Chapter 3

7 2 0
                                    

HAWAK ang susi ng kotse ko, pinatunog ko ang sasakyan habang nagpapaalam sa mga kaibigan ko. Sumakay ako sa loob. Pinaharurot ko iyon palayo. Pupunta ako ng bayan ngayon dahil nautusan akong bumili ng dog food. Hindi ko namalayang ubos na pala ang pagkain ni luca.

Bakit naman kasi ang takaw kumain ng aso na 'yon. Kakabili ko lang kaya ng pagkain sa kanya noong nakaraang buwan. Grabeng aso, tsk tsk. Napakatakaw pero antukin naman.

Huminto ako nang maabutan ako ng stop light. Tawiran pala ito ng mga estudyante. Sumandal ako sa upuan habang pinagmamasdan silang lahat na masayang nagtatawiran. Napakainosente. Buti pa ang mga batang 'to walang pinoproblema eh. Ngayong college sumasakit ang ulo ko sa mga kabilaang pinapagawa samin. Bumuga ako sa hangin. Wala sa sarling lumingon ako sa may gate na nilalabasan nila. Bigla akong napaayos ng upo nang may mapansin.

Sinteza?

Nakatalikod man siya sa'kin pero kilala ko pa rin ang likod niya. Pero... anong ginagawa niya sa lapag?

Napabalikwas ako nang makarinig ng sunod-sunod na busina. Shit. Tumingin ako sa salamin. Bumukas ang pinto nang kasunod kong sasakyan kaya mabilis kong pinaandar ang kotse ko. Nag-uturn ako. Tumigil ako malapit sa gate. Bumaba ako at naglakad palapit kung nasaan si sinteza. Nakita kong maraming mga batang babae ang nakatayo sa harap niya. Mga kasing edad niya ata. Huminto ako saglit. Sapat para marinig ang pinag-uusapan nila.

"Napupuri ka lang, akala mo naman ikaw na 'yung pinakamagaling. For all i know, ginagamit mo lang 'yang ganda mo para sumipsip kay sir." Aniya ng nasa gitna. Nakataas ang kilay niya. Mukhang galit.

"Ano, sinteza? Totoo 'no? Sabi ko na nga ba eh. Ha!" Sabi naman ng katabi niyang maitim.

"Wala akong alam sa sinasabi niyo." Bumaba ang tingin ko kay sin. Nasa lapag pa rin siya. Nakayuko at mukhang kawawa. Paano'y sabog ang buhok at nagkalat ang mga gamit.

"At sa tingin mo maniniwala kami? Kung gaano kainosente 'yang pagmumukha mo, gano'n naman kalandi 'yang ugali mo. Nasa loob ang kulo. Pokpok!" Sigaw ulit noong nasa harap. Nagsitanguan ang mga babae sa likod niya.

Nagsalubong ang kilay ko.

"Ang mga taong inggit, malamang, punong-puno ng galit." Seryosong boses ni sinteza habang isa-isang kinukuha ang mga gamit niya.

Ngumisi ako. Sumandal ako sa bakal na gate.

"Anong sabi mo!? At bakit naman ako maiinggit sayo?!"

"Ewan. Baka siguro dahil maganda ako, tapos.. ikaw hindi."

"Ang kapal ng mukha mo!" Nagulat ako nang malakas niyang hinila ang buhok ni sin.

Imbes na lumapit, pinanood ko lang sila. Gusto kong makita kung paano siyang lumaban pero bakit wala siyang ginagawa? Talagang hinahayaan niya lang sambunutan siya ng mga ito hanggang sa tumigil.

"Ano!? Sasagot ka pa? Yabang mong impakta ka! Sa susunod na sagot-sagutin mo pa ako, hindi lang 'yan ang mapapala mo. Leche! Let's go girls!" Aniya sabay hinawi ang buhok. Malakas niyang binunggo si sin sa braso at nilagpasan ito.

Umayos ako ng tayo at pinatunog ang leeg ko. Nilagay ko sa bulsa ang dalawa kong kamay at humarang sa dinadaanan nila.

Ang kaninang mataray niyang awra ay napalitan ng pagtataka. Tinitigan ko siya ng mariin.

ALMOST Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon