Sa kapirasong litrato, nakakapit ang kamay ko.
Sa kapirasong pangako mo, nahulog ako.
Sa simpleng ngiti mo, nabihag ako.
Pasensiya pre, mahal kita pero lalaki rin ako."Paul, picture-an mo nga ako dito-" tawag ko sa kaniya habang abala siyang kuhananan ng litrato ang mga babaeng nasa rides.
Nandito kami sa Sky Ranch ni Paul--best friend ko. Panay kuha siya ng magagandang tanawin dito. Mapa rides, view, at yung mga batang naglalaro.
Mahilig siya sa photography at sabi niya dito siya magiging masaya--dito magiging proud sa kaniya ang mga magulang niya.
As his best friend support ko siya sa lahat ng ginagawa niya. Lahat ng makakapag pasaya sa kaniya ginagawa ko. Kahit sa maliit na paraan naipapakita ko ang pagmamahal ko sa kaniya.
Ilang taon na rin akong may gusto kay Paul, siguro mga 3 years? Hindi ko maalala eh. Basta naramdaman ko na lang na gusto ko siya.
"Ah sige, ayan pose ka diyan sa may likod ng ferris wheel, yan good. Nice shot, galing mo talaga sa modeling" sabi niya.
"Patingin nga? Oo nga noh, anggwapo ko diyan" sabi ko at pangiti ngiti pa.
"Gwapo ka naman talaga eh. Halos lahat ng pictures mo dito sa camera ko, nakatago" sagot niya na ikinatuwa ko.
Nagsisimula na akong makaramdam na may gusto rin siya saakin. Minsan sinasabihan niya ako ng mga compliments na nakakapag pakilig saakin. My heart pounds whenever he say something good about me.
"Tara na, uwi na tayo Vince. Wait no, hindi pa tayo nakain, tara punta tayong Jabee (Jollibee) kasi favorite mo dun diba?" sabi niya at saka hinawakan ang kamay ko.
Nagsimula na kaming tumakbo ng mabagal. Para akong nasa isang romantic movie, hawak niya ng mahigpit ang kamay ko at parang walang ibang taong nakamasid saamin. Sabay ng ngiti niya sa labi na nakakapag saya ng bawat segundong kasama ko siya.
Kumain kami sa Jollibee at saka kumain ng paborito kong sundae at fries. Puro halakhakan ang ginawa namin doon. Inalala ang mga kabaliwan namin dati, tiningnan ang mga litrato namin kanina at pinagtatawanan ang mga ito na para bang walang bukas.
Hinatid niya pa ako pauwi kaya mas lalo akong kinilig. Panay sulyap muna ako habang paalis na siya gamit ang kotse niya at saka ako pumasok sa bahay ng may ngiti sa labi.
Dumaan ang mga buwan at mas lalo akong nahulog sa kaniya. Hindi ko na ramdam yung tawag na best friend kasi mas nangingibabaw ang pagmamahal ko kay Paul. Minsan nga bago ako matulog, tititigan ko muna yung picture naming magkasama.
What if I confess?
What if maging kami?
Will everything will be alright?
Yes, Probably. Naniniwala naman akong mahal niya rin ako.
It was Paul's birthday ng pumunta ako sa bahay nila. I was shocked from what I saw, a girl.
"Vince andito ka na. Tara kain ka" sabi ni tita habang nasa entrada ako ng pintuan nila.
"Tita sino yan?" sabi ko kay tita at sabay turo sa babaeng katabi ni Paul. Naka akbay pa si Paul sa kaniya at parang may binubulong ito.
"Ah si Tiffany, girlfriend niya daw. Bakit? Di mo alam?" sagot ni tita na ikinabigla ko.
What? Girlfriend? All of a sudden malalaman kong may girlfriend siya at malala pa rito, wala man lang siyang sinabi saakin.
"Ah Vince, I want you to meet Tiffany. Babe, si Vince--best friend ko" sabi ni Paul ay sabay turo saakin.
Pekeng ngiti ang ibinigay ko sa babae at saka umupo sa dining area, katabi ko sila pero nasa gitna si Paul ay naka hilera ang mga handa.
Natapos ang party at nagkainuman kaming mag b-barkada kasama ang mga schoolmates namin at alas dose na ng gabi, hindi parin ako tinatamaan ng beer.
Nakita kong tulog na yung Tifanny at umiinom parin si Paul. Tumayo ako at hinawakan ang kamay niya at saka dinala siya sa labas ng bahay. Medyo malamok dito pero kailangan ko siyang kausapin.
"Vince bakit?" tanong niya.
"Anong bakit? Akala mo ba ayos saakin? Sino yung babaeng yun?"
"Si Tiffany? Girlfriend ko nga"
"Pero wala kang nabanggit saakin about her. And I thought we're doing good as mutual understanding?" sabi ko. Sa sobrang galit ko, nasabi ko ang mga yun na ikinalaki ng mata niya na para bang naguguluhan.
"What?! Mutual understanding? What do you mean?" naguguluhan parin niyang tanong.
"Come'on Paul? Ano pala yung mga ginawa mo dati? Yung pag papakilig mo saakin? Yung mga efforts mo? Is it because you like me o dahil beat friend mo lang ako?"
"Anong pinagsasabi mo Vince? Like you?! No! Are you saying you like me?"
"Oo Paul gustong-gustong gusto kita. Matagal na kitang gusto and I thought we're doing okay this past few days ang months tapos malalaman ko kaninang may girlfriend ka?"
"What the fuck? Are you gay? No, hindi pwede. Vince, hindi na kita kilala. I won't like you cause your just my best friend, yun lang nothing else."
Nagsipatakan ang luha sa gilid ng mata ko. Di ko namalayang nanghihina na ang mga tuhod ko sa bawat bulyaw na sinasabi niya saakin.
"I'm straight Vince, and I won't give a damn on you. My only love is Tifanny at pagpapakilig ko sayo? Hindi ko sinasadiya yun, sadiyang marupok ka lang. Kung ganiyan ka lang saakin please leave me alone. Wala akong best friend na bakla!"
Tuluyan akong umiyak ng makita kong tinalikuran na niya ako at saka bumalik sa bahay nila.
Hindi na niya ako muling kinausap mula noon at ngayo'y nagsisisi akong minahal ko siya. Nagsisisisi akong umamin ako ng oras na yun at dahil dun, nawala lahat ng masasayang memories naming dalawa.
The man who loves to take a photo and the only man I love left me, because of my sexual orientation. The memories that was left on the camera that we used to take a photos became useless.
Magkatabi lang kami ng bahay at nakita kong tinapon niya ang camera sa basurahan. Tiningnan ko iyon at nakitang gumagana pa at nakitang nandun parin ang memory card.
Umiiyak akong pinagmasdan ang mga litrato naming dalawa na masaya--na ngayo'y basura na lang para sa kaniya.
The man who loves to take photo and save memories dumped me. And it's okay, as long as he is happy even if I'm wounded.
ーDwayne Cadmus
YOU ARE READING
Compilation of One-Shot Stories by Dwayne Cadmus
General FictionGreetings! This is a Compilation of Short Stories I've written in my Facebook Account. All stories written here are used by my imagination and nothing to do with true events in real world. I am not a good writer, I'm still learning how to improve m...