***
"Egay, ano ba?! May balak ka na ba tumira dyan sa loob ng banyo?!" iritadong sigaw ni Rocco, ikalawang kapatid ni Raegan.
"Saglit!" sagot ng dalaga mula sa loob ng banyo.
Napaisip ito at tiningnan ang screen ng cellphone niya. Pasado alas syete na ng umaga at namilog ang mga singkit na mga mata nito nang maisip niyang kanina pa siyang alas sais y medya pumasok sa loob.
Binilisan ni Raegan ang pagbibihis at nagmamadaling lumabas ng banyo para makapagsuot ng sapatos. Tumatakbo ito sa loob ng bahay sa sobrang taranta dahil kalahating oras nalang male-late na sila.
"Hindi ka na talaga nagtanda Egay!" seryosong sermon ni Ronan habang nagluluto ng almusal nilang magkakapatid.
Nakasuot na ng uniporme ang tatlong kapatid na lalaki ni Raegan samantalang siya naman ay abala sa paghahanap ng kapares ng kaniyang medyas.
Tuwing umaga, araw ng Lunes, ganito palagi ang senaryo sa loob ng bahay nila.
Ang nagagalit na si Rocco dahil ang tagal maligo ng kanilang bunso, ang ikalawang si Reed na nanatiling nanonood sa kaniya-kaniyang ginagawa ng mga kapatid, at ang panganay na si Ronan na abala palagi sa paghahanda ng kanilang almusal sa umaga.
"Bilisan niyo na kumain. Si Reed muna ang magda-drive." ani Ronan.
"Hindi ako makakasabay sa pag-uwi mamaya, may debate club meeting ako." paalam naman ni Rocco habang nagbabasa ng komiks.
"Egay, mauuna ka umuwi sa 'min kaya magsaing ka na agad." utos naman ni Reed at tumango lang si Raegan na hindi na magkanda-ugaga sa pagkain ng almusal.
Matapos ang almusal, ibinabad lang sa tubig ni Rocco ang mga plato at kubyertos na kanilang nagamit at hindi na nag-abalang hugasan pa ito dahil late na sila. Sumakay na si Reed at Ronan sa loob ng sasakyan samantalang sa likod naman ang dalawa pa.
Si Reed ang may hawak ng manibela dahil ito ang mabilis magpatakbo ng sasakyan, ang late savior ng magkakapatid.
Nakalipas ang ilang minuto bago sila nakarating sa unibersidad ng Phoenix. Nagkaniya-kaniyang paalam sila sa isa't-isa. Hinatid naman ni Ronan si Raegan sa building ng senior high bago siya dumeretso sa sarili niyang classroom.
"Kapag may kailangan ka, i-message mo nalang ako sa messenger. Maki-gamit ka nalang ng phone kina Jilliane." wika ni Ronan at nagpaalam ito sa kapatid.
Kasalukuyang nasa ika-11 baitang si Raegan dahil inabutan siya ng panukala ng DepEd na K-12 curriculum. Samantalang ang tatlo niyang kuya ay kolehiyo na.
Nasa ika-2 baitang na ng kolehiyo si Rocco at ang kursong kinuha nito ay Computer Engineering. Si Ronan naman ay graduating student at kumukuha ng kursong Accountancy. Si Reed na nasa ikatlong baitang ay kumukuha ng kursong Geodetic Engineering.
Sa awa ng Diyos, kinaya nila.
"Ang gwapo talaga ni kuya Ronan!" ani Jilliane.
Kakapasok pa lamang ng classroom ni Raegan nang maabutan niya si Jilliane na nakatayo sa may pinto at magiliw na pinagmamasdan ang kapatid niya na naglalakad palayo sa kanila.
"Pati kapatid ko?" wika ni Raegan habang umiiling at pumwesto sa kaniyang upuan.
"Ang swerte kaya natin! Malapit lang ang building natin sa senior high kaya madali maningin ng mga gwapo!" tuwang-tuwa na kumento ni Jilliane.
"Wala pa si Wendy?" tanong ni Raegan nang mapansin niyang wala pa ang isa pa nilang kaibigan ni Jilliane
Nagkibit-balikat si Jilliane at hinayaan si Raegan na magsuot ng earphones. Samantala, si Jilliane naman ay pumwesto sa likod niya dahil magkakasunod sila nina Wendy sa row three ng upuan.
BINABASA MO ANG
A Race To Your Heart | Phoenix University Series #2
Teen Fiction[ON-GOING] [UNDER EDITING] Raegan Alonzo, mostly called Egay, was a transfer student at Phoenix University. She's currently a senior high school student who struggles in passing her grades to sustain her scholarship. Raegan was the chosen student to...