Mandirigma

56 1 0
                                    

Suffocate

Unang parte ng wanhul ni kei

Yo , Ako nga pala si Kei , isang grade 9 student. Yun lang , okay na yan.

-First Semester -

After a few weeks , medyo kaclose-close ko na rin mga kaklase ko , ayun yun na yun. :D

 ''Ang hirap mag-aral , kasama ba to sa pag-aaralan natin?''

Sambit ng mga pilosopo kong classmate na naglilinis , habang sila'y nagwawalis sa corridor , cleaners naman kase sila , anong magagawa nila?

Nakakapagtaka naman e hindi naman sila nag-aaral , tas mag-rereklamo sila ng ganun. (Nagwawalis lang naman sila)

Ewan ko ba sa mundong to , Napakagulo. Yung mga walang alam ang nag-iingay habang ang mga may-alam ay nananatiling tahimik sa isang tabi.

Ngunit isa lang yan sa mga problema dito sa mundo , anong magagawa ko. Isa lang naman akong estudyante na nasa baitang siyam.

Bakit ko nga ba to ginagawang tagalog? Baitang siyam ? Haynako , grade 9 na nga lang, pati ako nahihirapan din umitindi.

Isa sa pinakamahirap na task sa pagiging estudyante ay ang pagising ng umaga. bakit ganun? , parang sobrang hirap tumayo ng higaan pagkagising mo , pero pag gabi ang sarap. 

Parang pag gising mo sa umaga , lumalakas yung force dun sa higaan mo , oo dun sa higaan mo. Tapos pagkaligo , pagkakain at pagbihis ng uniporme , pagkapunta sa eskwelahan.

Habang preskong-presko ka , yun mga katabi mo naman parang kagagaling lang sa labanan , ang aga-aga tas ganyan ang mga amoy , parang nanalo sila sa mabahong labanan.

Naamoy ba nila sarili nila , bakit kaya ganun , tas ang lakas pa nila magsabing ''Ang baho naman , sinong umutot?''. Ay nako , lintek na Motombo to , seatmate kong di alam ang salitang ligo.

Ang masama pa dito , nambibintang pa siya. Lakas ng loob. Buti nga may kabaitan pa tong mga classmate ko. Di nalang namin na masabi sa kanya na mabaho siya.

Sarap sabihan ng ''Galing ka ba sa labanan?''  ''Anong mas madalas sayo , mag birthday o maligo?'' , Haynako , kapag sinabi mo naman yun , ikaw pa magiging masama.

Well , Truth hurts , kaya pabayaan mo siya dyan hangga't sa may maglakas loob na magsabi sa kanya kung gaano siya kabango.

Pero sa case niya , tingin ko walang nagtatangka , sa taba ba naman ng taong yan , baka sakalin lang sila pag sinabi nila yun.

Tas pagdating ng first period , ayan na, Yung teacher naming laging nagpapagawa ng essay , essay dito , essay doon.

Di niya ba alam kung gaano kahirap gumawa ng essay habang may tumatambay na baho sa ilong mo.

Dalawa kagad ang problema , haybuhay. 

Ayun pagkatapos ng ilang try , natiis ko at natapos ko ang essay, ginhawa.

Sa pagpapasa ng essay , bago tanggapin ito ng guro namin , titignan lahat ng letra , kung may tama ba o mali, kung kumakanan o kumakakaliwa ba yung grammar mo o hindi.

Bago niya ito sabihin sayo , pagtatawanan niya muna ito , immature ano?

Tas sabay tawag na ''Ulitin mo tong buo , mali''

Uulit nanaman ako sa paghihirap dun sa katabi. Madali naman yng essay , mahirap lang mag concentrate kase masakit sa ilong.

Habang ginagawa ko ito , bigla siyang dumikit sakin at tinignan ang papel ko. e.e e.e e.e

Nakakatakot ang tingin , pawis na pawis , parang kakainin yung papel ko sa titig. Sabay sabi na ''Oy mali yan, ganto yan , gento yan'' Sabay kopya , haynako.

Ang galing niyang mang-uto , akalain mo yun , naloko ako. Sabay tawa siya habang ginagawa ang kanya.

Tapos kapag may mali dun sa kinopya niya , ako pa ang sisisihin. Mangongopya ka na nga lang , tas manglalait ka pa. Inis na sabi ko sa aking sarili. Eh kase naman nangongopya na nga lang , may gana pang mang-asar.

Hangga't sa lumipas ang oras , nasanay na ang ilong ko sa amoy-mandirigmang katabi ko , buti nalang malakas sikmura ko.

Pero kahit na ganun si Motombo , mabait naman siyang tao. Parang buko ba , kahit walang laman ang utak , mabuti naman kalooban niya.

O wait , correction. mabahong buko*. Sorry , di ko matiis. 

Tulad ng sabi ko kanina , mabuti siya , ang problema lang yung kanyang amoy. 

Nakakapagtaka nga kasi walang nagregalo sa kanya ng sabon at deodorant nung Christmas Party.

Gusto kong magmabuting loob , pero baka masamain niya ito. Baka balang araw , maaksidente niyang maamoy ang singit niya at sabihing ''Ang baho ko pala''. 

Kahit na ganun yang matabang yan , Isa siya sa pinakamabait kong kaibigan. Ewan ko ba kung bakit ko siyang nilalait dito sa sulat ko. Dinedescribe mo siya Kei , hindi lait.

Para sa akin , isa yan sa problema ko, hirap sabihan kasi kaibigan.

Masaya din naman siyang kasama. Laging nagbibiro at may common sense. Konti lang ang may common sense ah , rare yun sa tao. HAHAHAHAH. jk.

Isa kase siya sa una kong nakaclose dito sa room , kahit ganun siya, okay na rin yan. :3

*kunware may sounds ah*  *rinnnnnnnnngggg*

Sa wakas , natapos din ang klase, Tapos na ulit ang paghihirap ko

(Oo na , iniskip ko na yung ibang period , next chapter na yun)

Hangga't sa nagkabaitan ng ''Ingat ka'' ''Sige ikaw din'' ''Kitakits bukas''

Pati rin ang mga babae , pahalik-halik pang nalalaman , eh puro nagplaplastikan lang naman. Ang sweet sa harap , pero pag talikod ''Alam mo ba si ito , si ganyan nag ano'' ''Si ito ni ano''.

Ang importante dun , uwian na , wala na akong pake dyan. Buhay talaga parang life.

Naniniwala parin ako na balang araw , makakaligo ng matino si Motombo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Isipan ng isang EstudyanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon