Kabanata 5

41 4 0
                                    

Pagkarating ko sa kwarto ay nagtungo kaagad ako sa mini drawer na nasa kanan ng ulunan ng kama ko. Kinuha ko ang laptop ko saka patalon na umupo sa kama.

Binuksan ko iyon at nagsimula nang maghalungkat ng files. Ang sabi kasi ni Kuya Stan ay isesend na lang sa akin kaya ngayon ay hinahanap ko.

Hindi naman ako nahirapan at nakita ko kaagad iyon. Limang subjects lang iyon pero mahaba ang lectures at may mga activities na kailangang sagutan kaya bago ako magsimula ay kumuha muna ako ng mga chips sa ibabaw ng mini ref dito sa kwarto ko.

Nagbasa lang ako nang nagbasa hanggang sa matapos ko lahat ng lectures. Isinunod ko naman ang pagsasagot ng activities. Medyo mahihirap ang tanong kaya kailangan ko uling tingnan ang lectures.

Nasa kalagitnaan ako nang pagsasagot nang biglang mangalay ang kamay ko. Tumayo ako at nagtungo muli sa mini ref para kumuha ng fresh milk. Ininom ko ito habang naglalakad papuntang kama.

Ilang oras lang ay natapos na ako sa ginagawa ko. I looked at the wall clock hanging just above the mini ref.

" Alas tres na pala?" bulong ko sa sarili.

Inayos ko ang mga papel na ginawa kong scratch at inilagay sa ibabaw ng mini drawer. Ipinatong ko ang fresh milk sa ibabaw n'on.

Busy ako sa pagbobrowse ng account ko sa facebook nang biglang may kumatok..

Sabing wag akong isturbohin eh!

Pero bago pa man ako makarating sa pinto ay naisip ko si Chloe. Dismissal na nila? Ang aga naman ata?

Binuksan ko ang pinto at nagugulat na tiningnan si Kuya Stan na nakatingin sa taas. Anong trip neto?

"Chips huh?"bungad ni Kuya Stan nang ibaba nya ang tingin at saktong sa dala ko chips iyon tumapat.

"What do you need? Aren't you informed that I don't want to be disturbed?" I plainly asked. Wala akong ganang makipag-usap sa kanya!

Ayaw ko ding madatnan ni Chloe na kagagaling lang sa iyak! Baka maghinala na yon!

"I just want to tell you that--"

Itinaas ko ang kamay ko sa harap nya. Wala akong pake kung may cheese pa ang hintuturo at hinlalaki ko! Ang gusto ko'y umalis sya sa harap ko!

"If you have any concern, Sir, just send me an email or text me. I don't have time for chitchats,"sabi ko at nanlaki ang mga mata nang isubo ni Kuya Stan ang hinlalaki ko at bahagya pang sinupsop!

Dali-dali kong hinila pabalik ang kamay ko at walang pakundangang ipinunas yon sa puwetan ko! Kadiri!

"I like it.." napatingin ako sa kanya nang magsalita siya. Ngumisi siya sa akin at tiningnan ang chips, "The chips. I like the flavor."

Inis na umirap ako at akmang sasaraduhan na ang pinto nang pinigilan nya ito gamit ang kanang kamay! Hanep na kamay yan! Unfair! Dalawang kamay ang gamit ko sa pagsarado tapos isang kamay lang ang kanya para pigilan ako!

"What?!" napipikang tanong ko.

"I just want to teach you face to face since I'm also your subject teacher,"sabi nito saka dinungaw ang loob ng kwarto ko.

"No need, Sir. You can email it,"pagtanggi ko.

Hanggang ngayon ay pinapangatawanan ko pa rin ang PAGGALANG na hinihingi nya.

"Stella, I just wanna help and don't call me Sir," nagsusumamong sabi niya.

"I don't need your help. And also, diba ikaw ang nagsabi na igalang ka? Bat parang ikaw pa ang nananawa sa gusto mong PAGGALANG?" pananagot ko dito.

Playing With Fire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon