CHAPTER 7: LIES AND REGRETS

138 13 6
                                    

Sa bawat pag-urong ni Pipe, hindi na siya magkandamaliw sa kaba kaya't nanigas ito habang humahakbang patalikod. Dahil sa lubos na hilakbot ay unti-unti itong kinakain ng sariling tako dahilan ng pagkahirap sa pag-hinga.

Patuloy nitong hinahabol ang kaniyang hininga ngunit hindi ito sumapat kaya't napapikit si Pipe at nawalan ng malay.

Ang masaklap pa doon, hindi lang siya nawalan ng malay, nakanto pa ang ulo niya sa bakal na hawakan ng hagdan na nagdulot ng matinding pagdu-dugo.

Hindi na nagsayang pa ng oras ang TI2 at dinala na ang naaksidente sa ospital.

Sa bahay-pagamutan habang naghihintay ng resulta, ramdam na ni Ibe ang busaksak ng kaba at pagkakasala. Hindi ito mapakali na umabot sa puntong naglalakad na ito ng pabalik-balik sa magkasaliwang direksiyon ng hindi mabilang na ulit.

Palakad ulit ito sa kaliwang direksiyon at aakmang babalik sa kanan nang may marinig itong mga mabibigat at nagmamadaling lakad pagawi sa kaniya at nang tinangalaan niya ito—

"Anong ginawa mo kay Pipe!" nagliliyab na titig ni Yna kay Ibe ngunit nagmumukha pa din itong kalmado sa kabilang banda.

"How dare you!" buong pwersang itinulak ni Micah si Ibe ng dahil sa pagka-imbot. "Ano ba kasing kasalanan niya sayo! Haaa!" patuloy niya lang itong pinaghahampas gamit ang gilid ng kamao dahilan ng listong pag-urong ni Ibe.

Sa kaniyang paghakbang ng patalikod malapit sa pinto ng Intensive Care Unit o ICU, hindi niya namalayang bumukas ang pinto kaya't naurungan niya ng hindi sinasadya ang doktor.

"Sorry, doc." sambit ni Ibe at humukod, "Ano pong ba—"

"Ano pong balita 'doc?" pagsambad ni Yna sa nagsasalita at sabay inirapan.

"Happy to say that he's totally fine now. Tinahiaan namin ang bandang likuran ng ulo niya kung saan bumiyak ng kaunti para matigil ang pagdudugo. Aside from that, may na-diskobre pa kami.

"Huh!" kumunot ang buong mukha ni Ibe dahil sa pagkabigla, "Ano p—"

"Ano po 'yon doc?" pagputol ulit ni Yna sa inihahayag ni Ibe.

"He has Katsaridaphobia." saad ng manggagamot.

"Katsa—" nagulumihanan ang pasimuno ng kapilyuhan.

"Anong ginawa mo sa ipis?!" biglaang hatak ni Keith sa damit nito at pinaglisikan ng mata.

"Calm down." pagbasag ng mediko sa nagaapoy na atmospiya.

"Katsaridaphobia or Cockroach Phobia makes a person extensively feared from cockroaches. Many people suffer from this and Entomologist also thinks that cockroaches are the number one insects feared by humans." paliwanag ng doktor.

"What a mess!" napayuko na lamang si Ibe sa pagsisisi.

"Please, excuse me." paalam ng doktor.

"So alam mo na ngayon!" nangangalit na boses ni Keith habang naka-ipit ang mga kamay sa beywang, "Ano ba kasing trip mo? Anong ginawa mo sa ipis dumbitch ka!" walang kibo ang kausap kaya't mas lalo itong bumulusok sa galit, "Siraulo ka pal—"

"Tama na!" pagpigil ni Yna sa kamaong nasa ere, "Sa tingin niyo ba may magagawa yang suntukan niyo?"  nilapitan ang dalawang naga-alitan, " Sige! Punch him! Suntukin mo!" pinuwersang pagalawin ang kamaong natigilan, "Diba? Wala! Pareho lang kayong isip-bata!" inuluklok nalang ang inis sa upuan.

Huminto at nanahimik nalang ang dalawa.

Umupo si Ibe at nagpresinta namang umuwi si Keith upang kumuha ng damit panloob na gagamitin ni Pipe sa susunod na mga araw.

I Need Your I Love You (BL Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon