Chapter 12: Exotica

164 11 2
                                    

AYESHA'S POV

'it can't be.'

Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko. I can't believe that because of my curiosity, I opened a Pandora box.

"Should we tell this na ba kay Ayesha?" Tanong ni Dad.

'of course! You have to tell me because I'm also part of this family! Kakambal ko ang nawala!'

"No, ayoko, Yal. Baka magalit sa 'kin ang anak natin, baka sisihin niya ako sa kapabayaan ko..."

"Aenna, our daughter would understand."

"No, please. Yal, hindi ko pa kaya. Ayaw kong lumayo ang loob ni Ayesha sa akin."

'malayo na ako, Mom. Simula no'ng namatay si Kuya.'

Bumuntong hininga ako at pinutol na ang pinapakinggan. They have to clear this to me, kailangan ko silang makausap ng personal.

Pag labas ko ng lavatory ay hinanap ng paningin ko sila Daddy pero hindi ko na siya mahagilap pa. Dumako ang paningin ko kay Ken na umiinom ng wine, kaagad akong lumapit.

"Where's Dad?" Tanong ko.

"He left with your Mom. Masakit daw ang ulo ng Mommy mo kaya umuwi na sila." Sagot niya. "Are you alright?." Napatingin ako kay Kenneth ng nagaalala siyang tanungin ako. Paano niyang nalaman na hindi ako okay? "Because it's written all over your face, Muffin. Hindi ka okay." Naibaba niya ang hawak na wine glass. "Do you need anything? What happened? Hm?"

Napatitig lang ako sa kaniya at bigla na namang namuo ang luha ko sa mata. "Muffin? Why are you crying?"

"Can you drive me sa bahay nila Dad?" Pumipiyok kong paki-usap .

"Sure, Muffin. I will, let's go." Inalalayan niya akong mag lakad patungo sa parking lot at pasakay sa kotse niya. Binuksan niya ang makina at sinimulan niyang mag maneho. "Here.." napatingin ako kay Kenneth ng iabot niya sa akin ang handkerchief niya na kaagad ko din namang kinuha at pinunasan ang mata ko. Pagka-baba ko sa handkerchief niya ay naramdaman ko namang kinuha ni Ken ang kamay ko para hawakan niya. "I'm here, Muffin. I'm always here."

"Thank you.." malumanay kong tugon.

PAG DATING sa tapat ng bahay ay hindi muna ako bumaba at bumuntong hininga lang.

"What should i do, Muffin?" Mahina kong tanong kay Ken.

"What's happening ba? Hm? Tell me..."

Naluluha ko siyang nilingon. "Just stay with me, Kenneth. Kailangan kita ngayon." Umiiyak kong sabi na lalong hinigpitan ang hawak sa kamay niyang nakahawak din sa akin.

"I will stay beside you, Muffin." Hinalikan niya ang kamay ko bago ako yakapin.

Nang makahanap ako ng lakas ng loob para harapin na sila Dad ay marahan akong kumilos para bumaba ng sasakyan. Si Kenneth din ay inalalayan akong maglakad papasok sa bahay.

Lumunok muna ako bago pindutin ang doorbell at hintayin kung sino man ang sasalubong sa amin.

"Ayesha? Kenneth?" Napatitig ako sa lumabas, si Mommy iyon.

"Mom.." tawag ko sa kaniya.

"What's going on? Why are you here? 'di ba dapat nasa company ka?." Taka niyang tanong bago buksan ng tuluyan ang gate. "Get in."

A Not So Married Season 2 (DARK OWLS ROMANCE SERIES #1)Where stories live. Discover now