Umbrella
"Hoy Lhyia! Gising na!" Narinig kong sigaw ni Shantal. Ang aga-aga ang ingay niya na. "Lhyia! Gising na! Mag a-alas-dose na!" Sus! Mag a-alas dose pa lang naman. Alas dose?!!! Napabangon kaagad ako sa kama tiningnan ko Ang orasan, malapit na nga magaalas-dose. Dumiretso na kaagad ako sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo nagbihis na ako. Ano kaya susuotin ko? Sa coffee shop lang naman ako pupunta so no need to wear something special. Hinablot ko nalang ang tattered pants ko at white t-shirt.
"Oh mabuti at gising ka na? Akala ko wala kang planong magising eh!" Sarkastikong sabi ni Shantal.
"Ba't hindi ka pa naliligo?" Nagtatakang tanong ko. Ang aga niya akong ginising tapos hindi pa pa pala siya naliligo.
Tinaasan niya ako ng kilay sabay hawak ng kamay niya sa bewang. Problema nito? "Excuse me? Mukha ba ako di naligo? Naligo na ako oy! Kanina pa, kaya natuyo na ang buhok ko. Hindi naman ako parehas mo na kung hindi gigisingin walang plano magising" mataray niyang sabi. Inirapan ko nalang siya.
Nang matapos na kaming kumain umalis na kaagad kami. Ngayon kase ang punta namin sa coffee shop ng kaibigan niya. Doon din ako mag tatrabaho para naman may pera ako.
"Ate Lory sorry na late kami. Medyo matagal kase gumalaw itong kasama ko" sabay beso ni Shantal sa isang magandang babae. Sinisi pa ako?!
"It's ok, hindi naman ako masyadong busy" tiningnan ko ang kabuoan ng cafe. Maganda ito. moderno at napaka linis. Ang ganda rin ng area nila dahil malapit lng ito sa mall at sa school namin. "Siya ba ang sinasabi mong bestfriend mo?" Tanong niya kay Shantal.
"Oo ate Lory" tiningnan naman niya ako at nginitian.
"Hello I'm Lory Berdine pero tawagin mo nalang akong ate Lory" pagpapakilala niya.
"Lhyianne, just call me Lhyia" nakipag kamay kaagad ako sa kanya.
Nag-ikot kami sa loob ng coffee shop niya. Ayon kay ate Lory last year lang daw ito napatayo. May tatlong branches na din pala ito. Isa sa US at dalawa naman dito sa Pilipinas.
"Buti nalang at nakakita kaagad kami ng magandang spot para sa cafe namin dito. Halos dalawang buwan din kase bago namin ito nakita. Lumang convenient store ito kaya medyo marami talaga ang pinaayos namin. Pero worth it naman dahil maraming costumers ang pumupunta lalo na kapag umaga at after ng klase o trabaho."
Pagkatapos naming nag-ikot umupo kami at nagpa-order na rin. Libre naman daw ni ate Lory kaya hindi na ako tumanggi. "So paano kayo nagkakilala ni Shantal?" tanong ko kay ate Lory.
"Dalawang buwan bago napatayo itong coffee shop nang makilala ko itong si Shantal. Pumunta ako 'non sa mall para bumili ng regalo para sa pupuntahan kong binyag nang narinig ko na may nag-uusap. Hindi naman ako chismosa pero hindi ko na napigilang makinig" medyo natatawang sabi niya. "Narinig ko na nag hahanap ang isa sa kanila ng trabaho. Eh kakabukas lang ng coffee shop kaya kailangan ko rin ng tao. Kaya ako na nag offer. Kinausap ko itong si Shantal at 'yon na nga, nagsimula na siyang magtrabaho dito."
"At first medyo nagdadalawang isip pa ako kung tatanggapin ko ba ang offer niya. Alam mo naman ang panahon ngayon maraming manloloko. Pero nung nagsimula na ako, mabait naman pala si ate Lory. Hindi talaga ako nagsisi na dito ako nagtatrabaho." Saad Naman ni Shantal.
Ilang oras pa kaming nagkwentuhan. Ito ang unang meet namin ni ate Lory pero ang gaan-gaan na ng loob ko sa kanya. Mapili kase ako pagdating sa magiging kaibigan ko. Nag-aya na rin si Shantal umuwi dahil maaga pa kami bukas. Lunes na pala bukas, unang araw namin sa school. College na kami, parang kailan lang.
Paglabas namin sa coffee shop, bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan. Wala pa naman kaming payong. Ang mas nakakainis pa, puting sapatos pa talaga ang sinuot ko! Bagong bili panaman 'to nakakainis! Ito ring si Shantal sa dinami-daming puwedeng mag park, doon pa talaga sa kabilang dulo. Tiningnan ko ang relo ko at mag-aalas nuebe na ng gabi!
"Ano na? Mukhang matagalan pa tayo dito" si Shantal.
"Bakit ba kase sa dinami-daming puwedeng mag park, doon pa talaga sa dulo ng walang hanggan" inis na Sabi ko.
"Kasalanan ko ba na puno kanina?" Mataray din na sagot niya. Napabuntong hininga nalang ako. Nang mapalingon ako sa right side ko may nakita akong isang payong sa isang lamesa dito sa labas. Kung sinusuwerta ka nga naman oh! Siyempre hindi na ako nagdalawang isip na kunin Ito. Uwing-uwi na ako.
"Ano yan?" Nagtatakang tanong ni Shantal. Nagulat siguro dahil may dala-dala na akong payong.
"Kahoy pang pukpok sa'yo" pilosopo kong sagot. "Malamang payong! Kaya tara na!" Inirapan niya ako at sumilong na rin sa payong. Buti nalang medyo may kalakihan ito kaya nagkasya kami. Kung sino man ang may-ari na nag iwan nito sorry talaga. Kailangan lang talaga.
Pagkauwi namin hindi na kami naghapunan dahil nabusog naman na kami sa coffee shop ni at Lory. Pumasok na kaagad kami sa sariling kwarto namin at nagbihis para makapagpahinga na. Nakahiga na ako sa kama na mag ring bigla ang cellphone ko. Kinuha ko Ito ay sinagot na hindi tinitingnan sino ang tumawag.
"O?" Medyo inaantok na sagot ko.
"Ma'am Lhyia" napabangon kaagad ako nang marinig ko ang boses ng secretary ni Daddy. Kabisado ko na ang boses niya.
"Where did you get my number?" medyo naiinis na tanong ko. Pati ba naman dito? Susundan ako?
"Your father wants to talk-" hindi ko pinatapos Ang sasabihin Niya.
"Bakit hindi niya ako kinausap kanina nung nasa bahay pa ako kung gusto niya pala ako makausap?" natahimik siya sa kabilang linya. " I'm busy. May pasok ako bukas."
"He just-" hindi ko ulit pinatapos ang sasabihin niya. Naiinis na talaga ako.
"Bakit niya ako gustong kausapin? At para saan?" Naiinis paring tanong ko.
"May important daw po daw siyang sasabihin sa inyo" Lahat naman ng bagay importante sa kanya, except nga lang saakin.
"Importeng sasabihin? I'm busy." naiinis na talagang sabi ko. "It's late. Goodnight" at binabaan ko na siya ng phone.
Papatulog palang sana ako nang may tumawag ulit. Ano ba yan? Hindi ba puwedeng ipabukas nalang 'yan?! Masyado namang ata busy ang mga tao ngayon? Pagkatingin ko sa phone ko si Ate pala ang tumatawag. Ano nanaman ang kailangan nito?
"hmm?" inaantok na tanong ko.
"Hey are you sleeping na?" sasagot ba ako kung natutulog na ako? kainis!
"Tss. Oo tulog na ako, sleep talk lang to" pilosopo kong sabi.
"Baliw! By the way what are you doing sa coffee shop kanina? I saw you kase. You're talking to someone, sino sila?" Nakita niya ako? paano? "Malapit lang kase ang pwesto ng kaibigan ko doon sa cafe na 'yon, kaya nakita kita."
Napaisip ako. Kung sasabihin ko ang totoo kay ate, baka sabihin niya ito kay Dad. Pinagkakatiwalaan ko naman si ate pero pag si Dad na, alam kong hindi siya magsisinungaling dito once na magtatanong 'yon kung nasaan ako.
"None of your business" tipid na sagot ko. Hindi na siya nagpumilit saakin. "I have to end this call na. May pasok pa ako bukas" sabay hikab ko.
"Same school?" Gustohin ko man na sabihin sa kanya, pero I can't.
"I don't know. Sige na, bye Goodnight" at binaba ko na ang tawag.
Marami na ang nagbago. Kung puwede lang na balikan ang mga panahon kung saan wala pa masyadong problema ay babalikan ko talaga. Ang kaso hindi na talaga puwede. Tiningnan ko ang payong na nakita ko. May nakita akong parang nakasulat dito. Gustohin ko man na tumayo pero tinatamad na ako. Hayss! itutulog ko nalang ito. Iyon na man palagi ang ginagawa ko eh, tinutulogan ang mga problema.
YOU ARE READING
You Are The Reason
FanfictionKontrolado? Hindi magawang maging masaya? Ayan ang buhay ni Lhyia. Ngunit magbabago ba Ito kapag nakita niya na ang lalaking magpapatibok ng puso niya?