Chapter 8

4.9K 119 6
                                    

CHAPTER 8

True to his words. Sinundo nga ako ng hangal, nakaparada pa sa labas ang Grey Audi A8 niya. Ilang luxury car ba meron ang isang 'to at pansin ko na madalas magpalit.

Naka Peach off shoulder jumpsuit ako at silver 4 inches stiletto. Bumalik ako sa pagka dekwatro sa sala at inantay siyang pumasok. Dad's order, huh.

"Hey, let's go." balak pa sana niya akong halikan sa pisngi ngunit umiwas ako.

"Pwede ba tumigil ka sa kakadikit sa'kin? Pinagbigyan lang kita n'ong gabi at hanggang doon lang 'yon."

Padarag akong lumabas, nilagpasan siya. Nakatayo ako sa gilid ng sasakyan at nag aantay buksan.

"We're cool, aren't we?" tanong niya habang ini-start ang engine. Hindi ko siya pinansin at umingos lang.

Gago talaga hindi makaramdam. Tahimik ako buong biyahe habang halata ko ang pagtangis ng panga niya.

"Ris...."

Nilingon ko siya nang akmang bubuksan ko na ang pinto ng kanyang sasakyan, pero nang tumitig lang siya sa'kin ay lumabas na akong tuluyan.

Nakakainis na lagi siyang ganyan. Tatawagin ako tapos tutunganga lang.

Binilisan ko ang lakad papunta sa elevator nitong parking lot. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi siya nakaabot.

Medyo kabado akong nagi intay mag-24th floor, where my father's office located at. Pagbukas ng elevator ay chineck ko ang oras sa aking wrist watch.

9 am. Not bad.

"Where's my Father?" I asked his secretary.

"Good Morning ma'am Cleine. Pinaabisuhan po ako ni Mr. Nueva na salubungin kayo ngayon. May short meeting lang po ngayon sa conference room."

I nodded and let her guide me in Dad's office. Agad naman siyang nagpaalam na umalis nang makapasok na ako sa loob.

Nilibot ko ng tingin itong loob ng office. Halos walang pinagbago ang mga ayos dito mula ng bata ako, may mga dagdag na frames lang at iba na ang mga furnitures.

Napatawa ako dahil hindi ko kabisado itong pasikot sikot ng building namin. Sa tagal ba namang iwas na pagpunta ko rito, e. Mapadaan man ako ay madalas pa sa visitors area sa 3rd floor lang ako mananatili.

No'ng nakaraang araw na training nila Jared lang ako nakapunta ulit. Sa office pa niya.

Busy ako sa pagtingin ng mga certificate of achievements nang tumunog ang aking phone. Hindi ko na pinansin kung sino ang caller, basta ko na lang dinampot sa loob ng purse at sinagot.

"Hel—"

[You left me.]

Umasim ang mukha ko at napairap.

"Jared, Stop. Pestering. Me"

[I'll call you later. Gonna check on you.]

He then ended the call. Hindi ko na talaga siya maintindihan!

I was thinking on how can I avoid Jared lalo na't parehas kami ng company. Bakit ba kasi siya andito, e. may sariling company naman sila.

After minutes of waiting ay dumating na rin si Daddy na kausap ang kanyang sekretarya. Pamilyar talaga ang itsura nito sa akin. Hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita bukod sa madalas siyang mabanggit sa akin nina mommy.

Pagkakaalam ko rin ay angat ito ng ilang taon kila Dad. Mukha na rin naman siyang may edad pero mapapansin pa rin ang kagandahan niya.

"Hi Dad." at bineso siya. Ngumiti naman siya sa akin at humagkan.

Burning Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon