Ang may akda ay hindi masyadong magaling kaya huwag aawayin. Walang taong perpekto, at kung ikaw ang perpekto, edi ikaw ang magpatuloy nito.
Pakinggan at intindihin ang kanta.
Read at your own risk.
...
"ANO?!"
"P-pasensya na po.."
Pakain ko sayo 'yang mop eh.
"Ayusin mo trabaho mo! Sa susunod na makatapon ka ulit ng inumin, buhay ko na 'yang itatapon mo! Ay sabagay, patapon naman na nga pala 'yang buhay mo! Walang kwenta! Salot!"
Lelang mo panot.
"Naiintindihan mo ba ako ha?!"
"O-opo!"
Bago niya ko iwan ay inambahan niya pa ko hawak ang mop.
Sa pagmamadali ko matapos sa trabaho ay napatid ako at natapon ang iced coffee.. sa halip na sa harap ang tapon para iwas ligpitin ay pinaharap ko sa damit ko kaya ngayon ay ang lagkit na sa bandang tiyan ko. Pati ang sahig.. lintik nagmamadali ako.
"Ako na riyan, mukhang may pupuntahan ka pa," napatingin ako kay Theo, ang pinakamabait kong ka-trababo.
Katulad ko imbis na nag-aaral ng kolehiyo ay nagtatrabaho na rin siya, para sa pamilya.
"Salamat, Theo! Babawi ako sayo!" ngumiti siya at tumango, ginulo ko naman ang buhok niya, mas matanda ako ng dalawang taon sa kanya pero baby ko pa rin siya.
"Mag iingat ka!" kumaway ako sa kanya at saka na tumakbo palabas. Muntik ko pang mabangga ang papasok na customer, nakita ako ni Panot ang Lelang kaya nag dahan dahan ako, pagkawala sa paningin ay dumiretso na ako sa sakayan ng tricycle.
Habang nasa tricycle ay kinuha ko ang bag na nakasukbit sa likod at kinuha ang sobre na may laman na sahod ko sa linggo'ng ito. Minimum lang ang sahod ko at weekly, mahirap makaipon lalo na marami akong gastusin, kaya kahit anong trabaho pinapasok ko na.
Naglabas ako ng 500 pesos at itinabi sa wallet ko. Ang natitirang dalawang libo naman ay para sa kapatid ni Ryle, boyfriend ko.
Taray may boyfriend.
"Ate Jian!"
"Anong nangyari?"
"Mataas na naman ang lagnat niya, hindi ko alam ang gagawin ko!" naguguluhang sabi ni Rico.
Tinignan ko ang batang babae na nakahiga sa sofa, nakapikit at pinagpapawisan na. Luminga ako sa paligid.
"Wala pa si kuya, hanggang gabi daw ang pasok niya." sabi ni Rico, halatang hinahanap ko ang kuya niya.
"O halika, buhatin mo siya, tatawag ako ng tricycle." pagkasabi ko ay agad niyang binuhat ang kapatid, sinukbit ko ang strap ng bag sa isang balikat saka tumakbo palabas.
Kung tinamaan ka nga naman ng magaling..long hair.
"Aba! Ano naman ang ginagawa ng magandang babae'ng ito rito!" tuwang tuwa na sabi sa akin ng walang hiya nilang ama.
"Tumabi ka sa daraanan ko." seryosong sabi ko, wala akong panahon makipagbatian sa kanya.
"Ayoko!" pabirong sabi niya at tinigasan pa ang tayo. Lasinggero.
"Edi dito, tss." tinuro ko ang gilid niya na malaki naman ang space.
Inalalayan ko ang magkapatid, pero hinarang na naman kami ng magaling nilang ama.
"Saan kayo pupunta? Mga anak ko?!" tuwang tuwa na sabi niya.
"Puwede ba? Huwag ngayon please. Sa susunod mo na lang ilabas 'yang toyo mo." mahinahong sabi ko sa kanya. Pansin ko na nahihirapan si Rico sa pagbitbit kay Rhia dahil masyado siyang payat at mukhang kinulang sa nutrisyon, kaya naman nakitulong ako sa pagbuhat.
"Anong sinabi mo?!"
"Pa, kailangan ulit madala ni Rhia sa hospital, mataas na naman ang lagnat niya." nag-aalalang sabi ni Rico.
"Bakit? Hindi ba't magaling na 'yang batang iyan?! Anong ginawa mo?! Ikaw, babae ka!" tamad ko siyang tinignan habang nakaduro sa akin.
Dumidilim na at hindi na maganda ang lagay ni Rhia.
"Umalis na tayo, tatawag ako ng taxi." pagkasabi ko ay inayos ni Rico ang pagbitbit sa kapatid.
"Hindi kayo aalis!"
Pumikit ako ng mariin, ni kailanman ay hindi humaba ang pasensya ko sa kanya. Lalo na sa ganitong panahon ay hindi ko dapat siya pinagtutuunan ng pansin, dahil sa lagay ni Rhia.
Madalas ko siyang pinagsasalitaan pero sa mga oras na ito... kinuha ko si Rhia kay Rico.
"Ate.." nag-aalangang sambit ni Rico.
"Anong.." hindi naituloy ng ama nila ang sasabihin ng itinulak ko si Rhia papunta sa kanya.
"Anak mo 'yan hindi ba?" taas kilay kong tanong sa kanya. Hindi mawari ang tingin niya sa akin at hindi alam ang gagawin sa anak.
Hinawakan ako ni Rico sa braso.
"Dalhin mo sa hospital, sabihin mo, kapatid ni Ryle Velasquez at girlfriend si Jian Anna Ru. Kapag tinanong ka nila kung bakit nagkasakit na naman si Rhia, sabihin mo pabaya kasi akong ama, inutil, lasinggero, walang kwenta at pu--"
Napapikit ako.
"Tay!!" salamat Ryle.
Kung hindi dumating si Ryle malamang ay dumugo na ang nguso ko sa sampal ng ama nila.
"Anong ginagawa niyo?!"
"Ang babae'ng iyan! Walang modo! Itinulak niya sa akin si Rhia at pinagsalitaan ng kabastusan! Ano bang ipinagmamalaki mo ha?!" galit na sigaw ni Fred, pangalan ng ama nila.
"Tay, huwag niyo siyang ganyanin.." naiiyak na sabi ni Rico.
"At bakit hinde ha?! Nakita ka ng kumpare ko sa bar ah! Magaling ka ba at talagang nabingwit mo ang anak ko ano! Anong klaseng babae ka naman kung pagsalitaan ako ng ganoon, eh parehas lang naman t--"
Nagdidilim ang paningin ko sa kanya..sa kahit anong paraan o salita, hindi magbabago ang kulay ng paningin ko para sa kanya. Itim, dilim, puno ng galit, subalit may lungkot. Kasabay ng pagdilim ng kalangitan, ang paglubog ng araw at ang paglabas ng buwan.
Wala akong ibang nakita kung hindi siya lamang. Nagkuyom ang kamao ko, sa paningin ko kami lang ang tao rito. Malaking pag apak sa pagkatao ko ang pagbastos ng mga tao sa trabaho ko lalo na sa murang edad ko'ng ito, pero pagdating sa kanya, may ibang pakiramdam at hindi magandang pakinggan, lalo na siya ang dahilan..
"Alam mo kung bakit ko ginagawa 'yon? Nung nagkasakit ang bunso mo'ng anak, sa hospital, ako ang nagbayad. Ako ang nagbayad, ako ang nagbabayad, kasi hindi pa tapos dahil kinapos pa ako na lintik na hindi ko naman responsibilidad. Pero ngayon, hindi pa tapos ang bayarin, dadalhin naman siya doon. Kaya pag nakita mo ako sa kung saan mang sulok ng mundo, nagtatrabaho, isipin mo, gagaling ang anak mo, magpasalamat ka't mahal ko si Rhia, kasi kung hindi.."
Hindi ko itinuloy ang masamang salita na lalabas sa bibig ko, kasabay ng pagtulo ng luha ko.
Ipinaalis ko agad iyon, isang masamang tingin sa tatay nila at kinuha ko sa kanya si Rhia, buong lakas ko siyang binuhat saka tumawag ng taxi sa labas.
……………
YOU ARE READING
You and I (IU Series)
Short StoryLee Jieun - IU Series #1 Please call my name, again.