Chapter 3

44 4 0
                                    

Chapter 3



"Andyan na si KD, Sav." Itinuro ni Zhan si KD na nakasakay sa kanyang motor habang papalapit sa kinaroroonan namin.



"Mauna na 'ko mga bhie. Mag-eempake pa 'ko eh." Paalam ni Savi sa amin. Niyakap niya muna kaming dalawa bago sumakay sa motor ni KD.



"Bye!" We waved our hands to her then KD started driving.



"Ikaw Vien? Hindi ka pa uuwi para mag-empake?" Tanong ni Zhan sa akin habang naglalakad papunta sa kanyang kotse.



Pumunta na rin ako sa tabi ng motor ko at isinuot ang helmet.



"Hindi ako pupunta sa Ilocos." Sagot ko at sumakay sa motor.



"Oh why?" Nagtatakang tanong nito habang nakahawak sa pintuan ng kotse niya.



"I don't know, I'm just...so tired." I sighed.



"Eh sinong kasama mo?" Kunot noong sambit nito.



"Wala." I chuckled.



"You can stay in our house if you want." Nakangiting wika nito.



"La baliw, kakahiya noh."



"No, it's okay Vien! Hindi din ako sasama kina mama eh. So, I also need a kasama in the house." Pagpapaliwanag niya.



"Ha? Bakit?" Kunot noong tanong ko.



"Well, I have a photoshoot this week for a brand so I badly need to stay." She sighed.



"Sige, sasabihin ko kay mama na magstay nalang ako for a week sa inyo." I smiled at her.



"Yay! See you girl!" Masigla niyang sinabi pagkatapos ay pumasok na siya sa kotse niya.



Isinuot niya ang kanyang shades. She started the engine of her car and honked before leaving Boulevard.



Nang makarating ako sa bahay ay nag-empake na rin ako. I already told my mom that I'm going to stay at Zhan's for a week and she agreed. Kaysa naman daw mabulok ako dito sa bahay mag-isa, agad naman siyang pumayag.



I received lots of messages from Kiel. This idiot, nag long message pa. Hindi niya ba napapansin na alam ko na ang totoo?



Kiel Fastidio

Babe are you ignoring me? Sabihin mo naman kung anong problema natin. Hindi 'yung binabalewala mo lang messages ko sa'yo. Vien naman, kapag pagod ka na, sabihin mo naman sa 'kin. Nahihirapan na nga akong i-handle 'tong relasyon natin eh dahil sa ugali mong 'yan. Please, magpaka girlfriend material ka naman.



I mouthed 'wow' after reading the message. What the hell, is he so bobo to say that? Kunwari pa, manloloko naman.



I rolled my eyes before replying to him.

Alisha Vien

Walang problema, pagod lang. I miss you.



Marupok na kung marupok pero wala namang katotohanan 'yang mga sinabi ko. I just acted like I didn't know his cheating issue.



Kiel Fastidio

I miss you too. Kita tayo bukas babe?



Alisha Vien

Yeah, sure babe. :)



"Sigurado ka okay ka lang kina Zhanisse?" Tanong sa akin ni mama habang inilalagay ang kanilang gamit sa likod ng SUV.



Love and Lies (Claveria Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon