habang naandon kami sa inuupuan ng mga kasali sa competition at inaantay na matapos ang botb eh dumating na rin ang mga bestfriends kong pormado dito sa Plaza G dahil nga sa battle of the bands. mga lakad neto kala mo mga model, feel na feel ang nilalakaran. may matapilok sana sainyo, mga dalwa. hehe.
"aray ko puta." sambit ni shaira at napaupo sa sahig.
sabi ko na nga ba't lahat ng sinasabi ko e nagkakatotoo, haynako.
"Bro, puntahan ko muna mga bestfriends ko. sama ka? reto kita don sa isa, matalino yon!" sabi ko kay francis.
"sige pero siguraduhin mong mabait yon ha, pag hindi nako tatamaan ka sakin" sagot ni francis."oh ano? masakit? yan kase palakad-lakad kang parang nasa runway, di mo nakita yung bato. kain ren ng gulay boi! kaya ka walang jowa e." pabirong sambit ko kay shaira.
"eh kasi naman, sarap raw sa paa nyan bago niyang heels kaya feel na feel. kanina pa yan palakad-lakad na parang model, nako" sabi ni antoinette.
"tapos na kayo, jp?" tanong ni kim.
"Oo, kanina pa. tagal niyo dumating! haynako." sambit ko habang nakahawak sa dibdib parang nasaktan.
"tagal kasi netong si hannah, inantay pa namin sa labas ng bahay nila habang sakay kami sa pick-up ni vianca. pagdating namin don puta maliligo palang daw eh 8:30pm na non, tagal pa umasikaso ni gaga nako di ka magkakajowa niyan." iritang sabi ni marian at napasapo ito sa noo niya.
"siya nga pala. hannah, pakilala ko pala sa'yo si francis. gitarista namin, electric. francis, si hannah. bestfriend ko." pagpapakilala ko sakanila sa isa't-isa.
"binabawi ko na pala yung sinabi ko, naunahan na ako e. pakshet." sambit ni marian kaya napatawa kami.
"Hi! i'm francis, kaklase ni jp sa adnu architecture" pagpapakilala ni francis.
"I'm hannah, taking Hospitality Management in STI. You can call me "Han" with the A pero kung gusto mong with O instead of A, willing naman ako." sagot ni hannah with matching "ehe" sa huli. apakalandi boi?
"oh okay na hannah and francis? balik muna kami do'n ha, mukhang malapit na mag announce ng winners sa battle of the bands. punta kayo sa harap, naandon sila alianna. sama-sama na kayo dun." huling sambit ko sa bestfriends ko bago kami bumalik ni francis sa kinauupuan namin.
"oh kumusta francis? oks ba?" tanong ko sakanya pagkatapos kong ipakilala si hannah.
"napaka bait niyang magsalita, pero parang wild ata. hahaha" sagot ni francis.
"nako boi, ganon talaga yun pero mabait yon! promise ipusta ko pa netflix account ko" pagsisigurado ko sakanya. mabait naman talaga kase si hannah, wild lang magsalita.
"tapos na mag perform ang mga kasali sa battle of the bands! before we announce the winners, we will announce the awards first."
nagsitayuan ang mga kasali sa competition at pumunta sa harap ng stage.
"we'll be awarding the "Best Vocalist, Best Drummer, Best Bassist and Best Electric Guitarist. let's start with the 2nd runner up!" nagulat ang mga tao parang may nangyaring masama sa emcee. "charot lang nuba kayo. hahahha"
"let's start with the Best Bassist." hindi na namin pinakinggan ang awarding ng mga Best basta ang gusto namin makapasok kami kahit sa runner up lang.
BINABASA MO ANG
Chasing Stars
عاطفيةSaksi si bathala sa mga pinag daanan ko sa buhay. Oo, maraming bagay ang sumagi sa utak ko pero hindi ko ginawa dahil alam ko na lahat na masamang nangyayari sa buhay ko eh may kapalit na masaya't hindi malilimutan na alaala. I can be the strongest...