CHAPTER 24

68 8 0
                                    

A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING.
FEEL FREE TO COMMENT. ^_^
HAPPY READING!!! ^_^

CHAPTER 24

Kasalukuyan kong chine-check ang mga dadalin ko sa pag-alis namin. Alas-tres pa lang ng madaling araw. Inaayos ko lang ang mga gamit ko dahil baka may makalimutan ako. Mamayang alas-kwatro pa naman ang alis namin.

Si Andrie na daw ang susundo sa akin dahil siya ang may alam kung saan ako nakatira. Nagprisinta din si Shi pero nag-insist si Andrie kaya wala rin siyang nagawa. Kahit sino naman sa kanilang dalawa okay lang sakin.

Nang maayos ko na lahat at wala ng kulang ay nagpunta na ako sa kusina para magluto ng almusal ko. Mahirap bumiyahe ng walang laman ang tiyan. Kumain na ako ng makaluto. 3:30 na nang nagsimula akong maligo.

Nakagayak na ako at hinihintay na lang si Andrie. Tumunog ang cellphone ko kaya tinignan ko iyon. Nagtext si Andrie na malapit na daw siya. Tumayo na ako sa kama ko at binitbit na ang isang duffel bag na siyang dala ko dati ng mapadpad ako dito sa Manila. Naglalaman iyon ng lahat ng kailangan ko.

Madilim pa, ang ilaw lang sa katapat na poste ng apartment ko ang nagbibigay ng liwanag. Umupo ako sa isang bangkito na nasa harapan ng apartment ko. Nakasuot ako ng isang simpleng jeans at t-shirt na binagayan ng black na rubber shoes ko. Ito na ang pinaka-bagay na suotin ko kasi halos puro pamasok sa trabaho at pambahay lang ang suot ko.

Kapag may ganitong lakad wala akong masyadong damit na maisuot maliban sa suot ko ngayon. Kailangan ko pa ring magtipid kahit na may stable job na ako. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat samantalahin ang grasya na dumadating sa buhay ko. Kailangan ko pa ring pag-isipan kung importante ba ang mga bagay na binibili ko. Ayaw kong mag-sayang.

Makalipas ang halos limang minuto ay dumating na ang sasakyan ni Andrie. Iyong binili niya kay Timothy ang sakay niya kaya nalaman ko kaagad. Tumayo na ako at binitbit ang bag ko. Huminto ang sasakyan at lumabas si Andrie sa driver seat.

"Kanina ka pa naghihintay?" tanong niya.

"Hindi naman." Tinangka niyang kinuha sa kamay ko ang bag.

"Ako na." sabi ko at inilayo ang bag sa kaniya.

"Hindi, ako na." nakangiting sabi niya at tuluyang nakuha ang bag sa kamay ko. Wala akong nagawa dahil nakuha na niya.

Sumunod ako sa kaniya nang maglakad na siya papalapit sa kotse niya. Pinagbuksan niya pa ako ng pintuan sa passenger seat. Nang makasakay ako ay binuksan naman niya ang pintuan ng back seat at doon inilagay ang bag ko. Pagkatapos ay sumakay na rin siya at umalis na kami.

Pagdating namin sa airport ay nandoon na silang lahat. Nahiya naman ako dahil mukhang ako na lang ang hinihintay. Tahimik lang ako nang makababa na kami ni Andrie sa sasakyan niya, na kinuha naman ng driver ata niya kanina.

"Good Morning." Bati ni Shi kaya napatingin ako sa kaniya. Sa akin siya nakatingin at nakangiti.

"Good Morning." Nakangiting bati ko na lang pabalik.

"So, guys. Tara na?" sabi ni Andrie na dala-dala ang bag ko na siya na naman ang kumuha. Pilit kong kinukuha ang bag sa kaniya pero iniiwas niya na para bang hindi niya napapansin na kinukuha ko na. Inilalayo niya sa akin ang bag ko habang nakikipag-usap kay Shi.

Hindi ko na lang kinuha pa at hinayaan siya. Naglakad na kami papunta sa isang eroplano. Unang beses kong makakasakay dito kaya kinakabahan ako. Wala akong ideya sa kung ano ang pakiramdam kapag nakasakay sa isang eroplano.

Nakasakay na kaming lahat sa loob. Napaka-ganda sa loob ng eroplano. Ang mga upuan hindi tulad ng napapanuod ko sa TV na marami at dikit-dikit. Dito may solohang upuan at may dalawahan din. Ang isang upuan ay may sariling lamesa pa. Kapag nandito ka para ka lang nasa sala ng isang magandang bahay.

KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon