Chapter 18
Tawang tawang bumaba kami sa jet ski habang nililingon si Luthor. Siya ang nag-aya pero siya ang natalo katulad ng pinlano nila.
"Madaya kayo, ulitin dapat!" Sigaw ni Luthor na ngusong-nguso pa din.
Pinagtawanan lang siya nina Haiden at nagpatuloy sa paglalakad kasabay namin ni Lind pabalik sa kintatayuan ni Rio.
Hindi pa rin tumigil sa kakabungot si Luthor, gusto niyang makipag karera ulit. Hindi niya matanggap na natalo siya dahil alam naman namin kung gaano siya kakuripot. Hangga't may manlilibre sa kanya talagang hindi siya gagastos.
Sa loob ng halos dalawang araw na ipinanatili namin doon ay puro paglalangoy at paggala lang din sa mismong bayan na kalapit ng resort ang ginawa namin. Sa pangatalong araw ay naisipan naming mag road trip hanggang sa makarating kami sa may daungan papunta sa isla kung saan matatagpuan ang Esperanza Faro.
Ilang oras din ang naibiyahe namin para makarating room at tumambay saglit bago nagdesisyong bumalik at magpahinga dahil uuwi na rin kami kinabukasan.
Mabilis ding lumipas ang mga buwan, hindi na nasundan ang pagbabakasyon naming tulad noon dahil naging abala na kami sa sari-sariling gawain. Tanging si Haiden lang ang madalas kong makita dahil panay ang pagpapadala niya ng bulaklak at chocolate sa akin kahit sinabihan ko na siyang hindi naman kailangan ng ganoon ngunit iginiit niya dahil manliligaw nga daw siya.
Hindi siya tumupad sa sinabi niya noon na mananatili siyang nakamasid lang sa akin sa malayo. Pinagpatuloy niya ang pagbibigay ng bulaklak at chocolate at kung minsan ay sinusundo niya pa ako pagkatapos ng klase para mag date.
Wala na rin akong natanggap na threats sa kabila nang mga kwentong nalaman ko kay Haiden, Hindi ko rin tuloy sigurado kung tumigil na nga ba ang mastermind na tinutukoy ni Haiden o sadyang may pinagpa-planuhan siya or sila.
I always thought of that but at the end I'll realize that if something happens, that's meant to happen. I don't want to panic and stress myself, I'll just enjoy and achieve what I want until I can.
Nitong nakaraan din lang, isang linggo bago ang huling buwan ng pag-aaral ko sa kolehiyo ay dinala niya ako sa puntod ni Allis.
I felt bad that day because I feel like I forgot her and just focused on myself for the past year. Guilt invaded my whole system that time causing me to cry but Haiden was there to comfort me. He told me that he brought me there to say goodbye to all the things related to Allis that are still hunting my mind. He wants me to free myself from my past and move forward.
And I did. I let go of every pain and guilt inside my heart but I made a promise that I'll give the justice she deserves.
Aaminin kong matapos noon ay gumaan ang pakiramdam ko at tila nabawasan ang pasanin kong problema.
"Congratulations, Alli! Finally graduate na tayo!" Bati sa akin ni Rio sa akin pagkalabas namin nina Lola ng mismong Hall kung saan ginanap ang graduation ceremony.
Hindi kasi pwedeng magpapasok ng higit sa dalawang companion ang graduates kaya diti na lang sila naghintay sa labas.
Nauna naman ang graduation nila sa RevU kaya nakapunta sila dito. Nakakatuwa nga na pagkatapos ng lahat ay nakapagtapos pa rin ako at malaki ang pasasalamat ko kina Lola na sinuportahan nila ang pag-aaral ko kahit pa itinaboy na ako ng anak nila.
Board exam na lang ang kailangan kong paghandaan pagkatapos ay diretso trabaho na. Haiden wasn't here because he informed me that he needs to close a deal with a known company but he promised to be with me to celebrate.
BINABASA MO ANG
His Best Angle (Angle Duology Book 1) | ON HOLD
RomansaAllidaire is a photo journalist and she was often assigned to cover sports events. And in one event, her camera focused on a man that makes her heart beats fast, can she capture the man's best angle?