Chapter 4
Time flies so fast, bukas na agad ang alis naming papunta sa venue ng sports event. Sa mga nagdaang araw ay pawang mga gawain lamang pang eskwela ang sumakop sa oras. Bihira kong makita si Lind at Rio dahil madalas na nasa library ako kasama sina Warren, Jaimee at ang mga varsity, kabilang na roon si Thorran.
Akala ko ay hindi sasama ang baklang 'yon dahil busy siya sa requirements niya at pinayagan naman ni Coach kahit pa kailangan siya ng volleyball team. Nakakatawang isipin na ang lalaking malambot na si Thorran ay isang halimaw sa volleyball court. Kung hindi ko lang siguro alam na bakla siya baka siya ang naging crush ko at hindi si Haiden.
Napailing na lang ako dahil sa mga kalokohang naiisip, dal ana din siguro ng pagpkainip sa mga kasama ko dapat sa library. I leaned onto the wall near the entrance of the library and busied myself on scrolling through my newsfeed. Minutes passed, nawalan ako ng gana dahil sa paulit-ulit at kabi-kabilang issues at rumors about sa iba't ibang mga kilalang personalidad.
I slid my phone back to my pocket and decided to just watch those students passing by along with the tiny raindrops.
Some people think that rain symbolizes tears and pain but for me it was the opposite. Rain is my comfort; it allows me to think and release my emotions, it reminds me of a total darkness that will soon be replaced by colorful light, the hope, an eye that is completely tired of crying will soon see the beauty of light that brings happiness and joy.
I was once again drowned with my thoughts but immediately pulled back into reality when I met a pair of eyes that is now glaring at me.
Lei Avionne...
Lihim akong napangiti dahil alam kong hanggang ngayon ay pikon na pikon pa rin siya sa mga sinabi ko noong huli kaming nagkita. Inggit na inggit 'teh? Palibhasa hinalikan lang siya pero hindi naman niligawan.
Utot mo, Alli. Tinanggihan mo nga eh! Well, I have my reason naman and we already about that courtship thingy yesterday.
It was almost seven-fifty in the morning when the basketball team together with Jaimee and Warren arrived but there is no trace of Haiden. I simply sighed and checked my phone when I received a text.
Capt. Haiden
Good morning, Ysobel! I can't come with you today. I need to check the bus and the things we need to use for tomorrow. : ))
Simula ng mag-usap kami kahapon ay hindi na siya tumigil sa kaka-update sa akin sa mga ginagawa niya kahit...wala naman akong pake. Nakikita ko din ang posts niya sa facebook, mabuti na lang at hindi ako name-mention o naita-tag dahil malinaw pa sa clear na it has something to do with me.
Haiden Jayten Podresa
2 days agoAwwts, na-reject.
3.1k reacts | 1.5k comments | 537 shares
Hindi ko alam kung pagsisisihan kong nagustuhan ko siya eh. Por Dios por Santo, Allidaire Ysobel...
Hindi na ako nag-reply, bukod saw ala akong gana mag- reply ay hindi na rin naman kailangang kumpleto kami dito dahil meeting na lang naman ito in preparation for tomorrow.
"Gagi, magsusungit na naman 'yan. Patay tayo kay Capt.," dinig kong sabi ni De Guia.
"May pagdaan pa kasi kayong nalalaman sa cafeteria eh."
"Damay-damay tayo dito, gago."
"Tahimik na kayo, Alli niyo galit na,"sabat ni Warren.
"Nah, I'm not. Pumasok na lang tayo at nang matapos na ang meeting, mag-aayos pa ng gamit at magpapahinga," simpleng sagot ko at ngumiti. Mabilis akong mainis at mabwisit pero ayokong maging masama ang tingin sa akin ng ibang tao.

BINABASA MO ANG
His Best Angle (Angle Duology Book 1) | ON HOLD
RomanceAllidaire is a photo journalist and she was often assigned to cover sports events. And in one event, her camera focused on a man that makes her heart beats fast, can she capture the man's best angle?