How does it feel?

22 0 0
                                    


A/N: Some of the parts have happened in real life, most of them is fictional. Errors ahead, not a professional writer but enjoy!


"Hoy Lovely! Kamusta kayo ng jowa mo?" ani ni Keina sa kaibigan nitong busy sa pagreply sa lalaking umamin na nagkakagusto ito sa kaniya. Ilang araw na rin simula ng umamin ito sa kaniya at sinabing liligawan siya nito.

Oo, Liligawan agad siya. Hindi siya nagtatanong bagkus pinapaalam niya na liligawan siya ng lalaki. Sinabi rin nito na nahumaling at nagustuhan ng lalaki si Lovely dahil lagi nitong pinapasaya ang araw niya sa tuwing nagkikita at nagkaka-usap sila.

"Tanga! Hindi ko jowa toh!" sigaw nito at pinagtuunan ulit ng pansin ang ka-chat niya.


Anong ginagawa mo?

Wala, recess namin ngayon.

Ikaw?

Gumagawa lang ng assignment.

Edi gawin mo na!

Huwag mo na akong ichat.

Ayoko, ikaw lang nagpapasaya sakin habang ginagawa ko to eh.

Saka miss na kita.


"Hoy! Namumula ka na!" sabi ni Keina at binulungan ang katabi nito, si Reza. Na kaibigan rin nila at nakikisama sa pag-asar kay Lovely sa tuwing nagkakausap at nagkikita ang dalawa. "Kita mo 'yung nasa sulok? Mukha ng kamatis noh?" sabi nito at nagtawanan pa sila. Inasar pa nilang muli si Lovely, sinamaan niya naman ng tinginin ang dalawa ngunit halata pa rin ang kilig sa mukha niya.

"Lovely, may ginagawa ka ba? Patulong naman ako rito sa lesson natin kanina sa math. Hindi ko talaga kasi maintindihan eh." Wika ng kaklase nilang si Tina at nilahad ang math notebook sa harap ni Lovely. Nilalapitan kasi si Lovely ng ilan sa mga kaklase niya sa tuwing hindi nila naiintindihan ang lesson nila sa math. At dahil naintindihan naman niya ang lesson nila, pumayag siya ngunit nagpaalam muna siya sa lalaking ka-chat niya bago balingan ng tingin si Tina. "Alin ba 'yung hindi mo maintindihan?" tanong nito at tinuruan na si Tina sa lesson nila.


"Nalinis na ba lahat?" tanong ni Lovely sa mga kaklase nito na cleaners para sa gabing ito. Nakaabang sa labas ng pintuan nila ang teacher nila na huling nagturo sa kanila at mga kaklase nila handa ng umuwi. 7:30 na rin kasi ng gabi at mahirap na ring makasakay ng ganitong oras dahil uwian na rin ng mga nagta-trabaho.

"Oki na! Uwi na tayo!" sigaw ni Reza at dali-daling kinuha ang bag nito saka lumabas. Nagsialisan na rin ang mga kaklase nito dahil pinayagan na silang umalis ng kanilang guro, habang ang kanilang guro ay siniguradong naisara nila ang mga electric fan at ang kandado sa kanilang pintuan. "SIge na, uwi na ah! 'wag na kung saan-saan pa pumunta." Sabi nito at dumiretso na sa faculty ng mga guro. Sabay naming umalis sa tapat ng kwarto si Lovely at Reza upang bumaba na rin. Nakaabang naman sa may hagdanan si Keina, inaantay silang dalawa. Sabay-sabay kasi silang uuwi.

"Oh! may sundo ka naman pala eh." Wika ni Keina at inaasar ulit si Lovely ng mga kaibigan nila. Halata sa mukha na nagulat si Lovely dahil hindi naman sinabi ni Sid—ang manliligaw ni Lovely—na susunduin siya nito. Nakangiti naman si Sid sa dalaga at pilit na kinukuha ang bag nito. "Huwag na. Kaya ko naming buhatin 'yung bag ko." Nahihiyang sabi ni Lovely. Pinilit pa si Sid ito, ngunit talagang ayaw ni Lovely. Ngumiti na lamang si Lovely at kumapit sa katabi nitong si Keina.

How does it feel?Where stories live. Discover now