SIKRETONG MALUFET!

241 2 0
                                    

SIKRETONG MALUFET.
12/25/14
By: iambibi

AN: MERRY CHRISTMAS! At eto nga pala ang christmas inspired one-shot ko... :3 sana magustuhan ninyo! :D xx

-------------------

"Ano ba kasi ang gusto mong gift para sa exchange gift natin?" Tanong ko kay Baste.

Oo alam ko. Bakit nga ba alam ko na agad kung sino ang nabunot ko sa exchange gift eh dapat sa mismong Christmas party malalaman? Katulad ng iba? Ganito kasi yun. Play VTR!

"Okay at dahil malapit lapit na ang Christmas party natin ay magbubunutan na tayo ng reregaluhan natin sa Kris Kringle natin. Magsulat kayo sa 1/8 na pad at I lagay ninyo ang pangalan ninyo okay?."

At nag hati na kami ng 1/4 na quiz paper. Diba kapag hinati yung 1/4 magiging 1/8? Ay ewan bobo ako sa math.

So ayun nga nailagay ko na yung name ko sa papel at finold ito kagaya ng instructions ni mam. Mahirap na daw baka may mangdaya. Seriously?

Pagkatapos. Kinalog-kalog na ni mam yung jar at isa isa na kaming pinabunot.

Ayan na. Pinapabunot na ako ni Mam!

Ang nabunot ko ay si.... *drumrolls*

Tenenenen! Si SEBASTIAN JUDE DELOS REYES.

Aww anak naman kayo nang nanay at tatay ninyo. BAKIT SIYA PA! Hindi ko alam kung anong ireregalo sakanya! Bakit???

Habang pinagsisisihan ko kung bakit nabunot ko pa ito ay biglang sumigaw yung nasa likod ko.

"HALA BASTE SI JASMIN NAKABUNOT SAYOOOO!!" Sigaw ni Leslie.

Putchapete. At nakita kong umangat ang ulo ni Sebastian at tumingin sa mga mata ko.

Shett na malagkett. Ang gwapo talaga niya as in!

"I DON'T CARE" oh yan kinopslock ko na para dama niyo rin ang sakit na naramdaman ko.

Sa mga nagtataka kung bakit nasasaktan ako. Ayyy. KRAS NA KRAS ko talaga yang si SEB. Naks. May sarili akong nickname para sa kanya. Pero syempre sa isip ko lang yun. Ayoko kayang masabihan ng feeling close noh!

"I don't care daw! Jasmin! Pano ba yan. Na basted ka na agad."

Hmmmp!!! Wala akong pakielam! Grrr!

"I don't care." Malumanay na sagot ko. Ginawa ko si Seb. Idol ko siya eh.

Pagkatapos nun ay tumigil na siya sa pangaasar. Hmm. Buti naman kung ayaw niyang nasira ang mukha niya. Buset siya.

End VTR

"SIKRETONG MALUFET! Bahala kang manhula. Siguraduhin mo lang na magugustuhan ko yang ire regalo mo. Hmm." Sagot ni baste sa tanong ko WTH! Nung isang linggo ko pa tinatanong to! I won't take no for an answer! Walang na hindi kay Jasmin Yam Velasco noh!

"Sige na! Kahit anong gusto mo ire regalo ko. Wala lang kasi akong mapiling gift eh!" Sabi ko.

"Ireregalo mo saakin ang kahit anong gusto ko?"

"Oo!" Mabilis kong tugon.

"Sige. Wag ka nang bumili ng gift. Ako Bahala."

Nyeh??? Anong sagot yon? Putspa tong lalaking to. =_=

"Ano nga kasi!" Pagpipilit ko pa.

"Sikretong malufet nga."

"Eeehhh! "

Sikretong Malufet!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon