Chapter 9

23 7 4
                                    

Warning: Ang mga pangyayari sa kabanatang ito ay maaaring sensitibo para sa ibang mambabasa.

Chapter 9

Nagsisisi akong pinilit ko pay siyang sumama sa akin. I can't imagine my sister being—I can't say it. Hindi ko matanggap. Kasalanan ko. 

I hugged her as tight as I can. Pinilit kong kunin ang hunting mula sa mahigpit niyang pagkakahawak. 

Nag-agusan ang dugo mula sa sugat sa kanyang pulsuhan kasabay ng luha naming dalawa. Hagulhol at sigaw niya ang pumuno sa apat na sulok ng kanyang kwarto. Sobrang sakit sa akin na makita siyang ganito. Kasalanan ko, wala akong ibang ginawa para tulungan siya. 

Kung sana hindi ko siya isinama doon o iniwan para magbanyo ay hindi mangyayari 'to. Sa ilang minuto kong nawala sa tabi niya nangyari ang mga bagay na hindi nararapat. Allis, I'm sorry. 

"I-i'm sorry, A-allis... T-this is m-my fault..." Teats are falling continuously from my eyes. 

"H-help me, A-alli! H-he's here!" she screamed while crying. 

Unti-unting nadurog ang puso ko, hindi ko matanggap... Allis... 

Bakit? 

Kasalanan ko 'to, kasalanan ko.... 

Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko, ang panlalamig ng paa at kamay ko. How can I help her? Mom and Dad can help her... but they'll be mad at me... Pati si Kuya...

Dumoble ang takot na nararamdaman ko. I'm willing to loose the three of them just to help Allis...

Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ko gamit ang nanginginig kong mga kamay ko.  Nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga luhang hindi ko na pinag-abalahang punasin. 

Slowly, I dialed Mom's number. Tila may bumara sa lalamunan ko ng sandaling magsalita si Mom sa kabilang linya. 

"M-mom..." 

"Are you crying, Alli? What happen? Is everything okay?" Sunod-sunod na tanong niya, she's worried. I can sense it. 

"M-mom... p-please go home..." sobs and another batch of tears falls from my eyes. "A-allis n-needs y-you." 

I immediately needed the call. Hindi ko na naintay pa ang sagot ni Mom. Siguro ay bukas ng tanghali ay n'andito na sila. Sana. Labis na panghihina ang naramdaman ko, nabitawan ko ang cellphone at nalaglag ito sa sahig na naglikha ng tunog dahilan upang lalong magwala si Allis. 

"D-did y-you h-hear t-that? He's here, Alli! Save me!" Isiniksik niya ang sarili niya sa akin at yumakap ng mahigpit. "A-alli! He's here! Do something!" 

Wala akong magawa, unti-unting nakalas ang braso kong nakahawak sa kanya dahil sa panghihina. Walang patid ang pagtulo ng aking mga luha. Allis... I'm sorry... 

Tanging sigaw at iyak ang ginawa niya sa loob ng ilang oras hanggang sa tuluyang makatulog. I forced myself to stand and fix her to her bed. 

Tears begun to fall from my eyes again, how could they do this to you? Her angelic who looks exactly like mine is now filled with sadness. I'm sorry...

Umiyak, 'yun ang nagawa ko habang paulit-ulit na humihingi ng tawad kahit pa alam kong wala itong magagawa upang maging maayos siya. Hanggang sa tuluyang napagod ang mga mata ko at tuluyang nagpadala sa antok. 

Nagising ako sa mainit na sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Ramdam ko ang pananamit ng katawan ko na para bang matagal akong nagtrabaho. 

Nilingon ko si Allis na natatali pa ring tulog. Nagbalik sa alaala ko ang mga nalaman ko. Pinigilan ko ang sarili kong lumikha ng ingay dahil ayokong maistorbo ang tulog ni Allis. 

His Best Angle (Angle Duology Book 1) | ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon