Chapter 7
Ang aking bida-bidang heart ay mabilis pa din ang pagtibok hanggang ngayon. That forehead kiss, grabe ang epekto sa akin.
Bahagya pang nanlambot ang mga binti ko kanina at namula ng inam ang aking mga pisngi. Mabuti na lang at mabilis akong nakabawi at siniguradong hindi 'yon napansin ni Haiden.
Saktong pagdating namin doon sa open space ay nakaayos na ang mga upuan para sa players, coaches, professors at staffs ng bawat University.
May lumapit na isang lalaki kina Coach at sinabihang maupo na maliban sa muse-na sa kasamaang palad ay ako at sa isang player na magsisilbing escort.
"Miss Fuentes, dito muna kayo. Wait for the go signal of the event's coordinator," sabi ni Coach na sinagot ko sa pamamagitan ng tango.
Iniabot sa akin ni Coach ang isang makintab na kahel na telang may burdang pangalan ng aming university. Tinanggap ko 'yon at nanatiling nakatayo soon at nagpapanggap na hindi kabado.
Naglalakad lang naman ako rarampa ng kaunti kung tutuusin pero grabe 'yung kaba ko. Kasi dzuh, paano kung madapa ako o matapilok? Nakakahiya.
"You're nervous again?" Haiden asked as he stood beside me.
"Y-yeah."
"Don't be. Hindi naman kita hahayaang madapa d'yan," he said giving me an assuring smile.
Hindi na ako sumagot soon at sa halip ay napabuntong hininga na lang at inip na naghihintay ng pangbubgad na pananalita ng Isa sa sponsor ng event na ito.
May iilang pares na kaming kasamang nag-iintay din. Parang nanliit ako at lalong nahiya ng mamataan ko ang mga muse ng iba pang University.
Gosh! Roashean Vernales- a famous model-is here, she's the muse of Phaxton University.
Medyo nailang ako dahil ang gaganda talaga nila, ang ayos ng buhok, ang damit at maging ang sapatos. Halatang pinaghandaan. Maganda din naman ako, dahil maganda ang lahi namin pero Hindi kasingganda nila.
Almost all of them are wearing skirts and their University shirts. Grabe din ang mga heels nila, nakakapangliit talaga.
I sighed once again and was about to be drowned by my thoughts but someone spoke from behind that got my attention.
"Are you ready to lose, Podresa?" Aquilas Ruares said.
Aquilas is the captain of the Elior University's basketball team. He's undeniably handsome but he's attitude is really a trash, well that's what they say.
He's with their muse. She's beautiful also, but I can smell her stinky attitude. Parehas sila ni Aquilas.
Bahagya pa akong nagulat ng tingnan niya ako mula ulo hanggang paa bago umismid at umirap. Ang taray.
Napaismid ako dahil doon. Isang mayabang at isang maarte, nakakaumay. Nilingon ko ang katabi kong si Haiden at napansin kong nakangisi siya. Hinarap niya si Aquilas.
"Oh, Ruares. Napuno na naman ng hangin ang utak mo."
Tumawa naman si Aquilas sa sagot ni Haiden. "Try me, Podresa. You'll definitely lose."
"Good luck, then," tipid na sagot ni Haiden habang nakangiti ng nakakaasar.
Hindi ko maintindihan kung anong problema ng Elior University sa amin. Sa halos lahat na lang ng event na masasalihan naming at ng Elior University at nagkakainitan.
Nang makaalis sina Aquilas ay saktong lapit ng events coordinator para papilahin kami ng maayos dahil magsisimula na ang opening program.
Naunang naglakad ang mga sponsor at iba kilalang indibidwal na may bahagi sa pagiging nagtagumpay ng sports event bago kami pinasunod.

BINABASA MO ANG
His Best Angle (Angle Duology Book 1) | ON HOLD
RomansaAllidaire is a photo journalist and she was often assigned to cover sports events. And in one event, her camera focused on a man that makes her heart beats fast, can she capture the man's best angle?