kinauupuan ko. Nakatagilid sya at nakaharap sa akin.

Ibinalik kong muli ang atensyon ko sa binabasa kong story sa wattpad. Kaso, putangina talaga.

"Tumigil ka na sa kakatitig mong lintek ka." Madiin kong sabi bago tumingin muli sa kanya na nakadilat ang mga mata, huli ka balbon!

"Makita pa kitang nakatingin na naman ah, huhugutin ko na 'yang mata mo palabas!" Banta ko sa kanya. Muli kong itinuon ang atensyon ko sa pagbabasa matapos iyon.

Alas-dyes na ng gabi.

Inis kong binagsak ang cellphone ko sa gilid ko dahil sa nawalan ako ng gana. Buti nalang ay nakaupo ako sa sofa kundi ay basag na 'yan at mapalo pa ako pagdating na pagdating palang ni Tita Emy kapag umuwi na sya.

Sumandal ako sa sandalan ng sofa at tumingin sa bintanang nasa gilid ko lang. Ipinatong ko ang braso sa noo ko at tinignan ang madilim na langit sa labas. Makulim-lim at wala paring tigil ang pag-ulan.

"Lumiere..."

"What?" Masungit kong tanong nang marinig kong tawagin ako ni Rhysand.

"Hindi ka ba natatakot na baka may gawin akong masama sa'yo?" I stiffened when I heard his question.

Hindi naman lingid sa kaalaman ko ang puwedeng mangyari.

"Hindi ko alam." Sagot ko.

"Ayos ka lang ba?" Ayos nga lang ba talaga ako? Sa totoo lang hindi. I was never okay in the first place.

Hindi ako sumagot sa tanong nya bagkus ay nilingon ko sya tumingin sa mga mata nga bago bumuntong hininga at natahimik.

"Hindi kita anak!" Paulit-ulit na um-echo sa isip ko ang mga salitang binitawan ni Felicidad nang minsa'y pumunta ako sa bahay ng pamilya nya.

Nanikip ang dibdib ko nang maalala ko kung paano nya ako itulak paalis ng pamamahay nya na para bang hindi nya ako anak. May asawa't anak na pala sya bago pa nya ako naipanganak. May isa syang anak na lalaki, lalaking mas matanda pa sa akin ng dalawang taon. Ang pangalan ay Ciel Sombrien Encarnacion Villanueva.

Ang hirap isipin na isa lang pala akong napakalaking kamalian na nagawa nya sa tanang buhay nya.

Parang dapat pala hindi na ako nabuhay ano?

"So who's that woman?" Sinabi nang ayaw kong pag-usapan, kulit!

"Manahimik ka na." Aniya ko

"Paano ako mananahimik kung nakatitig ka sa akin?" Agad akong napaiwas ng tingin dahil sa sinabi nya.

"Sino nga kasi yung babaeng 'yon?"

"Bakit ba kasi ang kulit mo?! Sinabi na ngang ayaw kong pag-usapan!" I burst out in anger and look at him straight in his eyes. Agad kong pinunasan ang luha ko nang maramdaman kong may tumulo sa pisngi ko.

"Tsk." I hissed and was about to walk away when he pulled my wrist and hug me suddenly. Napasandal ako sa dibdib nya.

"Hindi ko alam na umiiyak pala ang isang supladang katulad mo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LumièreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon