Chapter 15

10 3 7
                                    


Chapter 15

Ipinapadyak ko nang paunti-unti ang kanang paa ko habang nag-iintay sa may harapan ng coffee shop kung saan namin usapang magkikita-kita nina Lind.

Ilang minuto na rin ang akong naghihintay, ang usapan namin ay four o'clock pero napaaga ako ng fifteen minutes dahil maaga kaming d-in-ismiss ng professor namin. Exams lang naman ang ginawa namin ngayon and wala na muna kaming pasok for the next three days dahil mau seminar ang mga professor.

I got bored of waiting so I grabbed my phone out of my pocket and decided to just scroll onto my feed. I was in the middle of reading a post from my Facebook friend when my phone rang. Thorran is calling.

"Hello?"

"Babaita, pupunta na kami. Saan ka na ba?" tanong niya.

"Andito na sa coffee shop, mga fifteen minutes na rin."

"Ang aga mo naman, na-miss mo kami masyado?" Nang-aasar pang sabi niya.

"Asa ka. Maaga lang kaming d-in-ismiss ng professor namin kanina. 'Wag kang assuming!"

"Pangit mong ka-bonding. Bwisit…" Narinig ko pa ang pagtawag niya bago muling nagsalita. "Basta hintayin mo kami d'yan. Ihanap mo na din ako ng bagong fafa."

He ended the call after that. Gusto na namang lumandi ng baklang 'yon, wala namang nagtatagal sa kanyang lalaki. Napailing na lang ako sa sariling naisip.

I turned my phone off and just feed my eyes with the sight of moving vehicles on the street through this glass wall of the coffee shop.



It's been two years since I left the house where I used to live with my parents. Sobrang bigat ng pakiramdam ko noong umalis ako.

Hindi ko naisip na kaya palang gawin 'yon ng mga magulang, ng sarili kong pamilya. May karapatan naman silang magalit sa akin dahil kasalanan ko ang nangyari kay Allis but tama bang ako ang pagbuntunan nila at halos isumpa na dahil sa pagkawala niya?

Hindi ba ako nasaktan n'ung nagpakamatay si Allis? Hindi ba ako nawalan? I don't get them, anak din naman ako eh pero bakit parang hindi.

Months after kong umalis ay sobra-sobra ang emotional stress na pinagdaanan ko. Mabuti na lang at and'yan palagi sina Darth, Rio, Thorran at Lind, kahit si Haiden ay hindi din ako pinabayaan.

Tinulungan nila akong maghanap ng tutuluyan ko temporarily, they even offered me to stay in their house and condo unit but I refused to, nakakahiya naman kung ganoon ang gagawin ko.

After I recovered from emotional stress and finally accepted the truth about my life, I worked in a restaurant as a cashier to earn for my daily needs and expenses. I study in the morning then work at night. That continues until my grandparents discovered what happen to me.

They ordered Darth to bring me to their house, at first, I hesitated to go because I am very much aware of what might happen but Darth explained what they wanted to happen.

Alam nilang galit sa akin ang mga anak at iba pa nilang apo pero kahit na ganoon ay kinupkop nila ako at sinabing sila na ang bahalang magpa-aral sa akin. Pinatigil din nila ako sa pagta-trabaho.

They let me live in their other house on the Eastern District. From RevU, they pulled out my papers and transferred it to Larydel University. Compared to RevU, studying in Larydel University is quite peaceful. Hindi ganoon ka-judgemental ang mga tao dahil mas focused sila sa pag-aaral.

I continue taking Business Management because I feel like I can easily earn money if I have the skills and knowledge about business.

Kahit lumipat ako ng university, hindi ako nawalan ng komunikasyon sa mga kaibigan ko maging kina Haiden. Siyempre ayokong tantanan ang lalaking 'yon, for two years hindi niya pa din sinabi sa akin ang mga bagay na sa palagay ko ay deserve kong malaman but I never forced him.

His Best Angle (Angle Duology Book 1) | ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon