Chapter 9: Basketball

566 17 4
                                    

Not A Dude

Amber's POV

Nandito kami ngayon sa gym ng school. Buti naman at walang varsity ng basketball na nagpa-practice dahil kung meron, maglalakad pa kami papuntang park

"Dali. Sino sino magkaka-team?" tanong ni Tristan sa amin, oo kilala ko na sila. Nagpakilala sila kanina sakin eh habang palakad kami papuntang gym

"Ako tsaka si Amber!" biglang representa ni bading. Hoy aba wala yata akong sinabi na gusto kitang ka-team?! Hahaha. Joke sama ko naman.

"Anim tayo bugok." sabi ko tapos nag-pout naman siya. Bakit mukang babae minsan ton baklang toh? Baka babae talaga siya at pareho lang namin naiisipan na pumasok sa Winston?! O.o

"Fine. Sino sasali sa team namin?" pilit na sinabi nito, aba! Bakit ba gusto niyang ako lang yung ka-team?! Edi matalo kami! Tanga talaga tong baklang toh

"Ak--" magsasalita pa sana si Iñigo pero naputol ko yung sasabihin niya "Si Liam." sabi ko at parang nanalo sa lotto yung ngiti niya

"Ouch naman. Gusto pa naman kitang ka-team, Amber." nagtatampo na sabi ni Iñigo, pake ko? Haha dejoke. Medyo close na kami ni Iñigo eh, bigla bigla! Haha. Medyo ka-ugali kasi ng kuya ko XD

"Hoy. Bawal yan!" saway ni bading, kahit kelan! Arrgh. "Anong bawal dun?" tanong ni Marco na naka-kunot yung noo "Bawal makipag-landian sa kalaban!" sabi nito

ABA PUTA.

NAKIKIPAG-LANDIAN BA AKO?! ./.

"Labo mo, Kiefs. Sige, start na!" energetic na sabi ni Iñigo at pumwesto na kami, narinig ko namang bumulong sa likod ko si Liam "Problema ni Kieffer?" tanong nito sakin

"Oy. May pustahan ba?" tanong sa amin ni Marco "Oo sige! Manlilibre ng fish ball ang team na matatalo! Dapat unlimited ah!" sabi ni Liam na competitive na competitive

Pag tayo natalo, ipapalamon ko lahat sayo ng fishball don, gago ka.

Nag-shrug nalang ako at nag-focus sa larong nagaganap. Sinabi nila Marco na samin muna daw ang bola, binigay toh ni Kieffer kay Liam at nagsimulang mag-dribble

Naharangan naman siya nila Tristan at Iñigo. Dahil open naman ako, tinaas ko yung dalawa kong kamay, signalling Liam to pass me the ball at ginawa niya nga iyon

Napunta sakin yung bola at shinoot ko. Shoot naman siya.

"Aba. Mukang magaling ka, Amber." puri ni Tristan at kinuha yung bola para ipasa kay Iñigo, nag-smirk nalang ako. Flattered ako ehehe :">

Natapos ang ilang laro. Nalamangan nila kami, 42-53 ang score. Punyetang bakla naman kase! Bakit ayaw mag-shoot?! Aish.

Kami lang ni Liam ang shoot ng shoot eh. Tiga-pasa at tiga-defense lang ang trip niya. Marunong ba talaga siya? O nahihiya lang siya na kunin yung bola? Aish ewan.

Gulo mong bakla ka.

"Hoy bakla! Bakit ayaw mong mag-shoot?!" naiinis na tanong ko at napatawa naman siya "You're so into the game, huh?" nakakalokong sambit niya. HAY NAKO

Kung hindi ko lang toh kaibigan, natagpuan na agad siya sa kangkungan. Leche.

"Malamang! Fishball yun eh!" sita ko, gutom na gutom na kaya ako! Akala mong kulog yung tyan ko kasi kumukulo na ng sobra "You really want that fishball?" tanong niya na parang di makapaniwala

"Oo. Kanina pa kaya ako gutom! Inaaya nga kita kanina diba?" tanong ko tapos nag-smirk siya "You should've said so. Ipasa niyo nalang sakin ni Liam ang bola. Trust me." sabi nito at nagtatakbo na papalayo

Not A Dude [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon