Reunion

2 0 0
                                    

17 years ago pinangako nya saken na papakasalan nya ko pag dating ko ng 30 years old at single pa rin ako. 17 years ago nangako ako sa kanya na hahanapin ko sya at ipapaalala yung promise nya. 17 years and I'm still single. 17 years na ang nakalipas, makikita ko na rin sya.

I 'm Ella, 32 years old, manager sa isang IT company. I have my own cars, my own house and a small business, career woman in short and yet, single. Dati akala ko reunion is just for the old people, payabangan ng na-achieve at non-sense na pagbalik tanaw sa nangyari nung kabataan nyo. I never thought I will see my self attending one.

But there is only one reason kung bakit ako aattend sa reunion namin ng mga high-school batchmates ko, yun ay para makita ang isang tao. Yung taong nangako saken 17 years ago. Siguro iisipin mo na ganun na ko ka-desperada na magka-asawa para maniwala at mag-hold on sa pangako ng isang lalaki kaya ako nandito ngayon sa reunion na 'to. Isipin mo na ang gusto mong isipin, wala akong pakialam, basta makikita ko na sya at tutuparin na nya ang pangako nya.

Ang daming tao. Karamihan di ko na makilala, nag-iba na ang mga itsura nila. Matatapos na ang gabi pero bakit di ko pa din sya nakikita. Di kaya sya nagpunta? O baka naman, tinataguan nya na ako?

The host called Andrew Enriquez to come up on stage. Si Andrew o mas kilala bilang Drew.Sya nga, wala pa rin pinagbago ang itsura nya. After his speech lumapit ako sa kanya at naghintay kung maaalala nya ko pero di ko inaasahan ang sasabihin nya.

"Drew? I'm Ella, remember?"

"Ella?Yeah..Ella De Guzman, the valedictorian.Hi..Nice to see you again.Excuse me lang ha, may kakausapin lang ako,enjoy the rest of the night."

Seryoso ba sya? Yun na yun?

Wala na kong nasabi kundi..

"Nice to see you too..."

Ang tanga ko para maniwala na tutuparin nya yung pangako nya at maniwala sa mga sinabi nya. Sino nga ba naman ang magserseryoso sa pangako ng isang 15 year-old na heartthrob at chickboy ng klase. Ako lang siguro, ako lang naman ang nagpakatanga sa pagmamahal. Masakit, pero kailangan ko mag move on.

8 months after, I decided na magpakasal na sa long-time manliligaw at kaibigan ko na si Carl. Mabait sya, gwapo, gentleman, stable na ang career at mahal nya ko. Enough na sigurong dahilan yun para ibigay ko sa kanya ang aking 'Oo'. Ngayon, masasabi ko desperada na talaga ko. Desperadang makalimot at magkaroon ng pamilya, tumatanda na ko at ayaw ko magisa sa buhay. Naniniwala ako na di naman ako mahihirapan na mahalin sya. Kahit alam ko di ko magagawang ibigay sa kanya ang pagmamahal na binigay ko kay Drew sa loob ng 17 taon. Wala ng atrasan.

Sa reception di ko inaasahan na pupunta yung teacher namin nung high-school. Nagulat ako sa pagpunta nya, nagkwentuhan kami saglit at nabanggit nya saken ang tungkol kay Drew. Di ko na dapat sya iniisip sa panahong 'to pero mas nagulat ako sa sinabi nya sa'kin.

"Si Drew ang nag organize ng reunion 8 months ago. He just recovered from a car accident, he lost his memory. Siguro nagtataka ka kung bakit parang kilala naman nya lahat.Bago yung reunion kinausap nya ko at humingi sya ng copy ng year book.He also asked me to guide him, baka daw kasi sakaling may maalala sya. And he remembered you Ella, after the party, hinanap ka nya, kaya lang you're gone. When he tried to search for you, you are out of nowhere,wala din nakakaalam kung san ka makikita. Then narinig ko sa isang kaibigan mo ang tungkol sa kasal mo, but I was late, kahapon ko lang nalaman at kahapon ko lang din nasabi kay Drew.He wants to give you this letter."

Totoo ba to lahat. Nagka-amnesia si Drew kaya di nya ko naalala, kaya di nya naalala yung pangako nya. Natatakot akong basahin ang sulat nya dahil natatakot ako na malamang mali ang naging desisyon ko. Natatakot akong magsisi at manghinayang.

"Ella, siguro sa oras na binabasa mo to ay naikasal ka na. Sayang, nahuli na ko. Pasensya ka na kung nakalimutan ko yung pangako ko sayo, hindi ko naman ginusto na maaksidente. Alam mo ba, that was 2 years ago, sa mismong 30th birthday mo. I'm on my way to your office para i-surprise ka at para tanungin kung single ka pa dahil handa na ko na pakasalan ka. Kaya lang di na ko nakatuloy sa office mo, pinigilan ako ng aksidente. Akala ko hindi na babalik ang alaala ko pero nung nakita kita nung reunion, naramdaman ko na may special sayo, sa atin. Kaya lang bigla ka ng nawala bago pa man kita makausap ulit. Kung may pinagsisisihan ako, yun ay yung naghintay pa ko ng 15 years para yayain ka na magpakasal at another 2 years para makita ka ulit. Sana after graduation sinabi ko na sayo na mahal kita,sana di ako na-torpe, sana di ako naaksidente.Pero tapos na eh, sana maging masaya ka.Congratulations! - Drew"

Gusto ko itapon yung sulat, hubarin ang wedding gown at tumakbo papunta sa kanya. Pero huli na ang lahat. Hindi na kami pwede. Tama sya, sana hindi na ko naghintay pa ng 17 years para makita sya at ipaalala yung pangako nya, sana noon pa lang inamin ko na sa kanya.

Kaya lang huli na.

-End-

Reunion[one shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon