Ayaw mo ba?

8 0 0
                                    

'KYLINE! LILIGAWAN KA RAW NI RAFASDFGHJK' tinakpan ko yung bibig ni Chris. Napakaingay kasi.

'huh?' tanong saamin ni Kyline na mukhang naguguluhan.

'ah.. ano sabi nya daw ingat sa pag-uwi, baka maligaw' palusot ko sa kanya

'ah. ok.' sabay ngiti nya saamin.

yung mga ngiting 'yun ang nagustuhan ko sa kanya.

Matagal ko nang binalak magtapat at manligaw kaso wala akong lakas ng loob.

'oy pre bakit tulala ka? tara na't umuwi' pag yaya sakin ni Chris. Sinamaan ko lang sya ng tingin.

'Aba hoy Raffy, eh kung umaamin ka nalang dyan kay Kyline edi tapos'

'Tss. akala mo naman madali'

'Wow ah? ang baduy mo pre'

'ewan ko sayo, tara na nga sa labas'

lumabas na kami ni Chris tapos nauna na syang umuwi

Lumipas ang ilang araw, ganun parin. Sinusubukan ko paring magtapat kaso pinangungunahan ako ng hiya.

Hangang sa isang araw, nalaman kong may gusto kay Kyline yung classmate namin na si JP.

Aaminin ko, threatened ako kay JP. Eh kasi naman, bukod sa close sila ni Kyline seatmate pa sila. kaya mukhang mauunahan ako.

napaka duwag ko kasi

nabuhayan ako ng loob ng nagkaroon ako ng opportunity na umamin nung naging partner ko sya sa Book review. Nag ipon ako ng lakas ng loob.

'kyline...'

'Hmmm..?' sagot nya sakin at hindi ako nililingon. Naglilikom kasi sya ng gamit nya.

'uhmm...  ano kasi.. ah eh'

'ano yun?'

'ano.  pwede ka bang ligawan?'

natigilan sya sa sinabi ko.

'huh? ah... eh bahala ka, una na ako ah'

tapos nagmadali na syang lumabas.

napangiti ako.

sinabi ko sa sarili ko na gagawin ko ang makakaya ko para mapasagot sya.

kinabukasan, nag iwan ako ng boquet sa upuan nya.

Nagsimula na ang klase pero hindi ko parin nakikita ang reaksyon nya.

sana magustuhan nya.

'ok class dismiss'

natapos na ang klase kaya dumiretso na ako sa locker para ayusin ang gamit ko.

pagkatapos kong ayusin ang gamit ko ay bumalik ako sa classroom.

nakita ko sa upuan ko yung boquet na binigay ko kay Kyline.

Sinauli nya ba?

umuwi akong nag iisip kung bakit kaya nya isinauli yung boquet. Pero sinabi ko sa sarili ko na hindi ako susuko.

*******

araw araw hindi ako pumalya sa mga gimik at regalo para lang sa kanya.

Yun nga lang, araw araw rin nyang binabalik lahat ng binibigay ko. Tinanong ko naman sya kung bakit nya binabalik. sabi nya hindi naman daw.

isang araw nag iwan ako ng sulat sa locker nya. Nagtago ako at pinanood kung anong magiging reaksyon nya.

Nakita kong binasa nya yung sulat at ngumiti sya. Pagkatapos nyang basahin, tiniklop nya at..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ayaw mo ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon