Chapter 10

18 5 4
                                    

Bigyan ko muna kayo ng clue sa magaganap.

Chapter 10

I combed and fixed my hair into a high ponytail before getting my camera. Ibinulsa ko naman ang cellphone at panyo ko.

Ready na ako, pupunta na lang ako sa dining hall para makapag-almusal. Hindi ko na pinagkaabalahang gisingin sina Rio na sumama sa akin matulog dito pagkalabas ko ng ospital.

Ang himbing masyado ng tulog nila para abalahin ko.

Lumabas ako ng dahan-dahan sa kwarto. Tahimik kong tinatahak ang hallway ng floor na 'yon bago ko narating ang harapan ng elevator.

Masyado yata akong maaga dahil wala pa halos naglalakad o lumalabas ng kani-kaniyang kwarto.

Nang makapasok ako sa elevator ay agad kong pinindot ang ground floor. Sumandal ako sa gilid bago nag-angat ng tingin.

I saw my reflection on the other side of the elevator. My heart's feels heavy once again, naalala ko na naman si Allis.

A tear escaped from my eyes followed by a sudden silence. Wala akong marinig na kahit ano hanggang sa unti-unting nagdilim ang paningin ko. Napapikit ako kasabay ng pagpatk ng aking luha.

Ilang minuto ang lumipas bago ako makarinig ng iba't ibang bulong at boses.

"Kasalanan mo."

"Dapat namatay ka na."

"Kasalanan mo."

Nanghina ang tuhod ko ngunit pinilit kong manatiling nakatayo. Walang tigil ang pagpatak ng mga luha ko, tinakpan ko ang bibig ko para napigilan ang sariling sumigaw.

Bumukas ang pinto ng elevator kaya't nagsumiksik ako sa gilid. Hindi ko nilingon kung sino ang pumasok ngunit mabilis niya akong nilapitan.

Hinawakan niya ang braso ko at unti-unting inalis ang kamay na nakatakip sa bibig ko. Ngumiti siya sa akin bago sumenyas sa akin na gayahin ko ang gagawin niya.

Huminga ako ng malalim tulad ng kaniyang ginawa at pinakalawan ang kinmkim na hangin. Ilang ulit kong ginawa 'yo hanggang sa maging maayos ang aking pakiramdam.

Ang aking mga kamay ay bahagya pang nanginginig ngunit pinilit ko itong nilabana hanggang sa maging maayos ito.

Nakita ko ang ngiti ng babae sa akin bago sumandal sa kabilang gilid ng elevator.

"S-salamat..." Nag-aalangan kong sabi.

Ngumiti lang siya bilang sagot. Sumandal muli ako sa gilid ng elevator hanggang sa makarating ako sa ground floor.

Naglakad ako palabas ng elevator at tinahak ang daan palabas ng building na 'yon.

Bahagya pa ring nanlalambot ang tuhod ko habang naglalakad ako sa lobby. Nakayuko ako at pinakikiramdam ang sarili. Pinipisil-pisil ko ang aking mga daliri upang napigilan ang pnaginginig.

Patuloy ako sa paglalakad hanggang sa may mabangga ako kaya't nag-angat ako ng tingin.

"Hello, Allidaire," his cold voice sends chills in my spinal cord.

Ang nakangisi niyang mga labi ay ang naging dahilan ng pag-usbong ng kaba sa aking sistema.

Cyrus...

"Y-you..." I can't even finish my words. Naghahalo ang kaba at takot sa buong sistema ko.

Ngumiti siya at akmang hawakan ang aking braso ngunit mabilis akong nakailag. Lalong lumawak ang ngiti sa kanyang labi kaya't pinilit ko na ang sarili kong lumayo sa kanya sa kabila ng pangangatog ng aking tuhod.

His Best Angle (Angle Duology Book 1) | ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon