Dinala ako ng sarili kong kamay at paa sa isang bar. Seriously? Anong iniisip mo at dito ka napunta ha, Madie? Tinanggal ko ang susi ng kotse.
Napasabunot ako sa sarili kong buhok dahil hindi ko alam kung bakit ganito ang epekto ng pagkikita namin sa akin.
Nakakabaliw kapag wala kang maintindihan sa nararamdaman mo, kasi hindi ko tanggap at ayokong tanggapin... na hanggang ngayon---wala nevermind!
Muli akong napatitig sa kaharap kong bar, nagdadalawang isip. Ritcto's Wine Bar and Restaurant. Binuksan ko ang pinto ng kotse at nilock ito.
Wala na akong magagawa. Gusto ko lang makalimot kahit sandali, yung wala akong inaasahang tao at inaabalang nagtratrabaho.
Light wine lang ang inorder ko, pampatanggal stress. Wala akong balak umuwi ng lasing, at hindi ko pa naranasan mag-lasing sa buong buhay ko.
"One more please!" sigaw ko sa bartender, lumapit ito.
"Ma'am nakakalasing na po ito kapag napadami na." sabi niya sa akin. Inirapan ko lang siya, ano bang pakelam niya? Masarap kasi eh, bakit ba?!
"Is it any of your business kung malasing ako o hindi? Costumer ako dito duh. I said give it to me!" wala naman siyang nagawa at inabot na lang iyon sa akin.
Funny...now, Madie. What do you think your doing? Wasting your time drinking? Para sa taong sinigawan ka lang kanina? Para sa taong nagsinungaling sayo sa kabila ng malaking tiwala mo?
What kind of life is that? Everytime I'm trusting someone, they always show me why I shouldn't.
"Hey! Come here!" tawag ko sa bartender, gamit ang kamay ko sinenyasan ko siyang lumapit.
"Bakit po ma'am?" tanong niya.
"Stay right there, just stand right there." turo ko pa, ako naman ang umayos ng upo. Inubos muna ang nasa boteng wine bago siya muling itinuro. "Psh, ang panget mo pa rin hahaha!" sabi ko habang nakaturo sa kanya. "Kita mo na? Hindi pa ko lasing, dahil kung lasing na ako kamukha mo na si Matthew ngayon." dagdag ko pa pero hindi sya sumasagot.
"Kaya nyo pa bang umuwi, ma'am?" tanong niya, tinawanan ko siya.
"Hahaha bakit? Ihahatid mo ba ko kung hindi ko kaya?" seryosong tanong ko at umiling naman siya agad. "Alam mo, cute ka sana." sabi ko sa kanya at nakita ko syang napangiti. "Kaso mas cute si Matthew sayo hihihi!" natatawang sabi ko at hinampas pa siya. Akmang aalis na siya pero pinigilan ko siya. "Saan ka pupunta? Sabi ko dito ka lang diba?" nakangusong tanong ko.
"Eh ma'am hindi naman ako si Matthew," sabi niya pa.
"May sinabi ba ako?" bumalik naman siya sa kinatatayuan niya kanina, sa harap ko. "I want you to be, Matthew...for a while." sinabi ko iyon ng nakatingin sa kanya na hindi na malaman ang gagawin.
"Po? Sino po ba yan? Tatawagan ko nalang para sunduin na kayo? Boyfriend niyo ba, Ma'am?" natawa ako sa tanong niya.
"Hahaha! He's not my boyfriend. He's just a man that I met, two years ago..." nakatingin ako sa baso at animoy kinakausap yon. "He's cool!" sigaw ko at tumingala sa kanya. "Ang gwapo niya, sobra... ang cute niya sobra... at ang cool niya, higit pa sa sobra." sinabi ko iyon habang inaalala ang mga pagkikita namin."He's always there at times when I wanted to be alone," huminga ako ng malalim. "Ang kaso...sinukuan niya ako. Funny right?" tahimik lang siyang nakikinig sa mga pinagsasabi ko. "But you know what's more funny? Hahaha!" tumawa muna ako bago nagpatuloy. "He kissed me..." pabulong na sabi ko pa sa kanya. "And after that he apologized. Tama ba 'yon? Hinalikan niya ako tapos nag sorry?" nakangusong tanong ko dito, napakamot lang ito sa ulo niya. "Why the fuck did he apologize, diba?" tumango ito, really? Sagot ba yan?
BINABASA MO ANG
Behind My Canvas
FantasiMadieson Itzayana is a great painter, but not a literal artist recognize by the world. Her whole life was a canvas. Sometimes gloomy, somedays messy, and often blank. She was always the Madie who never regrets in doing her decisions but suddenly...e...