Chapter 3: Not just a girl
Rue
"WRONG move f*cktard!" wika ko at agad siyang binalibag. A loud thud filled the whole room. Napasinghap ang lahat sa nakita.
"Rin!"
"Gago! Napatumba ka ng isang babae?"
"Bakla ka 'ata dre! Ang hina ng babaeng 'yan oh tingnan mo!"
Napataas ang kilay ko sa narinig. Me? Weak?
Nag-squat ako para mapantayan ang Rin na tinatawag nila na nakahiga pa rin sa sahig. Pinukol niya ako nang masamang tingin. Hindi ko 'yon pinansin at ngumisi.
I patted his head. "Sa susunod na aakbay ka, mapuputol 'yang mga braso mo." Sabay turo sa braso niya gamit ang piraso ng kahoy na hawak ko. Nilayo niya naman agad ang braso sa 'kin.
Tumayo na ako at kunwaring pinagpag ang nadumihang uniform. Hindi naman ako masisilipan kahit na anong sipa ko dahil naka cycling short naman ako. Meron namang option kapag transferee ka. It's either you used your school uniform in your first day of class or mag-civilian ka na lang. So I chose to wear this uniform.
"Mahina ha? Try me," mapanghamon kong sabi at ngumisi.
"Baka umiyak ka lang katulad ng ibang babae riyan at magsumbong sa nanay?" sabi ng isang medyo cute na lalaki. Nagtawanan silang lahat.
Seryoso, ang cute nilang lahat. May tatlong guwapo nga lang na nagingibabaw. Pero ewan ko kung ano ang pangalan nila, basta 'yong isa ay antipatikong nagpasunod sa 'king pumunta sa bodega at ang isa ay 'yong nag-offer ng upuan niya. 'Yong isang gwapo naman andoon lang sa gilid masamang nakatingin sa 'kin. Problema nito? Inaano ko ba siya?
"Huwag puro dada, fight me and you'll see. Weaklings!" Dumilim ang aura nila no'ng narinig nila ang huli kong sinabi. Ano bang masama do'n? I'm just telling the truth.
Hinanda ko ang sarili sa anumang gagawin nila. Napikon 'ata sa sinabi kong mahihina sila. Kawawa naman! Pati pagkontrol ng emosyon hindi nila magawa. Weak nga!
Unang sumugod 'yong cute guy kanina. Susuntukin na sana niya ako pero umilag lang ako at hinampas siya sa likod. Sumunod ang isa! Pero naiwasan ko ang paparating na suntok niya at sinipa siya sa t'yan. Napahawak siya sa bahaging natamaan ko habang nakaupo sa sahig.
"Masakit 'no?" sarkastiko kong tanong habang nakangisi. Sinamaan niya lang ako ng tingin. As if naman na mamamatay ako sa tingin mong 'yan.
Sunod-sunod na ang pag-atake nilang lahat. Sipa, suntok, salag at iwas ang pinaggagawa ko. Muntik na akong matamaan ng isang paa, mabuti na lang ay mabilis akong nakaiwas.
May sabay na sumugod sa 'kin. Isang blonde hair at red hair. Seriously? Pwede 'yan sa school na 'to? What the hell? Bakit sa 'kin itim? I want an ash colored hair!
Inambahan ako ng isa nang suntok at sinipa naman ako ng isa. Sabay pa talaga sila? Sinalag ko ang suntok ng isa at hinawakan ang braso niyang ginamit at ginawa siyang pansalag sa paparating na sipa ni red haired guy.
"Ouch! F*ck you Red!" sigaw ni blonde hair nang matamaan siya sa tyan nang sipa ni red haired guy.
"Opps! Sorry dre!" agad na sabi ng red-haired guy.
Tinulak ko si blonde guy kay red hair guy kaya na out balance sila at bumagsak sa sahig.
Nagsimula sa isa ang napatumba ko at kalaunan ay naging sampu hanggang nasa sahig na silang lahat nakasalampak, hindi makapaniwalang nakaya ko sila. Well, except doon sa gwapong tatlo. Nakaupo lang sila.
Daing ng mga napuruhan ang maririnig sa loob ng room.
"Sh*t she's strong!"
"Pinagbibigyan ko lang 'yan!"
"Ang sabihin mo natalo ka ng isang babae dre!"
"Natalo ka rin naman ah?"
"She's hella one of a kind!"
Hindi ko pinansin ang mga sinasabi nila. Pinihit ko ang katawan at tumalikod na sa kanila. Hinarap ko ang tatlong natira at nakaupo lang sila sa kani-kanilang mga upuan.
Nakangisi ang isang antipatikong g*go. Nakakrus ang mga braso. Siya 'yong bubuyog na nagpakuha sa 'kin ng upuan sa storage room. Siguro siya 'yong leader nila dahil sumusunod sa kanya ang ibang mga maiingay na bubuyog.
"Amazing!" biglang saad nito at tumayo. Sarkastiko itong pumalakpak. 'Yan ang dating sa 'kin ng kaniyang ginawa.
Mayabang!
"Try me!" hamon ko sa kaniya.
Tinaasan lang ako nito ng kilay at nilampasan kaya naikot ko ang paningin.
"Tumayo kayo riyan. Fix yourself." Tiningnan niya ang silang lahat at tinapunan din ako ng tingin saka umalis. That's it?
Napayunganga akong mag-isa sa ginawa nito. Ang sungit at mayabang!
Isa-isang nagtayuan ang mga napabagsak ko. I didn't mind them at naghanap na lang ng mauupuan. Naningkit ang mga mata ko ng makitang sobra ng isa ang upuan nila.
Why the hell I didn't saw it?
Padabog ko itong kinuha at naupo sa unahan. I know they're all staring but I didn't mind.
Nagulat ako pagtingin ko sa harap. Mayroong teacher? Bakit hindi ko napansin 'to kanina? I thought wala.
Nakatitig lang ito sa 'kin at 'saka ngumiti. Dahil nasa harapan ako ay dalawang metro lang ang layo ko sa kanya, kinausap niya ako.
"Alam mo wala pang nakapatumba ng ganyan sa section na 'to. You're the only one." Manghang anito. "By the way I'm Miss Alaozon, your english teacher." Nakatitig lang ako sa kanya habang nagsasalita.
Baka isumbong ako nito sa ginawa ko at mapatalsik na naman sa school na 'to. Sh*t! Pagod na akong maghanap ng magandang school.
"I know what you're thinking. Don't worry hindi kita isusubong." Ngumiti ito ng pagkatamis-tamis.
She's so pretty.
"Miss Threze Rue Gonza right?" Tumango ako. "You know what? Ikaw lang talaga ang babaeng nakatapak sa room na 'to at bumugbog sa kanila ng ganyan," natatawang anito at halos hindi makapaniwalang nakatingin sa 'kin.
"Kahit kailan hindi naging tahimik ang mga 'yan sa ilang taong pagtuturo ko sa kanila," patuloy nito.
I don't know why my interest was caught by what she said. Kusa na lang nakinig ang mga tainga ko at nakatuon lang sa kaniya ang mga mata ko. Buong atensyon ko ay nakuha na niya ng tuluyan.
"Walang transferee na babaeng hindi umiiyak na umaalis sa silid na 'to. Tanging mga lalaki lang ang tinatanggap nila sa section na 'to. Kaya kung mag-e-enrol man ang sinumang babae sa eskwelahang ito ay sinisigurado talaga nilang hindi mapunta sa worst section."
"Lahat ginagawa nila sa first day of school. Sinasabuyan nila ng pintura, Hindi pinapapasok sa room na 'to, tinataboy. Lahat-lahat. Meron pa ngang sinabuyan ng langgam. Isang balde!" Naging malungkot ang mata niya. "But I know titigil din sila," makahulugang anito.
Umiling siya ng ilang ulit at tiningnan ako ng may paghanga. "Such a one of a kind." Ngumiti si Miss Alaozon. "I know someday. . . you'll change this section." Tumigil siya sa pagsasalita. Akala ko no'ng una ay tapos na siya sa mga sinasabi ngunit nagkamali ako. May idinugtong pa siya sa huli na ikinatigil ko.
"You're not just a girl, Threze. You're one of a kind. . . a unique one," pagtatapos niya at saka umalis. Ngumiti ito bago nilisan ang silid.
A S T A R F R O M A B O V E
★☆★
BINABASA MO ANG
Me and the Worst Section
Roman pour Adolescents(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then but a promise was made by herself not to enganged on fights anymore. She thought that enrolling in Ha...