6

384 25 0
                                    

6


"Ma, may adobo po pala akong niluto." sambit ni Kier at iniabot kay tita ang lutong adobo. "Wow naman" inamoy niya ito. "Ang bango bango naman, anak." tumingin sa akin si Tita at ngumiti. "Ikaw, hija. Kamusta? I mean kayo?" nginusuan ni Tita si Kier at nagets ko naman agad ang tinutukay niya. "Ay ahmmm. Ayos lang po kami tita—" umiling si tita at hinawakan ako sa kamay.


"How many times do i have to tell you, hija call me mama, calling me tita is so boring." sambit niya at sinimsim ang juice na siya mismo ang gumawa. "Halika nga rito, apo." lumapit si Khria kay mama at kumandong. "Ang cute mo talaga."


Ibinaling sa amin ni mama ang tingin niya, "Eh ano nga ba ang sadya niyo rito,  anak?”


"Eh ma, ang balak po sana namin ay ang gumala. Kaso po itong si Khria ay naunahan na po ng antok. Ang takaw po kasi ng apo niyo mama." sagot ni Kier at lumapit sa akin.


"Lola, can i stay here naman po dito, diba po? Gusto ko lang po sana magkasama si mama at papa po ngayon. This past few days po kase sobrang naging busy po nila sa work."



"Such adorable, apo. Yes you can stay here until your dada and momma gets you. We will watch movies and barbies."



"Yey!" she giggled. Tumayo muli si Kier at lumapit naman kay mama. "Aalis na rin po kami mama. Para makabalik po kami agad."


"Ay ano ka ba, okay lang kahit magtagal pa kayo." sagot ni mama habang inaayusan si Khria. "Buti nalang at may naiwan kang mga damit dito. Pero mamimili rin tayo ng damit mo ha." ngumiti si Khria at tumango.



Napahawak sa sentido si Kier at inilabas ang wallet niya. "Ma, ito na po ang ipang gastos niyo" iniabot ni Kier ang pera pero hindi ito tinanggap ni mama. "Ang dami kong nakatago rito, yung mga nakaraang abot mo ay hindi ko rin nagagastos. Okay na tong mabawasan naman para madagdagan ulet." tugon ni tita at tumawa. Napailing nalang si Kier. "Ayaw niya ng math, but she loves counting moneys." bulong nito.



NAKAPAGPAALAM na kami kay mama at Khria. Kasalukuyang nasa kotse na kami, nagpapatugtog.



"Alam mo, yang si mama? dati halos mangutang yun sa mga kapitbahay namin pati sa mga tita ko mapangbaon ko lang." i become silent. Gaya ni Khria, hindi nito alam ang tunay niyang magulang. But luckily, tita found him and raised him like a biological child. "Kapos kami sa pera, but, mayaman sa pagmamahal galing kay mama." napangiti ako, "Kaya ngayon, babawi ka."



"Oo naman no, palamunin na nga ako noon hindi pa ako babawi ngayon. Nakakahiya naman na yon"



"Eh bakit ka nagagalit?"


tumingin ito ng masama sa akin tsaka binatukan. "Parang tanga lang Kier?"



"Yan! yan ang Cia na kilala ko." sambit niya at biglang humalakhak. Nagpatuloy ito sa pagdadrive. At dahil nasa driver's seat lang ako ay madali kong nahagip ang tenga nito. Humiyaw ito sa sakit kaya naman madali nitong napihit ang preno para mapatigil.


"Parang timang 'to!" sigaw niya, hindi pa man siya nakakabawi ay sinampiga ko pa siya. Hindi mo ipapakita ang totoong ugali mo ah.


Sinampal ko ulit siya ng isa pang beses kaya naman nasapo na  niya ang mukha niya. "Cia! parang tanga ka din. Ang sakit eh."


"Yan, yan ang Kier na kilala ko. Patas na tayo kaya magdrive ka na ulit." utos ko. Puladong pisnging nagdrive si Kier habang nakabusangot. "Ang sakit sakit. Parang tanga." atungal niya na parang bata. Wala akong magawa kundi ang tumawa. "Si mama hindi ako masampiga eh. Tapos ikaw sasampalin moko para lang makapagmura, ang bad mo Cia." sabi niya habang sapo sapo ng kanang kamay niya ang dalawang pisngi.



Back to me (AIWTG book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon