KABANATA 16
GUYSecond Semester Start
Cielo POV
NAGLALAKAD NA ako papasok sa school. Ngayon kasi ang unang araw nang pangalawang semestre kung kaya't balik na muli kami sa pag-aaral at tapos na ang mahigit na isang buwang bakasiyon.
Kulang iyon kung tutuusin subalit ayos na rin dahil gusto ko na ring makapagtapos sa pag-aaral.
Pagkapasok ko sa gate ng school ay namataan ko si Hannah sa harapan kaya itinakbo ko ang layo naming dalawa at hinabol siya.
"Hey!" hingal kong sabi.
"Ah... You're Cielo, right?" ani niya. Ngumiti ako at tumango sa kaniya.
"Sorry for making you worry." dugtong niya.
"No, not at all." iling-iling kong sagot.
Kinuha niya sa kaniyang bag ang diary at inilabas niya iyon para iabot sa akin.
"Here." she said.
"I'm glad to see you doing well." I said.
Tumango lamang siya pagkatapos ay ngumiti. Matapos nang batian na iyon ay sabay kaming pumasok sa loob ng room.
Nagsitahimikan ang lahat nang pumasok na si Mr. George sa loob ng classroom. At umayos na rin ako ng upo pagkatapos.
"Let me introduce a new transfer." ani niya at tinignan pa muna kaming lahat bago bumaling muli sa pintuan.
"Come in." sabi niya rito.
Pumasok ang isang matangkad na lalaki at medyo kulot ang style ng buhok nito. Singkit ang mga mata at medyo may katangusan ang ilong, manipis ang labi at maputla ang kutis ng balat.
Nagkaroon ng bulungan at impit ng tilian ang ilang kababaihan kaya iling-iling akong ngumiwi dahil don.
"I'm Rodge. Nice to meet you." pakilala niya sa harapan.
"Wait... isn't he the guy..." narinig kong bulong ni Amy at muling binalingan ang lalaki sa harapan.
Nabaling ang aming atensiyon nang magtaas ng kamay si Delia at ngiting-ngiti ito.
"Okay! Question here. Saan ka nakatira?" aniya sa lalaki.
"Sa Malabon. But I've been living in Manila except for when I enrolled in Middle School... so it feels like I just came back again." sagot niya rito.
"My turn! Where club were you a part of?" sigaw naman ni Jocelyn.
"Basketball. Been doing it since grade school." sagot niya kaagad dito.
Nagkaroon na naman ng bulungan at makarinig pa ako ng 'He's so cool' mula sa grupo nila Delia sa bandang harapan.
"We'll you're seats are over there, Rodge." turo ni Mr. George sa dulong bahagi na walang nakaupo.
Tumango naman ang lalaki at naglakad na patungo roon.
"Okay. Listen! I may be too strict when it comes to handsome looking guys, but get along with him." seryosong kunong pangaral niya saamin ngunit natawa at napailing naman ang karamihan sa min dahi don.
"Okay po." sambit ng ilan.
Sinundan ko pa ng tingin ang lalaki hanggang sa makaupo ito atsaka ako bumaling kay Hannah na nakatingin rin sa bagong estudyante at tila nakakunot-noo ito.
"May problema ba?" sabi ko sa kaniya.
"It's nothing." iling niyang sabi at tumingin na sa harapan.
***
"For the school festival. We will have handsome Patisseries cooking with our Hawaiian Pancake Cafe." ani ni Bella.
Nagpalakpakan kaming lahat at may iilan pang humiyaw sa sobrang tuwa sa anunsiyong iyon.
"On top of that, from the results we have gathered, the ones who assigned to cook will be James and hmm... Carl." dugtong pa niya.
Lumingon ako kay Carl na natutulog sa aking tabi at iling-iling na napangiwi. Grabe talaga 'tong si Carl! Sleeping Beauty talaga 'to sa klase namin eh!
"Ok, let's have the two guys here!" tawag ni Bella sa dalawa. Nang makitang tulog na tulog si Carl ay binalingan niya ako.
"Cielo, please wake him up." sabi niya at kamot-kamot sa ulong nilingon ko ang pwesto ni Carl.
"Carl... huy gising!" tapik ko sa balikat niya ngunit di pa rin nagising kaya sinundot ko ang tagiliran niya at doon ay napaigtad siya ng bangon at nagsitawanan naman ang ilang nakakita non.
"Pumunta ka daw sa harapan." bulong na ani ni Hannah kay Carl nang tuluyan na itong magising at tsaka ito nagtungo sa harapan.
***
Nasa library kami ni Hannah dahil may hihiramin daw siyang mga libro at ako naman ay sumama din dahil balak kong kumuha na rin ng isa.
Nasa librarian na kami at ipapa-patch na namin ang mga librong hihiramin namin.
Tatlong libro ang kay Hannah at isa naman ay sa akin.
"Also, I'd like to borrow this." ani ko sa librarian.
"Okay, please hand me your card." sagot niya sabay kuha sa librong hawak ko.
Tumango ako at kinuha sa bulsa ng aking pantalon ang card nang wala akong makapa roon.
"Nakalimutan kong dalhin." ngiwing ani ko.
"Uh! I'll lend you mine." sabat ni Hannah at iniabot sa librarian ang card niya kaya naman ay lumingon ako sa kaniya at ngumiti.
"You're a life-saver." sabi ko sa kaniya at ngumiti lamang siya.
"Showing off their lovey-dovey connection." narinig kong bulong ng librarian bago umalis ngunit hindi ko na iyon pinasin pa.
Kumuha si Hannah ng lapis sa desk at sinulatan ang libro ng kaniyang pangalan roon patunay na siya ay nanghiram ng libro.
Matapos non ay bumalik kaming muli sa classroom at doon nag review ng notes dahil may quiz kami sa susunod na klase.
Hiling ko ay sana maipasa ko iyon nang sa gayon ay di ako umulit sa pagsusulit.
YOU ARE READING
Friends for a Week [HIATUS]
Teen FictionHannah Montes is experiencing Dissociative Amnesia since through Middle School. Cielo Cortes is a young, wild and free boy who have talents in painting yet stubborn and naughty at all times. One day, Cielo found an ID in the library and sniffs it as...