THE WEIRD GIRL FROM SECTION A

3 1 0
                                    


"Hoy, Athena ba't ba ang pangit mo?!"

"Oo nga, ang baho mo pa!"

"Umalis ka nga rito nakakasira ng araw iyang pagmumukha mo!"

Hindi lamang 'yan ang mga rinig kong kantyaw sa babaeng tahimik lang na naglalakad habang may dalang 'sang katerbang libro.

Sa sobrang pagmamadaling makaalis ay nakayuko siya habang naglalakad.

"S-sorry p-po." agad niyang paumanhin nang mabangga niya ako.

Halata sa itsura niya ang kaba kaya ngumiti ako. "Ayos lang." sinserong sagot ko.

Tumango lang siya at dali-dali muling naglakad dahil sa hindi pa rin tumitigil sa pagkantyaw sa kaniya ang mga bully sa loob ng campus.

"Why do they need to bully that girl?" tanong ni Elijah.

"Ba't, sino ba 'yon?" tanong naman ni Cessy.

Umupo ako sa isang bench at inilabas ang isa kong notebook. "She's the weird girl from section A." Nilingon nila akong lahat. "She's a transferee, pero sobrang talino raw."

"Kawawa naman siya." Ngumuso si Ayesha habang nakapalumbaba.

Hindi na namin siya na-topic pa dahil nag-aral na lamang kaming lima. "Mga besh nandiyan sina Aimie tara alis na tayo." Agad kaming nagsitayuan at nagligpit.

"Hey Sam, where are you going?" Malanding tanong niya habang nakatingin sa'min.

Hinarap ko siya ng walang emosyon. "Wala kang pake."

She laugh sarcastically. "Okay fine."

Hindi na'ko sumagot at iniwan silang magkakaibigan habang nakatingin sa'min ng masama.

Aimie and her friends are the known bitches in our campus. She's the one who bully Athena first, then the whole campus followed.

"Hanggang ngayon ba gusto ka pa rin niya sa grupo nila?" Tumango ako habang naglalakad kami sa pathway pabalik sa room namin.

Nung malapit na kami sa room namin ay natanaw naming nagkakagulo sa harap ng section A kaya agad kaming lumapit rito.

"It's your fault! Tatanga-tanga ka kase!" sigaw ng isang babaeng punong-puno ng kape sa uniform?

Umiling ang babae at lumuhod sa harap niya ng umiiyak. "I-I'm sorry, h-hindi ko sinasadya."

"Don't touch me!" Sinipa nito ang babae kaya natapon ang eye glass na suot nito. Patuloy ito sa pag iyak habang hawak ang noong dumudugo.

"Tigilan niyo na nga iyan!"

"Huwag ka ngang manghimasok dito, Sam!" sigaw ng kaklase ko habang papalapit ako sa kanila.

Pumagitna ako ng tayo at agad siyang hinarap. "Why do you always bully her? She did nothing wrong!" sawang-sawa na'kong makitang ginaganon nila si Athena.

"What? Hindi mo naman nakita ang ginawa niya! Ba't ba nanghihimasok ka? 'Di dahil sa boyfriend mo ang preside-"

Hindi ko pinatapos ang sasabihin niya dahil agad na lumipad ang palad ko sa nakakairitang mukha niya. "Wag mong ipapasok rito si Sherrif!" sigaw ko at mas nanlisik ang mga mata niya. "Leave Athena alone!" Agad na nagsialisan ang mga estudyante kasama na si Jona na kanina ay tila tigre.

"Are you okay?" Tinulungan ng mga kaibigan ko si Atena na makatayo.
Agad akong bumaling at hinarap siya. "Dalhin natin siya sa infirmary para magamot ang sugat niya." Agad na tumango ang mga kaibigan ko at inalayan si Athena maglakad.

"Salamat sa inyo," nahihiyang usal niya habang nakayuko. "Lalo na sayo, Sam."

"Nako, wala 'yon, basta tandaan mo andito kami lagi para sayo, ha?" tumango siya at agad na kumaripas ng takbo papalayo.

One Shot Stories (COMPILATION)Where stories live. Discover now