Chapter 11

15 3 2
                                    

Chapter 11


"Ano bang nangyayari sa'yo, 'teh? Tulala ka na naman?" tanong ni Thorran habang kinukurot-kurot ang pisngi ko.

Pagkalayo ni Haiden ay sakto namang paglapit at pag-upo nila dito sa may lamesang pinu-pwestuhan ko upang samahan ako. Naririnig ko lahat ng sinasabi at pagkausap nila ngunit ayaw kong sumagot.

Gusto kong mag-kwento pero hindi pa ako sigurado sa lahat. I want to hear Haiden's side first before opening the topic about my sister.

"Alli, hoy! Sumagot ka naman, aba!" may kalakasan na sabi ni Lind sa akin sabay alog sa balikat ko.

Nag-angat ako ng tingin sa kanila at simpleng ngumiti bago inabot ang tinidor upang magsimulang kumain.

"Fine. Hindi ka namin pilitin kung hindi ka pa handang mag-kwento. You know naman na we're always here for you," Rio added while giving me a genuine smile. I nodded and smiled back at her.

Pinaikot ko ang tinidor upang makakuha ng pasta sa aking plato, kung sa ibang pagkakataon malamang ay tuwang-tuwa ako sa pagkain dahil paborito ko itong kakainin ko ngunit malabo sa pagkakataong ito.

Dahan-dahan akong sumubo noon at nanginginig pa ang aking mga kamay. Nginuya-nguya ko 'yon ngunit wala akong malasahan, sadyang ayaw tanggapin ng sistema ko ang lahat ng ganap sa araw na 'to.

Hindi ko na napansing tumayo sina Rio at Thorran upang kumuha ng pagkain. Naramdaman ko na lamang ang paghaplos ni Lind sa buhok ko.

"L-lind, 'wag na kayong mag-alala sa akin, okay pa naman ako. Kaya ko pa," simpleng sabi ko ng nagsalubong ang mga mata.

Basang-basa ko roon ang pag-aalala, tila malalim din ang kanyang iniisip habang pinagmamasdan ang aking mga kilos.

"'Wag mong ipilit na okay ka, sarili mo lang din ang niloloko mo. Walang masamang umaming nahihirapan ka at nasasaktan." A tear fell from her right eye. She immediately looked away and wiped it.

"K-kaya ko pa naman. Sasabihin ko naman sa inyo pag hindi na." I have her an assuring smile.

Mabilis siyang yumakap sa akin at isinubsob sa balikat ko ang kanyang mukha. Bulgar man magsalita at may pagka-maldita si Lind ay maasahan mo siya sa oras ng pangangailangan. Kung gaano kadalas siyang magmura at mang-trashtalk ay ganoon din niya kadalas sasabihin sa'yo na kakayanin mo at lagi ka niyang dadamayan at tutulungan.

Kung gaano siya kabilis sumagap ng tsismis ay ganoon din siya kabilis tawagan at lapitan.

Ilang minuto pa siyang nalayakap sa akin bago dumating sina Rio at nagbaba ng plato sa lamesa. Lumapit din ang dalawa at nakisali sa pagyakap sa akin.

Sobrang swerte ko sa kanilang tatlo.

Si Thorran ay masyadong baklain at matabil ang dila kung minsan ngunit hindi pumapalya sa pagpaparamdam ng pagmamahal at pagmamalasakit sa amin. Kung gaano kabilis ang radar niya sa tsismis ay ganoon din kabilis sa pagdating para damayan ka.

Si Rio naman ay may pagkatahimik at madalas na namamagitan sa amin sa tuwing may hindi pagkakaunawaan. Kagaya niya na may pagka-chubby at malambot ay ganoon rin malambot ang kanyang puso para sa aming magkakaibigan. She's chubby but she's really beautiful and confident.

"Kumain na nga tayo, nagwawala na si Barney sa tummy ko," sabi ni Rio sabay kalas sa pagkakayakap sa amin.

Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa kanila. I'm really lucky to have them.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng biglang magsalita si Thorran.

"Oy, 'teh! Balita ko ikaw 'yung naging muse! Bongga, sis!" natatawang sabi niya sabay kagat sa tinap na hawak niya.

His Best Angle (Angle Duology Book 1) | ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon