ROBERT THE DOLL

11 2 0
                                    

"Did you see latest trending post?" Tanong sa'min ni Miko habang nanonood kami ng movie sa loob ng aking kwarto.

Tumango lamang ako bilang sagot.

"That creeps me out, hindi ko nga alam kung bakit eh." Sagot naman ni Ayeesha sabay papak ng popcorn.

Magaalas dose na ng gabi pero hindi pa natatapos itong pangatlong movie na pinapanood namin.

"Tigilan niyo nga 'yang harutan nyo." Saway ko kina Miko at Maica.

Nanatili namang nakatuon sina Ayeesha,Russel at Princess sa screen ng malaki kong TV.

Nakakailang hikab na'ko nang matapos ang movie. Hindi na rin naman kami nag-alala na alas dos na ng madaling araw natapos dahil pinayagan naman silang lahat na dito magsleep over.

"Hey, hindi pa'ko inaantok, let's talk about that doll." Suhestiyon ni Russel, ang bakla sa tropa.

"Wag na matulog na lang tayo." Nilingon nila akong lahat matapos kong sambitin iyon.

Bumuntong hininga na lamang ako saka pumayag. Wala namang mawawala sa'kin diba?

"Nagbasa ako ng ilang articles about that doll. Sabi do'n may sumpa ang manika na yun, kung sino daw nakakakita sa doll na 'yon namamatay." Litanya ni Ayeesha.

Nanatili akong nakamasid at matiim na nakikinig habang nakaupo sa paanan ng aking kama, habang sila ay nakaupo naman sa sahig.

"Pero ba't nila dinisplay sa museum kung namamatay naman lahat ng nakakakita dun?" Tanong ni Princess.

Kinain na sila ng kuryosidad.

"Oo nga," sang-ayon ni Maica.

"Kase nung dinisplay yun do'n hindi pa nila alam na may sumpa ang manikang 'yon." Pagpupuno ni Ayeesha sa kanilang mga tanong.

"Syche, kanina ka pa tahimik, ah?" Nilingon nila akong lahat kaya nginitian ko na lamang sila.

I pretend that I'm okay even though hindi. "Just continue."

"Stop it, matulog na tayo. Kung gusto niyo bukas na lang." Sambit ni Princess saka pumunta sa foam na inilapag namin sa sahig para sa kanila.

Hindi nakinig ang apat at nagpatuloy sa pagkwekwentuhan tungkol kay Robert the Doll.

Pinilit kong wag silang pansinin at matulog na lamang; nabigo ako.

---

Naggising na lamang ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha dahil nakalimutan kong isara ang aking bintana.

"Hmmm..." Nag-inat-inat ako saka lumabas ng aking kwarto.

Tinignan ko ang wallclock na nasa sofa at hindi na'ko nagulat ng makita kong alas tres na ng hapon. Napagod ako sa ginawa ko kaninang madaling araw.

Nakangiting tinignan ko isa-isa ang aking mga kaibigan. Si Miko na nagpapiano, si Maica na nagvaviolin, si Russel na naggigitara, si Ayeesha na nagtatahi ng damit at si Princess na kumakain.

Ngunit sila'y hindi gumagalaw. Oo, tama, sila'y hindi gumagalaw sa kanilang ginagawa. Dahil tulad kay Robert ay ginawa ko rin silang Manika.

Tanging ulo lamang nila ang totoo at ang kanilang katawan naman ay gawa sa wax.

Natatawang dinampian ko ng halik ang labi ni Miko. "Diba ang sabi sa inyo tumigil na kayo? Pero ba't nagtangka pa kayong hanapin sa loob ng bahay ang kapatid ko?"

Pinilit ko silang huwag nang hanapin si Robert ngunit nagmatigas ang mga ito. Kaya ginawa ko silang manika katulad ni Robert na nandito sa aking bahay na dati ay ang siyang museyo na pinaglalagyan niya.

"Hindi ang kapatid ko ang pumapatay, ako." natatawang anas ko saka kinuha sa taas ng piano si Robert at niyakap ito.

Katulad nila'y tao rin si Robert na pinugutan ng ulo at ginawang manika ng aking amang may sayad sa utak--- katulad ko.

One Shot Stories (COMPILATION)Where stories live. Discover now