Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Yes! Finally, an update! This chapter is dedicated to babilabichi. Arigatou for reading my story! (≧▽≦)
Isabela
"Ang rupok mo, Sab. Grabe, ang rupok-rupok mo!"
Sinamaan ko siya ng tingin na tinugunan naman niya ng halakhak. Mukha bang nakakatawa ang kalagayan ko ngayon? Oo, para sa kaniya nakakatawa. Pero para sa akin?
Hindi!
And besides, friends lang naman. Ano bang marupok do'n? How can I refuse if someone like him offered a friendship, right? I will definitely going to feel guilty if I rejected his offer. Mabait ang lalaking 'yon at sa tingin ko naman ay tama ang aking desisyon.
O baka akala mo lang dahil nababalot ng kaligayahan ngayon ang puso mo?
Hindi, tama ang desisyon ko. Masaya lang ako dahil may isa pa palang lalaki na kagaya niya. Mabait at hindi alipin sa tawag ng laman. Masaya lang ako na may katulad niya pa ring natitira sa mundo.
Iyon lang 'yon, okay? Huwag kayong mag-assume katulad ng ginagawa nitong bruhildang Natalie na 'to.
"Shut up, Nat. Friends lang kami. Anong marupok ang sinasabi mo d'yan?" ani ko habang binabato ko siya ng mga masasamang tingin. Kulang na lang mamatay siya, happy happy na sana.
Humalakhak si Natalie. "Come on, hindi tayo pinanganak kahapon. Klarong-klaro naman na gusto mo siya! Just admit it, Sab," nakangisi naman niyang bawi.
Letsugas, gawin ko kayang pinira-pirasong kangkong 'tong babaeng 'to?
"Isa pa talaga, Nat. Ihahampas ko na sa 'yo 'tong folder na hawak ko. Kitang nagtatrabaho ako, ginugulo mo ko," nagtitimpi kong suway sa kaniya. Ewan ko ba kung paano ko naging kaibigan ang babaeng animo'y kanyon ang bibig sa lakas ng boses. Nag-iinit na ang ulo ko, pigilan niyo ako! Pigilan niyo nga sabi ako! Ang dami pa naming dapat ihanda, hindi ba niya nakikitang nagtatrabaho ako!?
Tinaas ni Natalie ang kaniyang mga kamay na tanda ng pagsuko, mukhang hindi niyo na ako kailangang pigilan na itapon ang bruhildang 'to sa rooftop. "Seryoso, ang ikli ng pasensya mo. Fine, mananahimik na muna ako. Magtrabaho ka na muna, boss. Habang kakain naman ako sa cafeteria, lunch na kasi. Bye, boss!" mabilis na pamamaalam rin niya.
Para siyang bula, magpapakita at mawawala. Nanggagalaiti ako sa katamaran ng sekretarya ko. Bakit ba kasi best friend ko pa ang ginawa kong sekretarya?
Well, hindi pa siya ang best friend mo no'ng tinanggap mo siya.
Oo nga pala, iyong ahas pa 'yon. Hindi lang asal ahas, mukhang ahas rin. Sobrang bilis gumalaw, 'no? Iyong nasa tabi mo lang, pagkalingon mo, sinasaksak ka na pala sa likod. Hokage moves!
Well, whatever. Magpakasasa sila sa kasalanan dahil wala na akong pakielam.
I should stop thinking about useless stuff. Kailangan kong mag-focus para sa nalalapit na anniversary ng kompanya ko. And for that to be successful, I need Nathan. Don't get me wrong, okay? I am not a gold digging witch because I genuinely want to be his friend but I still have to use him for my company's sake.