Chapter 23

214 5 0
                                    

Denise POV

*tok tok tok*

Binuksan ko ang pinto at nakitang si ate ito.

Pumasok sya sa loob ng kwarto ko at agad umupo sa kama ko.

May pinakita sya saking mamahaling jewelry set.

"tignan mo.. Pinadala sakin ni Migo Saavedra right?"


P..pinadalhan sya ni Migo nun. Napakamahal ng mga yun. Pero si Zic kahit kelan wala akong natanggap sa kanya.



"di ba boyfriend mo yun? Hmm malandi ka din noh.. Dala dalawa lalaki mo? Mas malandi ka pa sakin" sarkastikong sabi nya.




"matutulog na ko ate.. Bukas na natin pag-usapan yan" sabi ko.



"no.. Gusto kong maging clear ang lahat. Ayoko ng samaan ng loob. Kinausap ako ni dad ngayon lang. Ipinagkasundo nya ko kay Migo Saavedra. Ang lalaking sinasabi nyang inilaan nya para sakin ay si Migo. And guess what? Si Migo daw ang humiling sakin" mayabang na sabi nya.







S..Si Migo? Ipapakasal si ate kay Migo. Bakit nakakaramdam ako ng sakit! Bakit sobrang sakit.

Akala mo swerte ka na kay Zic noh.. Pero mas swerte pa pala ako. Si Migo pa.. Tagapagmana ng lahat. Hahahaha tanga ka talaga.. Nasayo na pinakawalan mo pa" pang-aasar nya.



"osya.. Parehas pala tayong magiging Saavedra. Mamatay ka sa inggit sakin tss" lumabas na sya ng kwarto ko.

Pinakita nya sa mga katulong at kay Tita Leslie na pinadalhan sya ng mamahaling jewelry set ni Migo. At manghang mangha ang lahat.



Inilaan ni daddy si Migo para kay ate. Bakit pakiramdam ko mas mahal ni dad si ate kesa sakin.






~~~~~~~❤~~~~~~~

Denise POV

(school)

ayan na yung tirador ng mga Saavedra

Golddigger eewww

Hahaha di makuntento sa isa sis..

Nakakainis na si President pa talaga ang niloko nya gigil ako bes



Kaliwa't kanan ang usapan sakin. Alam mo yung tingin nila sayo para kang hinuhusgahan. Kasalanan ko naman eh. Sige lait pa.
Pero ang totoo nasasaktan talaga ako. Hindi naman ako masamang tao. Pero ayaw na ng lahat sakin ngayon.

Nakita ko si Zic sa may ilalim ng puno. May kausap sya pero di ko maaninag kung sino.



Lalapitan ko sana sya pero napahinto ako ng mapagtantong si ate yun.


B..Bakit sila magkasama??



Naalala ko yung sabi ni Migo na nakita nya si Zic at si ate.





Nagtago ako para marinig ang usapan nilang dalawa.




~~~~~~❤~~~~~~


Zic POV

(school)








How to unlove you (Part1 Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon