Chapter 14
Pagkatapos naming kumain ng tanghalian ay agad naming sinabihan ng mga professor na mag-ayos na dahil dadating na ang bus mamayang alas dos.
Ilang minuto bago mag-alas dos ay bumaba na kami ni Jaimee sa may parking lot dahil praying na rin naman daw ang bus. Mahirap nang makipagsiksikan mamaya.
Nang maka-pwesto kami doon sa pagpapa-radahan ng bus ay hindi ko maiwasang mapaisip. Muling pumasok sa isipan ko si Haiden at ang mga sinabi niya kagabi.
Parang buhol-buhol na sinulid, ang hirap kalasin para matuwid.
Pero siguro'y kung may nagawang matino ang mga sinabi niya kagabi 'yun ay nabawasan ang sakit na nararamdaman ko. Tanging pagkalito na lang ang meron. Siguro ay dahil sa katotohanang pumasok din sa isip ko na may matindi siyang dahilan sa lahat nang ginagawa niya. I saw it in his eyes that he's really tired of fighting for something, and that something is connected to me.
Nabalik ako sa realidad nang maramdaman Kong may umakbay sa akin. Dahan-dahan kong nilingon 'yon at nakitang si Darth lang pala iyon.
Prenteng nakapatong sa balikat ko ang kanang braso niya, pangiti-ngiti pa siya kaya't nasisiguro kong may magandang nangyari sa pinsan kong ito.
"Ang lalim nang iniisip mo, hindi ko masisid," biglang sabi niya.
"Sino bang may sabing sisirin mo?" sagot ko sa kanya sabay siko sa tagiliran niya.
Bahagya pa siyang napangiwi ngunit nananatiling nakangiti. I smell something fishy, hmm. May girlfriend na siguro 'to, pero malabo eh. Ang huling kwento niya sa akin ay tinanggihan siya noong liligawan niya sana.
"Napakasungit mo naman ngayon. Kulang sa lambing?" pang-aasar niya pa kaya't napairap na lang ako.
Kapag ganito siya ay nakakatuwang hilingin na bumalik na lang siya sa dati, 'yung tahimik at malamig ang personalidad. Grabeng mag-iba ang ugali ng isang ito.
"Oh, ano naman? Porke masaya ka ngayon eh, ano bang meron at gan'yan ang mukha mo?"
"Wala naman, masaya lang ako," simpleng sagot niya.
Hindi na ako nagtanong pang muli dahil mukhang wala naman siyang balak sabihin.
Nang hindi na niya ako makausap ay 'yung ibang nagsidatingan naman ang kinausap niya. Ibang-iba talaga ang mood niya ngayon.
Ilang minuto pa ang idinaldal niya doon bago dumating ang mga bus. Humiwalay na siya sa pagkakaka-akbay sa akin at bahagyang ginulo ang buhok ko bago lumakad palayo at pumunta sa bus nila.
Hinawakan kong mabuti ang isa ko pang bag nang humakbang ako paakyat ng bus. Ang isa kong kamay ay ikinapit ko sa hawakan sa gilid upang makakuha ng pwersa para iangat ang katawan ko.
Saktong pagtapak ng kaliwang paa ko upang tuluyang nakasampa sa bus ay dumulas ang kamay ko sa hawakan kaya't nawalan ako ng balanse. Dahil na rin sa kabigatan ng dala ay lalo akong nahatak noon pabaliktad kaya't hindi ko na nagawang kumapit muli.
Napapikit na lang ako at inintay ang pagbagsak ko sa sementadong lapag ngunit imbes na sementadong lapag ay pares ng braso ang sumalo sa akin.
Iminulat ko ang mga mata ko upang lingunin ang sumalo sa akin. Umusbong ang inis sa kaloob-looban ko nang nakitang si Haiden iyon.
Nag-ingay din ang mga team mates niya na nasa bandang likuran lang namin. Napairap na lang ulit ako. Agad kong itinapak sa sahig ang mga paa ko at iniaayos ang pagkakahawak sa bag ko maging ang pagkakasukbit dito.
Muli kong iniangat ang paa ko upang makasampa sa bus. Luckily, nakaakyat ako nang hindi nahuhulog tulad kanina. Iilan pa lang ang naroroon sa loob nang makasakay ako.
BINABASA MO ANG
His Best Angle (Angle Duology Book 1) | ON HOLD
RomanceAllidaire is a photo journalist and she was often assigned to cover sports events. And in one event, her camera focused on a man that makes her heart beats fast, can she capture the man's best angle?