Chapter 5
Nagsisimula ng dumilim ang kalangitan ng marating naming ang venue.
Bumukas ang malaking gate nang makumpirma ng guard na kabilang ang bus na aming sinasakyan sa mga nakalistang sasakyang autorisadong makapasok sa venue.
Pagpasok ng bus sa gate ay may itinurong likuan ang isa pang guard sa loob, ang underground parking area pala. Pagtigil ng bus ay hindi agad kami nakababa dahil tumayo pa si Sir Cortes na head ng Engineering Department upang magbugay ng ilan pang paalala.
Ilang minuto pa ang lumipas bago nagsidatingan ang iba pang bus mula sa Revell University. Bumaba na ang ilang propesor kaya't nagsitayuan na ang mga players na kasama namin upang kunin ang kani-kaniyang gamit.
Akmang tatayo ako para kunin ang sarili kong gamit na nasa lagayn sa taas nang biglang gumalaw ang ulo ni Haiden na nakasandal sa balikat ko.
Ampotchi, muntik pang nabalian ng leeg. I forgot that he's sleeping.
I sighed and went back to my seat. I looked at his handsome face, his mouth is slightly open. Ang himbing ng tulog, ginawa pa akong unan.
A smile formed on my lips as I admire his features but immediately vanished when someone behind us tapped my other shoulder.
"Baka matunaw," nakangising banggit ni Jai.
Napairap ako ng marinig ko ang pagtawa niya. Tumayo na rin si Jai at sumunod kina Warren, kakaunti na lang kaming sakay nitong bus kaya naisipan ko ng gisingin si Haiden.
I tapped his left cheek. "Oy, gising na."
Inulit-ulit ko 'yon hanggang sa unti-unti ng bumukas ang mga mata niya at lumingon sa akin.
Kinusot-kusot niya ang mga mata niya bago tumingin sa akin at ngumiti. "Ang sarap gumising kapag ikaw unang makikita ko pagmulat ng mata ko."
"Masarap? Anong lasa?" namimilosopong tanong ko sa kanya sabay tayo upang kunin ang gamit ko.
Narinig ko pa ang pagtawa niya kaya't napairap na lang ako. Aabutin ko na sana ang bag ko ng maunahan niya ako.
"Ako na, kaya ko na 'to," nakangiting sabi niya sa akin.
"Kay-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng sumabat na siya.
"I can handle this. Maglakad ka na."
Hindi na ako sumagot at naglakad na lang dahil sa palagay ko ay hindi na siya mapipigilan sa gusto niyang gawin.
Malapit na ako sa pinto ng bus nang lingunin ko siya na naglalakad na din kasunod ko. Tumango lang siya sa akin na parang sinasabing maglakad na ako.
Pagbaba naming ay pinapila kami bago naglakad palampas sa ilang pang nakaparadang bus na mula naman sa ibang unibersidad.
Tahimik akong naglalakad ng mapansing kong lingon ng lingon sa may pwesto naming ang mga basketball player na kasama namin.
Nangunot ang noo ko at sinalubong ang tingin ng ilan sa kanila. Ngumisi lang sila sa akin. Para silang mga uto, sa totoo lang. Gumawa pa sila ng heart gamit ang kamay nila at sinisilip kami sa pgitan noon.
"Gago, bagay nga sila!"
"Oh, eto ang bente oh, pusta ko magiging sila!"
Ampotchi, napagpustahan pa nga. Napatmpal na lang ako sa noo ko dahil sa mga naririnig ko, pero sa kaloob-looban ko nagwawala na ang aking fvking heart.
"Isa pang lingon, De Guia," simpleng sabi ni Haiden na naglalakad katabi ko.
Kakamot-kamot sa ulong tumalikod si De Guia bago nagsalita. "Sorry na, Capt. Pero bagay kayo!"
BINABASA MO ANG
His Best Angle (Angle Duology Book 1) | ON HOLD
RomansaAllidaire is a photo journalist and she was often assigned to cover sports events. And in one event, her camera focused on a man that makes her heart beats fast, can she capture the man's best angle?