Chapter 11:Somewhere further away

6 1 0
                                    

Gideon

"Tita aalis na po ako" paalam ko kay tita at nagmano.

"Mabigat yang dala mo, tulungan na kaya kita?" aniya, dala-dala ko kasi ang makina panahi ni nanay.

"Ayos na ho, baka maabala pa kayo." sabi ko at lumabas na.

Naglakad ako papunta sa sakayan ng tricycle at nagpababa sa sakayan ng jeep.

Ang jeep na 'yon ay nagbababa sakto sa tapat ng school kung saan ako nag-aaral.

Nakalagay sa isang malaking karton ang makina, hindi tulad ng ginagamit sa mga factory ito.

Naalala kong halos hindi na kumain si Nanay para lang makaipon pambili nito.

Tinulungan ako ng isang guard sa lobby na dalin ang makina sa loob ng principal's lounge.

Biruin mo? May makina na kami na gagamitin pero ni tela at sinulid wala pa.

"Oh Gideon kamusta ka na? Ayos lang ba ang pakikitungo sayo ng mga kaklase mo?" bati sa akin ng mama ni Shella nang naabutan niya ako sa lounge.

"Ayos lang naman po" sagot ko naman at nagmano.

"Mabuti naman. Nga pala, balita ko sasali kayo sa contest? Galingan niyo ha! Ichi-cheer ko kayo!" masigla pa niyang sabi.

Halatang may pinagmanahan si Shella.

Nagpaalam na ako dahil baka malate pa ako.

Tinignan ko ang paligid, mukhang tumahimik na ang school mula nang ma-kick out ang tatlong 'yon.

Bakit ako sumama sa kanila?

Dahil ang grupo nila ay malakas ang pang-amoy sa mga taong malalim ang pinagdadaanan.

Nang nagsimulang maglasing si tatay ay kusa silang lumapit sa akin. Akala ko ay makakatulong sila pero ang totoo, ginamit lang nila 'yon para maging utusan nila ako.

Tama, blackmail nga ang ginawa nila.

At dahil wala pa akong masyadong alam 'non ay sumunod ako sa kanila dahil ayaw kong mapahiya.

Ang 'trabaho' ko ay protektahan sila laban sa guidance at principal dahil alam nilang malaki ang tiwala nila sa akin.

Pero nung dumating sa puntong inutusan nila akong kuhanin ang baon ng isang grade 7 para ipambili ng sigarilyo nila, hindi ko na kinaya.

Alam kong nakatali sila sa leeg ko pero mas nangingibabaw ang konsensiya ko.

Kaya humawak ako sa patalim at sinabi lahat ng inutos nila sa akin at lahat ng ginagawa nila, tutal dahil din naman sa akin kaya maraming estudyante ang tinapakan nila.

Suspension lang ang naging parusa sa akin at counseling. Samantalang sa kanila naman at kick-out na.

Ang huling balita ko ay dinala sila sa malayong lugar sa takot ng magulang nila na balikan ako...kami.

Pumasok ako sa napakaingay na room. Sa isang sulok ay may kumakanta at sa likod ng bintana ay nagpho-photoshoot.

Para silang mga tanga, bawat palit kasi ng dp ng mga iyon ay iisa lang ang background.

"Hoy yung aircon pakitaas!" sigaw ng isa.

"Oonga! Fully paid ba kayo?! Ba't sinosolo niyo yung hangin?!" sigaw ng kasama niya.

Umupo lang ako at tahimik na naghintay sa pwesto ko.

Ang mga unggoy naman na nasa likod ko ay ginagawa ang nakasanayan nilang gawin. Si Nathan nagbabasa lang, minsan nga ay nakakalimutan ko na ang hitsura niya dahil palaging nakasumpal ang book sa mukha niya.

Hallway's SymphonyWhere stories live. Discover now