Aww

62 3 2
                                    

Simula nung nakilala kita , nahulog na ako sayo sino ba naman ang hindi magkakagusto sa katulad mo gwapo na talented pa. Una ko kayong nakita sa isang poster sa mall ikaw agad ang nakakuha ng atensyon ko, blond ang kulay ng buhok chinito at ang cute ng mukha mo. Simula nun palagi ko ng sinusundan ang grupo nyo nanunuod ng video nyo sa YouTube, mga guesting nyo sa Tv shows, pati pagbili ng merchandise na tungkol sa grupo nyo.

Minsan sumasagi sa Isip ko kapag nakita mo kaya ako, mapapansin mo agad ako?! Pero impossible mangyari yun sa dami ng fans nyo mapapansin mo pa kaya ako?!

Hanggang sa dumating ang pinakahihintay ng bawat fans ang magka-concert kayo.

Kung ang iba nagsasaya dahil may ticket sila sa concert nyo ako eto nagmumukmok naubusan na kasi ako. Kung bakit din kasi mahirap lang ako. Dahil dun tinigil ko muna ang pag-oonline dahil sa mga post ng mga kaibigan ko tungkol sa ticket nila.

Dumating ang araw ng concert nyo, dumating na din daw kayo sa bansa tumawag kasi ang kaibigan ko para sabihin lang yun napaka supportive nyang kaibigan diba?! XD

At dahil nasasaktan ako sa nangyari nagpunta ako ng mall ako lang mag-isa para kahit papano makalimutan ko ang hinanakit ko.

Nagdaan ang maghapon ng hindi ko kayo iniisip Pero tadhana nga naman kung kailan pauwi saka ko naman nakita ang poster nyo, tinitigan ko lang ito ng matagal at bigla akong nalungkot. Maya maya may lumapit sa aking isang lalaki, naka-hoodie sya at may takip ang bibig, kung iisipin para syang holdaper sa suot nya Pero ang nakakapagtaka hindi man lang ako natakot sa kanya.

Nung nagsalita sya, foreigner ako naman nataranta first Kong makipagusap sa foreigner. Tinanong nya ako kung bakit ako malungkot habang tinitignan ang poster, ikinwento ko sa Kanya kung bakit. Mayamaya bigla nya na lang akong hinatak sa isang lugar na walang tao, nagtataka ako hindi dahil sa kung bakit nya ako dinala don kundi bakit hindi ako natatakot sa ginawa.

Tinanggal nya ang hood at takip sa bibig dun ko narealize, ikaw yun ang aking Idol natulala ako sayo hindi ko alam kung anu dapat Kong ireact. Hanggang sa hindi ko napigilan at niyakap kita, dahil sa nagawa ko nahiya naman ako bigla Pero imbis na mainis o ano man ngumiti ka lang, nawala tuloy mata mo :).

Nag perform ka sa harap ko ang swerte ko sa panahon na yun dahil kahit hindi ako nakapunta ng concert nyo, nakita naman kita ng malapitan kahit wala akong binyarang mahal na ticket para makita kita ng malapitan. At na-solo pa kita. Nagkwento ka din sa akin ng kung anu-ano, Pero walang pumasok kahit na isa sa Isip ko masyado pa akong na starstruck Sayo.

Sana forever na lang ganito. :)

Pero Maya Maya tumunog cellphone mo, sabi mo manager mo kaya sinagot mo ito. Hinahanap ka na pala para maka-alis na kayo at may pupuntahan pa kayong ibang bansa para sa world tour nyo. Kaya nagpaalam ka na. Wala talagang forever.

Bago ka umalis binigyan mo ako ng bracelet para remembrance dahil natuwa ka sa akin. Niyakap mo ako, Pero nagulat ako sa sunod mong ginawa hinalikan mo ako sa pisngi, hindi ako nakagalaw sa ginawa mong yun nawala ata kaluluwa ko dahil dun, Pero nakabalik na ito nung nakita kitang patakbong umalis.

Kinabukasan ang ganda ng gising ko, kaya nag YouTube agad ako para tignan ang mga fancams mo, Pero imbis na matuwa nalungkot ako lahat kasi ng ginawa mo sa akin nung gabing yun ginawa mo din sa babaeng maswerteng napili nyo para umakyat ng stage, ang pinagkaiba lang hindi mo sya dinala sa walang taong lugar.

Saka ko na realize kaya pala hindi mo tinanong pangalan ko lahat pala yun FAN SERVICE lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Fanservice lang yun"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon