...Mahigit dalawang linggo na ang pagkukunwari namin ni Sam. Mukhang di pa rin kumbinsido ang mga kaibigan niya. What does it take to convince them? Nakakapagod na rin kasi ang ginagawa namin ni Sam. I don't want to get played by the player. Lahat ng ginagawa namin ay bahagi ng isang laro at mahirap ng matalo. Matalo, sa madaling salita mahulog ng tuluyan ang loob ko sa kanya.
Nandito na naman siya sa bahay. Ang totoo ay wiling-wili sa kanya si Mama. Natural charmer talaga siya. Si Papa rin natutuwa sa kanya dahil maganda ang koneksyon ng negosyo nila sa negosyo ng pamilya namin. "Sweetie, let's go on a date." aya niya sa akin sa harap ng mga magulang ko. "Pwedeng dito na lang tayo sa bahay. Tinatamad ako." sagot ko habang abalang nagbabasa ng libro. "Aba, isang Ana Celeste tinatamad? Come on, Sweetie. Let's date." pilit niya habang hinahatal ako. "Oo na. Papalit lang ako." iritang sagot ko. Nagbihis ako. Sinigurado kong malalaglag ang panga niya sa oras na makita niya ako. At di nga ako nabigo.
Sam's POV
Here I go again. Di pa rin convince sina Jet at Paul na in-love na sa akin si Celest. Napakaconservative kasi ni Celest. She won't throw herself at me. Ilang beses ko na sinabi sa kanya dapat parag nababaliw na siya sa akin at dapat hinahabol niya na ako pero hindi niya ginagawa. Kaya eto date ulit. Siya na pinakamatagal na babae na dinate ko. Dadalhin ko siya sa park tapos magdinner kami.Ang tagal naman nun magbihis at heto isang napakagandang babae ang nasa harapan ko. Oo, I admit maganda talaga siya. She smiled at me sweetly. It made my heart skipped a beat. Tama ba ito? Hindi dapat. I can't get played by my own game. Arte lang ang lahat. At tandaan mo kailangan mong mag-revenge. Kailangan siya ang mapa-ibig mo.
..."Let's go, Sweetie." sabi ko. Agad naman niyang inabot ang kamay niya sa akin. "Kailan ba ito matatapos?" tanong ko. "You'll know. I don't want to give you details. Dapat natural lang maging reaksyon natin sa namamagitan sa atin para maniwala sila. Jet and Paul are not buying are act eh." sagot niya habang nagmamaneho. "Sige, gagalingan ko na po. Ayoko na rin kasing magtagal itong set-up natin." sabi ko. Ngumiti naman siya sa akin. Hay, ang ganda ng smile niya.
Hawak-hawak niya ang kamay ko ngayon namamasyal kami sa park. Mag-skating daw kami maya-maya. Sa pagkakataong ito, I need to let my guard down para mas maging natural ang reaksyon ko. Mahirap na baka nanonood sina Jet at Paul sa amin. Agad akong umupo sa swing at tinulak naman niya. Ang lakas lang maka-PBB teens itong ginagawa naman pero inenjoy ko na lang. Enjoy while it last. "Pagod na ako, Sweetie. Ako naman." sabi ni Sam. "Ayoko nga Sweetie." pacute kong sabi. "Ah ganun pala ah." natatawa niyang sabi. Nilakasan niya ang tulak. "Wah! Sweetie! Tama na natatakot na ako!" sigaw ko. "Sabihin mo muna na mahal na mahal kita Samuel Christian Atienza." sabi niya habang nilalakas pa ang pagtulak sa swing. "Ayoko!" natatawa pero may halong takot. Itong si Sam oh. "I love you very much, Samuel Christian Atienza! Mahal na mahal kita. Akin ka lang, Sweetie!" sigaw ko. Agad niyang pinigil ang swing. Nang makababa ako tinitigan ko siya ng masama. "Oh Sweetie, wag ka ng magalit. Kumukulubot na naman yang noo mo oh." ani ni Sam habang dinederecho ang pagkakakunot ng noon ko. Hinawakan niya ang pisngi ko at biglang humalik sa aking mga labi. Ginulat na naman niya ako. "Sam!" sigaw ko. Alam niyang ayokong ninanakawan ako ng halik. Naghabulan tuloy kami. PBB teens! Pero ang totoo kinilig ako doon ah. Di pa rin siya nagpahabol. Sa inis ko, tinigil ko at bumili na ako ng dirty ice cream. Siya naman akala niya siguro hinahabol ko pa siya kaya tumatakbo pa siya. Haha! Dumila ako! "Ang daya Sweetie! Pagod na pagod akong tumakbo doon un pala kumakain ka na ng ice cream." patampong sabi nito. Di ako makapaniwala sa kinikilos ni Sam. Ganito rin ba siya sa ibang babae may pagka isip bata? Baka naman inaayon niya ang kilos niya base sa kung ano ang ugali ng babae. "Sige, Sweetie ililibre na kita." sabi ko. Binilhan ko na siya hawak-hawak ko na ang ice cream at iaabot na sa kanya ng nakaisip ako ng pangganti. Ningudngud ko sa ilong niya ang ice cream sabay takbo palayo. Haha! Ako naman ang hinabol niya. Akala ko makakalayo na ako sa kasamaang palad talo ako! Nahuli niya ako at inikot-ikot niya ako. Pangako Sayo lang ang peg. "Ikaw Sweetie ah. You are wasting food." pangaral niya sa akin. "Sorry po." sabi ko habang nag-aala Chuchay. "Tara na nga skates na tayo tapos makapagdinner na." sabi niya habang nilagay sa bewang ko ang kamay niya at naglakad kami.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. I let myself be happy with him. Ang totoo niyan masayang kasama si Sam. I enjoy skating with him kahit na ang dinner namin. Kung ano-anon na ang napag-usapan namin. I can't help myself but give him genuine smile everytime he would do something sweet or make me laugh. Nasa bahay na kami. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Magkaharap kami sa tapat ng gate. "Sam, you know what you are not bad guy after all. You're cool. Fun to be with. Among the past dates we had, this is the best. Thank you!" sabi ko habang hawak-hawak ang magkabila niyang pisngi. Tumingkyad ako at hinalikan siya ng mabilis sa labi. Nagulat siya ginawa ko kaya di siya nakareact. Tumakbo na ako papasok at kumaway sa kanya.
Yeah, that kiss I gave him its real. Playing with the player I hope I won't lose but I guess that might be too late for me.
Comments? Votes?
BINABASA MO ANG
The Perfect Girl for the Casanova
RomanceAno kaya ang mangyayari kung ang isang girl next door/ ms. perfect ay makaharap ang isang casanova/bad boy/pervert? Magkakaroon ba ng pagkakataon na magkagustuhan sila? Gugustuhin ba nila magbago para sa isa't isa? Paano kung malaman pa ni Ms. Perfe...