Chapter 16
"Welcome back, my Ysobel!" bungad ni Haiden dahilan upang makaramdam ako ng kaunting hiya.
"Ulol! Anong 'my'?" tutol ni Xeron.
"Hindi naman sa'yo, wala namang kayo!" dagdag pa ni Luthor.
Binalingan ko muli ng tingin si Haiden na ngayon ay nakatingin na ng masama sa dalawa. Nag-iwas ako ng tingin at pinigilan ang sariling tumawa ngunit nang marinig ko ang matunog na yawa nina Rio ay natawa na rin ako.
"Tangina kayo. Kaya hindi kayo nagkaka-girlfriend eh," sabat ni Haiden sa dalawa kaya't lalo making natawa.
"Kawawa naman ang Fafa Haiden namin na 'yan, abunjing abunjing," pang-aasar pa ni Xeron.
"Look, Rio, 'wag mong sasagutin 'yan ha," ganti Haiden dahilan upang agad na Malawi ang mapaglarong ngisi sa mukha ni Xeron.
"Nanliligaw ka ba? Awts, hindi ako aware," natatawang sagot ni Rio.
Lalong nainis si Xeron kaya't agad niyang binati ng barbeque stick si Haiden. Nang napatingin naman siya kay Rio ay napuno ng pangamba ang kanyang ekspresyon.
Pinagtaasan lang siya ng kilay ni Rio bago lumakad papunta sa mismong cottage. Sinundan naman siya ni Xeron na nakanguso.
Napailing na lang ako sa kalokohan nila at binalingan si Darth at Kuya Vyor na agad na lumapit sa akin.
"Bakasyon mo na 'to, sulitin mo na," bungad ni Darth sa akin.
"Of course, sayang naman kung hindi. How come you're here? Hindi pwedeng malaman ng Mommy mo na nagkikita tayo, malalagot tayo parehas."
Ngumiti siya bagi nagsalita. "Kaya nga kasama ko si Vyor…" Sabay turo kay Kuya Vyor. "… Siya na ang bahalang magpalusot."
Nilingon ko si Kuya Vyor at nginitian. Gumanti siya ng ngiti at ipinatong ang kamay niya sa ulo ko sabay ginulo ang buhok ko.
"Ang tagal na n'ung huli kitang nakita pero maliit ka pa rin," natatawang aniya.
"Matangkad ka lang talaga, Kuya!" Narinig kong tumawa siya kaya napairap na lang ako.
"Walang yakap? Don't you miss me? Mas matino naman akong kuya kesa kay Darth, right?"
Napailing na lang ako at agad siyang niyakap. Kuya Vyor is Darth's bestfriend. He's a year older than me, same with Darth. Siya lang ang tinawag kong Kuya dahil ayaw ni Darth na tawagin ko siyang kuya, nakakatanda daw.
If I'm not mistaken, sa Italy siya nag-aral before kaya matagal siyang nawala sa Pilipinas.
"I missed you, Kuya! Pero mas na-miss ko 'yung chicken pesto na niluluto mo."
"I'll cook it for you, maybe after this trip." Agad naman akong ngumiti at tumango bilang sagot.
"'Wag kang magpa-baby d'yan kay Vyor, hindi bagay sa'yo," sabat ni Darth sabay pitik sa noo ko.
Tiningnan ko lang siya ng masama sabay hampas sa braso niya. May sasabihin pa dapat ako kaya kang ay bigla kaming tinawag nina Rio.
Luto na ata ang mga iniihaw nina Haiden kanina. By the thought of him, agad na nanginit ang pisngi ko at positibo akong namumula na 'yon ngayon.
Nauna nang lumakad sina Darth at Kuya Vyor habang ako'y kinakalma pa ang sarili. Nakakahiyang humarap sa kanila na para akong namumulang kamatis.
Kumalma ka, Allidaire. Being in a relationship is not part of your priorities for now.
Few more minutes and I finally calmed myself down. Naglakad na ako palapit sa cottage at panay na ang ingay nila.

BINABASA MO ANG
His Best Angle (Angle Duology Book 1) | ON HOLD
RomanceAllidaire is a photo journalist and she was often assigned to cover sports events. And in one event, her camera focused on a man that makes her heart beats fast, can she capture the man's best angle?