9
NAGISING ako sa isang hindi pamilyar na kwarto at sobrang dilim nito. Mula sa pagkakahiga ay umupo ako at ininda ang sakit ng katawan ko. Naramdaman ko ring may benda sa noo ko.
Narinig kong may gumalaw sa gilid ko kaya naman napasinghap ako. Huminga ako ng malalim at naalala ang panaginip ko.
"Kier, oh my. Ang panget ng panaginip ko, I saw Denver with his men in black. I saw how they shoot innocent people, and—" natigil ako nang naramdaman ko ang presensya niya sa gilid ko at hinagod ang ulo ko. "Kier, nakikinig ka ba?" tanong ko pero hindi ito sumagot. Patuloy niya pa ring nilalaro ang buhok ko. "Kier? Parang tanga 'to oh."
hindi pa rin ito nagsasalita. Ano bang oras na bakit ba ang dilim?
"Kier! Hindi ka sasagot?—"
"Hindi talaga ako sasagot kase hindi naman ako si Kier." natigilan ako at tila nanigas sa takot nang marinig ang boses niya. Ramdam kong umalis ito sa tabi ko, binuksan niya ang ilaw at nagulat na si Denver ang kanina ko palang kausap. Lumapit ito sa akin at hinimas ang pisngi ko. "Hindi panaginip 'yon, Cia. Totoo ang lahat ng sinabi mo." ipinilig ko ang ulo ko at dinuruan siya sa mukha. He chuckled at pinunasan ang nabasang bahagi ng mukha niya.
"Hindi ka talaga nagbabago." sambit niya at sinampiga ako. Nagdugo ang gilid ng labi ko pero hindi ko iniinda yon. Tumayo ako para sana umalis pero bigo nang magawa ko. Nakatali ang paa ko sa isang kadena sa ilalim ng kama.
"I'm not that dumb, kaya ginawa ko sayo yan. Alam kong may sa kiti kiti ka eh." tugon nito at tumawa. Hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung nasaan ako. "Babe..." mahinahong tawag ni Denver. "Just give me one week, samahan mo lang ako. Sumama ka lang saken ng isang linggo." tumigil ito at lumapit sa akin. "Susuko rin ako sa pulis. Basta hayaan mo akong makasama ka. Pag natapos yung 1 week na 'to, hahayaan na kita kay Kier—"
"Pero paano yung mga inosenteng taong pinatay niyo? Paano ang pamilya nila?"
He sighed, "Kaya nga isusuko ko ang sarili ko diba?"
"That's not a excuse, Denver!" marahas na itinapon ni Denver ang unan sa may pintuan ng kwarto. "I don't care about their lives, i only care about you—"
Umiling ako "Denver, hindi ikaw 'to eh." a tear escaped into my cheeks. "Hindi ikaw 'to, ibang iba ka na—"
"How did you say so? Hindi mo nga ako mabisita noong nangangailangan ako ng karamay." I became silent. It hit me. Totoo naman, wala akong karapatang ikompara siya noon at ngayon. "Look, let's get back together. Yung dating tayo."
"Ayoko—" hindi pa man ako nakakatapos ng sasabihin ay marahas akong hinalikan ni Denver at ibinagsak sa kama. "No, no, Denver. No, please." pagmamakawa ko pero parang wala itong naririnig mula sa akin.
Pumaibabaw si Denver sa akin at hinalikan muli, wala akong nagawa kundi ang umiyak. Hinubad nito ang kanyang pang itaas na kasuotan at isinunod naman ang akin. Nang naisagawa na niyang tanggalin ang saplot ko ay nagsimula na itong hawakan ang aking dibdib pati na rin ang aking pagkababae. Marahas at madiin ang pagkakahawak niya roon. Tila ba isang gutom na lobo si Denver ngayon, sobrang lakas niya at hindi ko magawang lumaban. Hinubad nito ang shorts niya at handa nang gawin ang dapat niya gawin nang humikbi ako.
"D-denver, please no. I'm begging you. Please d-don't do this." halos hindi na rin ako makahinga dahil sa bigat at kaba ng nararamdaman ko, umalis sa ibabaw ko si Denver, "I-im sorry." wala akong naging tugon sa kanya. Kinumutan niya ang hubad kong katawan at bumaba sa kama, tinanggal nito ang pagkakakadena sa aking paa at muling tumingin sa akin
"Sorry, Cia."
Lumabas ito ng kwarto. Binalot ko ang sarili ko sa kumot at umiyak nang umiyak.
"Kier, please save me." atungal ko, papikit na sana ako nang biglang nagbukas ang pinto at iniluwa nito si Denver. Iniabot niya sa akin ang cellphone ko pati ang bagong tshirt at boxer niya. "You can call Kier para maiupdate mo kung nasaan tayo. Don't forget to tell him na nasa tagaytay tayo" sambit niya. "Suotin mo yang tshirt ko muna. Palalabhan ko nalang kay manang ang mga damit mo."
"B-bakit mo ginagawa 'to?" tanong ko at iniayos ang mukha ko. Umupo siya sa tabi ko, umiwas ako sa kanya kaya tumayo nalang ito. "I almost forgot, hindi ka naman preso para tratuhin ka ng ganito. Feel free to call Kier as many as you want. Pero sana, hindi ka muna umalis hanggang hindi pa natatapos yung isang linggong hinihingi ko." matapos niyon ay lumabas na rin ito. Isinuot ko ang damit na ibinigay niya at agad na tinawagan si Kier.
Mangatog ngatog ko itong tinawagan pero nakakatatlong tawag na ako ay hindi pa rin niya ito sinasagot.
"No, Kier please, pick up the phone."
Idinial ko ulit ang number niya and this time sinagot niya ito.
"H-hello? K-kier, oh my goodness. Thank God, you're alive—"
[C-cia? Cia Ikaw ba ito? Ikaw nga! HAHAHAHAHAHA kamusta?] napakunot ako ng noo nang marinig ang boses ng sumagot sa tawag ko.
"Who the hell are you?! Where's Kier?!"
Tumawa lang ulit ang lalaki sa likod telepono. [Chill, Kier is currently tracking where your location is.] T-tracking?
Napabalikwas ako ng tayo "Paki bigay nga muna sa may ari ng phone. Hindi naman yan sayo."
[Sungit. Hindi kita tulungan makaalis jan kay Denver eh.]
"Teka, sino ba 'to?!"
[It's me, Kris. Husband ni Jennie]
BINABASA MO ANG
Back to me (AIWTG book 2)
Teen FictionHanda ka bang sumugal malaman lang ang totoo? Handa ka bang ibigay ang lahat para sa taong mahal mo? Handa ka bang gawin ang lahat kung ang kapalit ay masayang katapusan? Book 1: Accidentally inlove with the gangster. Make sure to read the book 1 fi...