Matapos nang pangyayaring iyon ay umuwi na 'din kami. Nang may ngiti kami sa mga labi. At least kahit papaano ay tanda iyon ng pagkakasundo ng dalawang magkaaway sa loob ng isang barkada.
I'm glad she made it!
"Bilisan mo nga sa pagda-drive, Jerome. Pinapauwi na ako ni mommy e." reklamo ni Vanessa sa tabi ko.
"Sorry naman, kasalanan ko bang, dito kayo sumakay?" rason naman niya. Mas lalong humalukipkip ang katabi ko.
"Shakkkss! Dapat pala doon na lang ako kina Melanie at Matt. Ang slow mong mag-drive." aniya pa. "Dapat lang sana, pero dito ka eh. Gusto mo lang yata akong makasama."
"Hoy! For your information Jerome Villanueva. Hindi kita gusto!" -Vanessa. "Ows? Para namang maniwala ako." natatawang sambit niya pa. "Ang hahalikan mo sana ako kanina ay patunay lang na may gusto ka talaga sa akin." tugon pa niya.
"Oh! Bakit? Ikaw ba ang may alam ng feelins ko para lang sabihin mo na may gusto ako sa 'yo?" banat ni Vanessa.
"Sabihin niyo lang kung magkakaroon ng World War 3 dito ah. Bababa agad ako." sulpot ni Troy na mukhang busy sa sariling cellphone pero na bothered dahil nga sa pagsisigawan ng dalawa.
"Oo. I-update ko agad sayo, gago!" -Jerome.
Ngumuso na lang ako. Tahimik naman 'din sa passenger seat si Billy na mukhang hindi na talaga maistorbo kahit may nagsisigawan na sa harap niya.
Bumaling ako sa kanan ko nang marinig ang pagtawa ng mahina ni Drixie. Nakahawak siya sa camera niya habang nagngingiti-ngiti.
"Ano 'yan, Drix?" interesado naman ako. Pinakita niya sa akin ang pictures sa camera niya at napatawa na lang ako.
"Pinicturan mo?" tanong ko na tumatawa pa 'rin.
Natatawa naman siyang tumango. Nabalot nang tawa namin ang buong kotse.
"Aba! Sabihin niyo lang 'din sa 'kin, kung may mangyaring Comedian War dito ah.. Sasali ako." natatawang sambit ni Troy sa likod.
"Why are you laughing?" mausisang tanong ni Van.
Pinaharap ni Drixie sa kanya ang pictures kaya ngumiti na lang siya. "Nice shot, Drix. Ire-remembrance natin 'yan." sabay ngising aso pa.
"Care to tell?" si Jerome. Tumigil na ako.
Hhaha, hindi ko akalaing magkakaroon siya nang time para picturan sila. Sabagay, dapat lang na may remembrance ang pagkakasundo nang dalawang hindi magkasundong tao.
Sinabi ni Drixie at ipinakita sa kanila'ng tatlo o dalawa na lang, I guess. Hindi nga talaga kasi maistorbo ang nagngingiting si Billy eh.. Anim kami sa Van ni Jerome. Speaking of my car, pinasundo ko na 'yun sa driver namin kanina. Sa sasakyan naman ni Dave sina Matt, Ella, at Melanie. Doon na sumabay si Melanie dahil gusto niyang maliwanagan sa pagkakasundo nila ni Ella.
Inihatid na ako ni Jerome sa bahay namin nang nakarating kami sa bahay. Naihatid niya na sina Drixie at Troy. Sina Billy na lang at Vanessa ang last niyang ihahatid.
"Good Afternoon, Manang!" bati ko nang nadatnan si Manang na nagkakape sa Coffee Table.
"Ang aga mo yata, hija." saad niya.
"Yep. Hindi po kasi ako pumasok. Sinundo namin sina Matt at Ella. Naalala mo pa po ba sila?" sabi ko sabay pabagsak na umupo sa Sofa sa harap niya.